Kabanata 17

414 7 0
                                    

Kabanata 17

Moon

"Palagi kang kwento ni Sir. Mula umpisa yata nang magkakilala kayo ay nabanggit ka na niya sa amin." Natatawang kwento ni Sofia. Narito na ako sa kwarto na inihanda nila para sa akin. Malaki ang kwarto at sa tingin ko ay katulad lang nito ang kwarto ko sa bahay. Ang pagkakaiba nga lang ay maaliwalas ito at nakakahinga ako ng walang sakit sa aking dibdib.

"Talaga ba?" Hindi ko rin inaasahang tanong sa kanya habang tinutulungan pa ako sa iba kong mga damit. My cousins brought my clothes. At wala akong kaalam-alam sa ginawa nilang iyon. It seems like they planned everything with Joaquin.


"Oo, Ma--"



"Shai na lang, Sofia." Ani ko sa kanya. Magaan ang pakiramdam ko sa kanilang lahat. 


Nagkamot pa ito ng ulo bago muling ngumisi sa akin. 

"Oo, Shai. Natatandaan ko pa, noong gabing iyon, nabanggit ni sir Joaquin na may babae siyang naiintresan. Hanggang sa bawat araw na umuuwi siya galing sa paaralan, palagi ka niyang kwento. Akalain mo nga naman, tutoo nga pala ang kwento niya." Dagdag na hirit niya pa sa huli. Napailing na lamang ako. 


"Hindi ko alam iyon ha." Ani ko naman. 



"Ano nga ba nangyari noong una kayong magkakilala? Si sir kase, hindi mawala ang ngiti sa labi nung una ka niyang nabanggit sa amin." Puno ng kuryosidad niyang tanong. Naglaho ang aking ngiti at lihim aking napalunok. Parang kamatis ang aking pisngi nang maalala ko ang araw na nagkakilala kami ni Joaquin. 

How can I say that we kissed that day? 


"U-uhm…" Nagkamot ako ng aking ulo at hindi ito matingnan sa kanyang mga mata. "S-sino pala ang nagdala ng mga gamit ko rito?" Mabilis kong pag-iiba ng tanong at umaasang malulusutan ito. 



"Ah! Iyong pinsan mong kulay dagat ang mga mata? Saka iyong lalaking tahimik lang at iyong babaeng modelo? Grabe ha, kakaiba ang lahing Silvera!" Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti kay Sofia. Napakadaldal nitong tao at akala mo ay walang problema sa buhay. 


Well, I guess it was Alas, Liam, and Cindy, who brought all my things here. 


"Sige na, iiwan na kita ha? Mag-ayos ka na at mamaya ay kakain na." Aniya at nagpaalam na sa akin. Nang maiwan akong mag-isa ay napahinto pa ako sandali at huminga ng malalim bago ako nagsimulang mag ayos. I took a bath and prepared myself for dinner. Medyo kabado pa ako na makasabay ang ama ni Joaquin sa hapag. 

Pinagmasdan ko sandali ang aking sarili sa harap ng salamin. Nagsuot lang ako ng isang simpleng khaki shirt at short na itim. Sa huli, napagdesisyunan ko rin na lumabas na ng kwarto. Dahan-dahan pa ako sa bawat hakbang ko. Katahimikan lang ang bumungad sa akin at wala akong nakitang sinoman. 

I was wandering around and feeling the peace of their house. Hindi katulad ng sa amin. Napahinto ako nang makababa ako ng sala at wala pa rin tao. I don't know where the maids are. Dumako ang aking mga mata sa isang malaking frame sa sala. It's their family picture. 


Joaquin's parents and him. They looked so happy here. Kita mo ang pagiging isang masaya nilang pamilya. Bakas na bakas sa ngiti ni Joaquin ang kasiyahan. 


It made me smile. Ganoon na ganoon ang ngiting nasisilayan ko mula sa kanya. 



"That was before the day before she passed away." Napalingon ako sa aking gilid. His soft smile met my eyes. Nakatagilid ito mula sa akin at nakatingin sa frame sa aming harapan. I can still feel the pain in his voice. Ngunit ramdam ko rin ang pagtanggap na niya sa mapait na nakaraang iyon. 

Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now