2

443 10 1
                                    


"ano pahiya ka no?"

mataray at pairap ko na sinalubong ng tingin si Harvey sa maliit na salamin na nasa harapan nila ni mama. Kanina pa siya ganyan hindi niya talaga ako tinatantanan! Nakangisi siya habang nag ja jamming at sinasabayan ang tugtog niya na pang romance. Akala mo naman may jowa!


"pahiya ba yon? malay ko bang siya pala ang may ari ng restaurant na yon." sarkastiko ko na sabi bago inis na inalis ang paningin sa kanya at itinuon na lang sa labas ng bintana para panuorin ang mga iba pang sasakyan na nakakasabay namin.



pagkahintong pagkahinto ng sasakyan sa bahay ay nauna na din akong bumaba sa kanila. Dare daretso lang akong naglakad papasok hanggang sa bigla na lang akong natigil ng may makita akong mga tao na nakaupo sa sofa. Nang lingunin ko si tita Vangie ay ganon na lang siyang napaiwas kaagad ng tingin at wala sa sariling nasapo ang kanyang noo.



maya maya lang din ay naramdaman ko na ang presensiya nila Harvey at mama kaya kaagad na akong tumabi sa gilid. Tulad ko, sila rin ay nagulat ng makita ang mga taong nakaupo sa sofa. Minsan pa silang nagkatinginan na dalawa bago tuluyan na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.



paano wala pa kasing isang buwan ang nakakalipas ng makapagbayad kami ng renta dito sa bahay, nandito nanaman ulit ang mag asawang may ari. Nauna ng tumayo ang babae at naglakad papalapit kila Harvey habang ang asawa naman nito ay tahimik lang na nakaupo at pinanunuod ang kasalukuyang ginagawa nito.



"Aling belle? kababayad lang ho namin sa inyo ng upa hindi ho ba?" maingat na pagtatanong ni tita Vangie sa kanya. Umaasa na hindi tungkol doon ang ipinunta ng mga ito at wala sa sariling kinagat niya ang sariling labi.


pero dahil sa may re reviewhin pa ako ay hindi ko na sila pinagtuunan pa ng oras na panuorin na mag usap tungkol sa renta ng bahay. Sa halip ay nagmadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Pagpasok ay kaagad ko na rin na inilock ang pinto bago naglakad palapit sa kama ko at buksan ang electric fan na nasa tabi lang din niyon. Habang nagpapahinga ay sandali ko na inangat angat ang buhok ko dahil ramdam ko ang sobrang pawis na tumatagaktak doon. Siguro dahil na rin sa panahon ngayon na tag init. 



tanging kulay puti at itim na shorts na lang din ang sinuot ko ng matapos akong maglinis ng katawan at suklayan ang buhok ko since gabi naman na at matutulog na lang naman ako. Pagkatapos kong gawin iyon ay akmang dumako na rin kaagad ako sa shelf ko para sana kunin at maipagpatuloy na muli ang naputol ko na pagre review ng bigla ko na lang din na marinig na tumunog at mag vibrate ang phone ko. Kaya naman dali dali ako na sumubsob sa kama para tignan kung ano at kung tungkol saan ba iyon. 


wala akong naging reaksyon ng makitang galing iyon kay Kiel. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay sandali na muna din akong naupo sa kama bago binuksan at basahin ang tinext niya. 

From: Kiel 

I'm sorry but we need to break up.  My love for you was not real.. 


hindi ko alam kung anong maire react ko matapos iyon na mabasa. Kumbaga pakiramdam ko yung sipag ko na mag review ay parang bula na lang kaagad na bigla na lang nawala. Wala sa sariling tinanong ko ang aking sarili at tumawa ng sarkastiko. Bakit...? Bakit ganon? nagmamahal lang naman ako. Tangina karma ba'to? 


Kasi kung oo, bakit naman ganito? oo alam ko na nagkakagusto ako sa may sabit na at may karelasyon na pero bakit naman ganito? bakit grabe ang balik? Oo alam ko na sa paningin ng ibang tao mali itong ginagawa ko. Pero anong magagawa nila kung dito ako masaya? Siguro nga talagang ang unfair lang ng mundo kaya ganito tuloy ang mga nararanasan ko. 



The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora