15

197 3 0
                                    


"Sam, are you okay?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng makitang bigla si Gianna sa gilid ko na nakaluhod at kaagad na humawak sa balikat ko. Nag aalala. While Mark was still looking at me with his offering his right hand. Parang walang pakialam kung naroon ba ang kaibigan ko o wala.

"And who's this guy again? girl? is she yo-"


"Of course not!" mabilis na agap ko ng magets kaagad ang gustong iparating muli ni Gianna sakin. Tinignan ko pa muna silang dalawa bago ako tuluyan na tumayo ng walang tinatanggap rin na kamay sa kanila.

Napamaang pa ako ng makita ko na magkatinginan silang dalawa dahilan para wala sa sariling mapasinghap ako. Umiisip ng paraan kung papaano sasabihin kay Gianna ang tungkol sa dating thing naming dalawa.

Yeah, for the past months that we've been seeing each other before the vacation comes, Mark and I are always waiting each other. Kapag siya ang unang natatapos ang klase he even waits for me in the bench near at our department building. And I do the same.

"Okay! Okay! I'm just asking you dear." tumatawa at mapang asar pa na sabi ulit ni Gianna. While she was playfully put her hands on her chest like I did something that will hurt to her. Kahit kailan talaga siya! "Bakit defensive?"


"Hindi ah!" agad na depensa ko at napapamaang na tumingin sa kawalan bago ako nagmadaling maglakad para maiwanan na silang dalawa. Pero pagbalik ko nakangiti at halatang kinikilig na mga mukha kaagad nila Chandria at Yvette ang sumalubong sakin. Nakasandal silang dalawa habang ang parehong kamay ay magka krus.


"Mukhang papasok ka this year na may jowa na ah? Hindi ba?" Makulit na tanong ni Chandria sabay dunggol niya kay Yvette na agad ring tumango tango.


Napamaang ako at sarkastikong natawa. "Ano bang pinasasabi n'yo?"


"Hala si ate! hindi na makatingin ng daretso! kinikilig ka no?" Sundot naman ni Yvette sa tagiliran ko.


"Kilig ako? Paano?" Lumingon pa ako sa pagilid para lang tignan kung umalis na ba si Mark.


"Ayaw pa umamin huli ka na nga! The way you look right now!" Panggugulat at tulak sakin ni Gianna ng makabalik na siya. Hindi ko man lang namalayan. "You both dating na pala e. Kailan nagsimula?"


Agad akong napaiwas ng tingin at hindi nakapagsalita matapos niyon kahit na ramdam ko na agad na nasakin na lahat ng atensyon nila. Alam ko na naghihintay rin sila sa paliwanag ko pero ang totoo hindi ko alam kung papaano iyon sisimulan.


"Ayaw niya yata i-share mga sis!" dinig ko pa na bulong ulit ni Gianna. Pero tumigil din kaagad siya ng makita niyang nakatingin na ako sa kanya. "Just joking!" she did peace sign.


Napailing nalang ako at napabuntong hininga. Hindi ako nagsalita at sa halip ay basta nalang silang nilagpasan. Naramdaman ko na sumunod din naman kaagad sila sakin. I still heard them talking using their low voice but I just choose to pretend like I didn't hear anything.


Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa napagod na kami kaiikot. As usual kanya kanya nanamang mundo ang lahat habang nakaupo at nagpapahinga sa rooftop ng mall kung saan kitang kita ang lahat ng nasasakupan ng lugar.


"What a fresh air!" Nakapikit at nakangiting sabi ni Chandria, habang nakatingala sa kawalan.


Wala sa sariling napangiti tuloy ako at nilabas ang phone ko para kuhaan siya ng litrato. Pero kaagad ko rin na naitago ang phone ko ng makita siyang dumilat at lumingon sa gawi ko. Hindi ko tuloy alam kung papaano kikilos ng ayos lalo na't nakikita ko ang mukha ni Gianna na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now