11

216 4 0
                                    


"Did you know him?"

dinig ko na bulong sakin ni Mark. Daretso kasi akong nakatingin kay Gaviniel na ngayon ay naglalakad na papalapit samin. Sa itsura niya ay mukhang kakababa pa lang niya galing sa room nila. Nagsalubong ang mga mata namin pero saglit lang din dahil agad na niyang inilipat at itinapon ang tingin kay Mark.


hindi pa man siya ganon na nagsasalita pero para sa akin ay parang may nararamdaman ako na kakaiba kaagad sa ikinilos niyang iyon. I saw him licking his lower lips lowkey mukhang sa paraan na iyon ay ganon nalang niya kaagad na kinikilala ang kasama ko. Tinignan pa niya ito mula ulo hanggang paa dahilan para mapangiwi nalang ako.


"Yes. I know him." sagot ko kay Mark. Pero ang paningin ko ay nakapako lang ngayon kay Gaviniel. Matiyaga ko siyang tinitigan hanggang sa mapansin na niya ulit ako. I heard him also doing faked cough before giving me a small smile. Nilingon niya rin ang babae na nakaalitan ko na hanggang ngayon ay banas na banas pa rin kung makatingin sakin. Na akala mo ako ang nang api at nanguna sa aming dalawa!


"May ginawa ba siya sayo?" senyas na tanong niya ng ibalik ang paningin sakin. Wala sa sariling natawa ako pagkatapos niyon nakita ko pa kung papaano silang nagulat sa inasta ko. Pero kasi, the fudge! yung tanong ni Gaviniel pang sa mahinang tao lang. E hindi naman ako ganon. I can do and manage it on my own.


"So dala dalawa pa pala ang lalaki mo." sarkastiko na singit nalang din bigla ulit nung babae na nakaalitan ko. Nakangiti na siya ngayon at minsan pang pinalipat lipat ang paningin kila Mark at Gaviniel na ngayon ay pinagi gitnaan na ako.


hindi ko napigilan ang mapamaang kaagad sa sinabi niya dahilan para ganon nalang kalakas ang loob kong lapitan siya. Anong dala dalawang lalaki pinagsasabi nito? Oo alam ko na mahilig ako makipagrelasyon non sa mga may girlfriend na. Pero ngayon hindi ko na ginagawa yon.


nakita ko sa mukha niya kung gaano nalang siya ganon kaagad kasaya ng makita akong hindi makasagot sa sinabi niya. Ngumiwi ngiwi pa siya na halatang nang aasar talaga dahilan para mapangiti lang din ako. Saglit akong lumayo sa dalawang lalaki at mas lumapit pa sa kanya dahilan para mawala ng husto ang maganda niyang pagkakangiti. Na napalitan na rin kaagad ng pagtataka.


"Alam mo magkaliwanagan nga tayo. Ano ba talaga ang gusto mo?" kalmado ko na tanong sa kanya ng may diin ang panghuling salita habang daretso at matalim ko na siyang tinitigan. Sa pangalawang pagkakataon din narinig ko kung papaano nalang ako awatin nila Mark at Gaviniel pero hindi ko sila pinansin at itinaas nalang ang kanang kamay para sabihing okay lang ako.

"Ano ba sa ti-"

"Nag sorry na ako hindi ba? Alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung tanga ka ba o slow e." napahalukipkip nalang din kaagad ako matapos niyon. Dahil putcha! ayaw niya talaga magpatalo like duh! sa simpleng bunggo ko talagang papatagalin pa namin to? baliw na yata tong babaeng to!


pagsasalitaan ko pa sana siya ulit pagkatapos niyon pero hindi ko na rin naituloy pa dahil bigla ng tumunog ang bell. Senyales na tapos na ang breaktime for this hour. Dahil doon napatingin nalang din ang babae sakin at pagkatapos ay padabog ng naglakad bitbit ang mga gamit niyang wala na sa ayos.


"Are you okay?" ramdam ko na paglapit din kaagad sakin ni Gaviniel ng maharap ko na silang dalawa ni Mark. Tahimik lang na nakatingin sa amin si Mark at hindi na ganon pang nagsalita. Pero nababakas ko kaagad sa mukha niya na parang hindi siya ganon kakomportable lalo na't nandito ngayon si Gaviniel. I gave him a thumbs up nalang din para sabihin na okay ako bago ko ibinalik ang paningin kay Gav na ngayon ay balik na sa seryoso ang mukha ng sobra.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now