19

151 2 0
                                    


"Bakit ganyan itsura mo? Anong nangyare?"


Bungad na tanong kaagad sakin ni Bea pagkatapos niyang umupo at tumabi sakin eksaktong breaktime kasi namin dahil katatapos lang ng major subject. Bahagyang napamaang ako at nilingon siya.




"Bakit? Ano ba meron sa itsura ko?" Nagtataka ko na tanong sa kanya at mabilis ko na sinalamin ang sarili ko sa screen ng phone ko para makita kung ano bang meron at mali sa itsura ko ngayong araw. Pero wala naman kaya kaagad ko na ibinaba saglit sa mesa ang phone ko at nilingon siyang muli. "Wala namang dumi ah?"



Tumawa siya at ganon ko nalang rin kabilis na naramdaman ang pagpisil ng kamay niya sa pisngi ko. "Hindi kasi yon ang ibig ko na sabihin at ipakahulugan." Mahinahon niya na sabi.



"E ano pala kung hindi iyon?"


Tinuro niya ang mukha ko sabay lapit niya sakin bigla dahilan para kumilos din kaagad ako palayo sa kanya. I know that she has nothing to do in me but I feel and think it weird already.



"Yan. Yang mukha mo anong ibig sabihin niyan? Sino ang dahilan at bakit ganyan ang expression sobra ng mukha mo? Daig mo pa ang nalugi sa lotto." Pinanlisikan pa niya ako ng mata bago siya bumalik sa kinauupuan niya ng hindi pa rin inaalis ang paningin sakin.




Bigla akong napahawak sa mukha ko at sandali na napaisip. Alam ko na hindi si Gaviniel ang dahilan niyon hindi ba? Isa pa, parang ang weird naman non kung siya ang magiging dahilan. Hindi rin naman kami nag away kaya bakit siya ang dahilan. Hindi rin naman pwede na si Mark dahil wala rin naman kaming pinag aawayan pa at problema na hindi napagkakaunawaaan.




Umiling ako. Hindi Hindi sila ang dahilan ng ito. Naniniwala ako na hindi sila. Maybe it's because of Stephanie. Oo tama! Dahil sa kanya dahil siya lang naman itong nagpapakulo lagi ng dugo't laman ko. Mariin akong napairap sa kawalan at napabuntong hininga. Naalala ko nanaman kasi bigla ang ginawa niya sakin kanina bago ako umalis.




That girl is so ridiculous and insane.



"Stephanie." bored at walang ganang sagot ko kay Bea. "My enemy and my great sister."



Natitigilan siyang tinuro ako at naguguluhan bigla. "M-may kapatid ka pa na babae bukod sa kuya mo?" Halos hindi makapaniwalang husto pa na tanong niya.




Tumango ako. "Yeah! I have. But our mothers are different." Hinarap ko siya. "Kung naalala mo yung babae na...Hmm? wait I think you're not there in that day right?" Saglit pa akong napaisip ulit bago siya nilingon. "Right. Oo wala na pala kayo non nila Aiofe and I was left with Mark and Gaviniel."



"Tapos?" Naguguluhan talaga na tanong niya. "Sorry pero wala akong ideya sa mga sinasabi mo kaya ganito ako ka curious ng sobra."



Tipid akong napangiti at nahiga sa balikat niya. "It's okay Bey. You know you don't need to explain on me. So ito na nga, yung babae na nakabanggaan ko," panimula ko muli sa kwento ko kanina. "I didn't thought that she will become my sister. Hindi ba nakakatawa?"




Naramdaman ko na gumalaw siya dahilan para maiangat ko ang paningin ko sa kanya. She already raising her left brows halatang nagtataka at nagulat sa narinig sakin. I could feel into her eyes the surprised.



"Kailan kayo nagkita?" Nakapalumbaba na siyang nakatingin sakin. Interesadong interesado.



"Nito lang nung nakaraan. Dinala siya ni Papa sa bahay nakakaasar nga lang dahil doon pa niya pinatira sa bahay yon." Inis na sabi ko.



The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now