Kabanata 4

619 15 0
                                    

Kabanata 4

Sino ka nga ba? 

Huminto ako matapos kaming makalayo sa cafeteria. Hinarap ako ni Joaquin. Nabigla ako ng hawakan nito ang aking mukha na para bang sinusuri ito ng masinsinan. 

"Stop it." Ani ko at hinawi ang kanyang kamay. Bumalik ang nakakainis nitong ngisi. 

"What did you even say to her? Pikon na pikon, eh." Mahina itong humalakhak. Parang kanina lang ay napaka seryoso at mapagbanta nito. Ngayon naman ay mukhang nag-enjoy pa sa naganap. 

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? 

"Do you know her?" Ani ko na nakapag pahinto sa kanya. Tumikhim ito. I suddenly remember what threat he used to threaten her. About the scandal he had said to her. Heto na ang kuryosidad ko. I don't know why I feel like doubting his personality. 

Gosh, you don't really know him, Shailyne

Wala akong alam sa pagkatao nito. I am not part of his life. Ang kasinungalingan na ito ay wala lamang. 

"Uh, yeah. She's a play girl. Marami na ang naging boyfriend niya rito." Aniya at nag-iwas ng tingin. Pasimpleng kumunot ang noo ko. Ako lang ba? Is he moving away from my eyes? 

"Are you one of those?" Maging ako ay nagulat sa aking sarili. Hindi ko inaasahang masasabi ko iyon. Napalunok ako nang nagulat din ito sa naging tanong ko. Now, I'm regretting it. I moved away from his eyes. 

"Uh, ac--" 

"No, you don't have to answer that irrational question." Malakas ang kabog ng aking dibdib. Kumunot ang noo niya sa akin. 

"Why is it irrational?" Nagtataka niyang tanong. Hindi ko na alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng mga salita. 

"Well, let me ask you. What if she slapped you? What would you do?" Tanong niya at nakangisi sa akin. Napailing ako. What does he think? Na papatulan ko ito? 

"Nothing." Nawala ang ngisi niya at halatang hindi ako maintindihan. 

"Pardon?" Aniya. 

"Violence isn't the solution in everything. Also, why would I fight on someone who's not knowledgeable enough?" Nahinto ito sa naging sagot ko. 

"Tss, you must not let them do this to you." Napalingon ako sa aking likuran. Doon ay sumulpot sina Clyde at Danica na basa ang uniporme at may bahid pa ng itlog at harina. Paanong hindi nalalaman ng paaralan ito? Napabuga ako ng hangin. I am extremely disappointed when I saw those girls bullying a girl like them. Many are raising women empowerment. Pero paano? Kung mismong kapwa babae natin ay ang nanghihila pababa? 

Tumaas ang tingin ni Clyde at nakita kami. Masama nitong tiningnan si Joaquin sa aking likuran. 

"You," Ani Clyde. I believe he's pertaining to Joaquin. "You should threaten your ex more, para hindi na makaulit, tss." Umiiling na ani Clyde. Nahinto ako at pasimpleng bumuka ang aking bibig. 

Ex? 

She's his ex? Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Joaquin is a playboy. Natural na iyon. Pero hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko. I couldn't explain what I was feeling. 

"U-uhm, salamat." Nabaling ang atensyon ko kay Danica na nakatingin sa akin ngayon habang inaalalayan ni Clyde. I don't know who she is para protektahan at ipagtanggol nang ganito ni Clyde. In my entire life, I have never seen Clyde being this gentleman to a girl. I mean, he's always a gentleman at first to a girl. But it was fake. Ngunit ngayon ay nakikita kong totoo ang ipinakita ni Clyde. 

Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now