28

174 1 0
                                    


[What? Ginawa ni Gaviniel yon sayo?!]

Aiofe shouted on the phone. Halos kiligin na lang rin kaagad siya ng sobra dahil sa pagku kwento ko sa kanya nung ginawa sakin ni Gaviniel kanina. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay nasa labas pa rin ba siya at nakasandal sa corridor habang naghihintay sakin o baka nainip na siya at bumalik na mag isa sa dining area.

Hanggang ngayon kasi ay nandito pa ako sa loob ng cubicle at sinasadya ko na magtagal dahil sa pagkailang na nararamdaman ko sa presensya at sa mga kapani panibago niyang galawan na ginagawa sakin. Pinatong ko muna rin ang phone ko sa ibabaw ng sling bag ko na nakasabit bago ako umupo to started to change my panty because of the blood stain on it.

Mabuti na lang rin talaga at lagi ako na may dala dala na sanitary pads and extra panty so that I don't need to worried about that much kapag dumarating ang period ko.

"Yeah, he did that to me. Nanlaki nga ang mata ko sa gulat." I said to her while recognizing the things that happened earlier between me and Gaviniel. Pero umiling rin ako kaagad pagkatapos niyon. Hindi ko dapat isipin yon! Hindi mo dapat isipin yon Samantha Zaylee!

[Oh my God! Gaviniel was so really in love with you Gaga! Ang ganda mo naman! Sa bagay hindi na rin naman kami magtataka if ikaw lang naman na ang sumakop ng space sa IG account niya.]

Gulat ko na itinaas ang ulo ko at napatingin kaagad sa phone ko. "Anong sabi mo?!"

Kinuha ko ulit iyon but this time I held it with my hand and turned it off the speaker before I put it back into my ear. Para akong tanga na tumingin tingin pa sa magkabilang gilid ko kahit na alam ko naman na walang makakakita sakin dito sa loob ng cubicle.

[Hala don't tell me pati yon hindi mo alam?] She asked using her tone of dissappointment.

"Hindi. Kaya nga nagulat ako ng marinig ko yun sayo kaya pinaulit ko." Tumayo na rin ako ng matapos ako sa pagpapalit ko at kinuha ang bag ko bago tuluyan na lumabas roon at saglit na naghugas ng kamay.

Tahimik lang ako na nakinig sa mga sinasabi at kinu kwento ni Aiofe hanggang sa muntikan ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa gulat ng makita ko si Gaviniel na tahimik na nakatayo at nakasandal ang magkabilang braso sa railings habang bahagya naman na nakayuko ang ulo niya. Nakatalikod siya banda sakin kaya hindi ko rin ganon na makita ang eksaktong expression ng mukha niya.

[Hello Sam? Buhay ka pa ba?] Dinig ko na tanong pa sakin ni Aiofe sa kabilang linya.

"Mamaya na lang siguro tayo mag usap ulit." Tanging nasabi ko na lang rin sa kanya at pagkatapos ay mabilis ko ng pinatay ang tawag at ipinasok sa bag ang phone ko.

Hindi ako lumapit sa kanya at tahimik lang ako na pinanuod siya. Pero wala pa man ilang minuto ang nakakalipas ay takang taka ako na napahawak kaagad sa dibdib ko. Dahil bigla nanaman kasi na bumilis ang tibok niyon kaya hindi ko tuloy maiwasan na tanungin ang sarili ko. Normal pa ba tong nararamdaman ko na to? O hindi na?

Napailing ako ng magsimula na akong mapaisip rin ng kung ano ano dahilan para mapapikit ako saglit ng mariin. My eyes widened when I opened it dahil mukha kaagad ni Gaviniel ang bumungad sakin.

"Why you're closing your eyes?" He raised a brow being curious already. 

"Uhm," Napakagat ako sandali sa labi ko at kaagad siyang tipid na nginitian at bumuntong hininga. "Wala, wala yon. I'm just doing inhale exhale."

"Ah okay," Curious siyang tumango tango at parang hindi ganon na kumbinsido sa naging sagot ko.

"Yup, but by the way I thought you already went back alone to the dining area."

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now