38

183 2 0
                                    


"Love, Sandali lang naman hintayin mo ko."


Paghatak ko sa damit ni Gaviniel matapos namin lumabas sa isa pang kwarto na okupado. Pasado alas nuwebe na rin ng makarating kami. Sumama ako sa kanya dahil kanina pa niya ako hindi kinikibo pagkatapos niyang ibigay sakin yung singsing. Kahit na kanina ay nagpupumilit pa siya na ihatid ako sa bahay. Hindi ko alam kung ano nanaman ba ang tinotopak niya.


Tumigil siya sandali sa paglalakad niya pero hindi man lang niya ako pinag aksayahan na lingunin at tapunan ng tingin. Hindi ko tuloy napigilan ang mapanguso. I heard him letting out a heavy sighed at dahil sa makulit ako pagdating sa kanya, mas hinatak ko pa ang dulo ng damit niya. Hindi ako tumigil roon hanggang sa gumalaw siya para humarap sakin.


His brows furrowed and he only looking at me. Pinagkrus niya na rin kaagad ang magkabila niyang mga braso kaya naman hindi ko na napigilan ang mag pout sa harapan niya. Habang patago ko na iniisip at nire recall ang lahat ng mga nasabi ko sa kanya kanina habang nasa daan kami pauwi rito sa condo niya.


'Naturingan ka na jowa niya? Pero hindi mo alam ang tinotopak niya? Are you nuts?'



'Baka naman nagalit kasi sa reaction mo kanina sa ring?'



"Hindi!" Umiling ako at inis na napa padyak ng wala sa oras dahil sa mga pinag iisip ko. Pero, kaagad rin na nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang ginawa ko. Dahan dahan ko na inangat muli ang paningin ko kay Gav na ngayon ay nakakunot na ang noo at halata na ang pagtataka.



"What is it Samantha?" Biglang tanong niya na siyang mas mabilis na nakapagpabago ng ekspresyon ko. Ano daw? Samantha? Bakit ganon ngayon ang tawag niya sakin? Bakit hindi love?



"You," Turo ko kaagad sa kanya matapos nung sinabi niya. "Love bakit Samantha?" Naiirita na tanong ko sa kanya sa paraan ng paglalambing.



His brows furrowed and the side of his lips suddenly rose up. Pagkatapos rin niyon ay lumapit siya sakin at basta na lang niya na inilapit ang kanyang mukha sa bandang leeg at tainga ko. Making me startled a bit.
Narinig ko pa siya na tumawa dahilan para sana gumalaw ako at hampasin siya. Pero hindi ko alam kung bakit walang kakayahan ang kamay ko na gumalaw pagdating sa kanya.



"Why is there something wrong with that? Isn't that your name right?" Umalis siya at lumayo sakin pagkatapos niyon. Daretso pa niya ako sandali na tinignan sa mga mata ko bago siya tuluyan na naglakad at lagpasan ako.



Dahil roon, naiwan akong tameme. Napapalunok na lang akong tinignan siya ng tingin habang naglalakad palayo sakin. Nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga ng makita ko siya na pumasok na sa kwarto niya.


Kaya sa huli, naisipan ko na lang na bumalik ulit sa kwarto kung saan natutulog si Kelsie at doon matulog. I was taking out my shoes before I went to the bed to hugged her.

The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now