18

133 0 0
                                    


"Love are you okay?"

Nakatulala akong nakatingin sa labas ng maramdaman kong hawakan muli ni Mark ang kamay ko. Dahan dahan ko siya na tinignan at doon ko nakita kung gaano nalang siyang mag alala kaagad sakin. Nakatingin lang ako sa kanya dahil nakatitig siya sakin at nag aantay na magsalita ako.


Kitang kita at ramdam ko na binabasa ng kanyang mga mata ang iniisip ko habang daretso lang siyang nakatingin sakin. Tumayo at lumapit pa siya para ayusin ang hibla ng buhok ko.

"Anong nangyare? Bakit bigla ka nalang nanahimik?" He asked using his sweet voice.

Napaiwas ako bahagya ng tingin. Dapat ko ba na sabihin sa kanya ang tungkol roon? Ni hindi ko nga alam kung si Gaviniel iyon o ano e. Isa pa, hindi naman yon big deal.


"Wala," Umiling ako at uminom na lang ng coffee latte na nasa harapan ko habang nililibot ang bawat paligid. Nakatingin pa rin sakin si Mark habang umiinom tinatantya ako. "Why are you stare?"


"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Nagtatakang tanong niya. "para magkaganyan ka nalang bigla?"



"Wala no!" Tanggi ko kaagad. Mukhang napalakas pa yata ang boses ko dahilan para mapalingon ulit ako sa paligid at mga ibang tao na kasama namin roon. Napakagat ako sa labi at uminom nalang ulit sa tasa ko. "Alam mo wala yon. Kaya kung ako sayo ubusin mo nalang rin yang iniinom mo."

"O-okay...if that is the case then," Mukhang hindi siya kumbinsido pero tumango nalang siya at sinunod ang sinabi ko.


Mabuti nalang rin at hindi na siya natanong pa ulit pagkatapos niyon. Kaya makakahinga na ako ng maluwag. Tumayo at saglit rin muna siya na nagpaalam sakin para kausapin ang tumatawag sa kanya.


Tahimik lang akong tinititigan siya ng makita ko siyang umistambay sa tabi mismo ng gate ng shop. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila dahil may pasenyas senyas pa siya ng kamay. Pero kahit na ganon pa man, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi mawala wala sa isipan ko ang sasakyan na nakita ko kanina.


Alam ko na wala naman akong proweba para masabi ko na si Gaviniel talaga yon pero kasi, ewan ko ba kung bakit. Siguro mas mabuti kung itext ko nalang siya para malaman ko yung totoo. Tama! Ite-text ko siya!


Nilabas ko ang phone ko para itext siya.

To: Gaviniel

Hey! Ikaw ba yung kanina?

Pero as usual wala pa man din ilang minuto ay may reply na kaagad siya.

From: Gaviniel

Anong ako? At anong kanina?


Naibaba ko ang phone ko sa mesa at dahan dahan akong napatakip sa labi ko. So mali pala ako hah! hindi pala siya yon! Jusme! Masyado lang siguro akong napa paranoid kaya kung ano ano ng naiisip ko.


Nireplayan ko nalang siya ng simpleng 'Nothing' with emoji at pagkatapos ay pinatay ko ang phone ko. Napakagat pa ulit ako sa labi ko saglit. Bumalik na rin si Mark matapos niyang makipag usap. Nakangiti niya akong sinalubong.


"Let's go now?" Tanong at Pag aaya niya.

Hindi ako nagsalita at tumango lang. Dahil sa parehas kami na may dalang sasakyan, ganon muli ang ginawa namin tulad kanina. Dahil sa may gagawin rin siya ay napagdesisyunan na namin na umuwing dalawa. Naghiwalay at nagkaiba na rin kami ng way pagkatapos namin makarating sa crossing.

Hindi pa man din kami nakakalayo sa isa't-isa ng lubusan ay naramdaman ko kaagad na mag vibrate ang phone ko kaya saglit ko na inihinto ang sasakyan ko para ilabas at tignan kung ano ba 'yong itinext niya.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Where stories live. Discover now