Kabanata 37

445 9 0
                                    

Kabanata 37

I'm a Silvera

"Bumangon ka na kasiiiii!" pilit hinihila ni Danica ang kamay ko habang ako ay lambot pang nakahiga sa kama ko. It's been 2 weeks since I hired her. Sa mga araw na 'yon ay napakarami kong inasikaso. I published 3 of my stories, at 3 days pa lang ay sold out na ang mga libro ko sa mga bookstore. I also have an upcoming book signing and fan meeting. Hindi ko akalain na magiging ganito kahirap at ka-busy ang career na pangarap ko. 


"I'm freaking tired…" ani ko habang hindi pa rin dumidilat at mas niyakap ko pa ang unan. I don't want to get up yet. Noong isang araw lang ay umuwi kami galing sa isla. Sabay sabay na nga ang trabaho ko, nakikisabay din ang love life ni Liam na pati kami ay namomroblema. He even spoke to me, para kausapin si Ruby, ang babaeng baliw na baliw ang isang Liam Silvera. 


"Akala ko ba ay pupunta tayo sa AM company?!" singhal niya sa akin at hinila ang yakap kong unan. Nadilat ako at inirapan siya. Para akong bata na nagwala sa kama bago inis na naupo. Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko. I slept late dahil sa mga manuscripts kong inaayos. 

Well, I'm earning a lot. 



"Can we move it?" 



How dare they reject me. Sa dalawang linggong nagdaan ay ang pag-reject lang nila ang reply nila sa akin. 


"Duh, wala kang appointment!" Naningkit ang mga mata ko. 

"Duh, nagpalista ako!" singhal ko pabalik. 


"Oh, edi meron!"

Tamad akong tumayo at kinuha ang tuwalya. 



"Ito ang isuot mo," aniya habang nakangiti sa nilabas na damit. Simula ng maging PA ko siya ay pati sa damit ko ay siya na ang nasusunod. 


Naligo ako at inayos ang sarili ko. Paglabas ko sa bathroom ay wala na siya sa kwarto. I wore what she wanted me to. It's a white coat habang ang panloob at sleeveless na sky blue at naka-tuck in sa skirt na white rin. Matapos kong makapag makeup at naisuot ang heels na white ay kinuha ko ang sling bag ko saka iyon sinabit sa aking kanang balikat. Inayos ko pa ng konti ang bangs ko bago ako lumabas. 


"Don't you dare mention any law to me, Javier! Wala akong pake sa batas." si Oliver. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan silang nasa condo ko na naman at nagkalat ang mga pagkain sa sala. 


"Edi 'wag, kuripot na business man!" singhal ni Caleb at kumain ng pizza. Silang dalawa lang ang nandito. Cindy, Olivia, Alas and of course Liam is not here. 


"Mga patay gutom," ani ko at sumubo ng cereal na kinakain ni Oliver. Danica is just watching, habang kumakain at mukhang sanay na. Simula nung nalipat ako rito ay akala mo'y bahay na nila ang condo ko. Minsan ay gigising ako at magugulat na lang ako kapag nakita ko sila sa condo ko. 


"Where's Joseph?" tanong ni Oliver. 



Nagkibit balikat ako, "Ewan, ang alam ko may pinapa-asikaso sa kanya si Mommy." I was talking with my mother yesterday. Inaayos niya ang bahay namin at may balak na itong umuwi. I have been visiting my father, minsan ay naabutan ko si Joaquin doon at ako na agad ang uurong kahit na ama ko ang naroon. 


"Bae," pinagpag ni Caleb ang kamay niya at nakakalokong ngumiti sa amin, "I think your cousin is getting married." 


Nasamid si Oliver sa hinihigop na gatas sa cereal at gulat na gulat. Hindi na ako nagulat. After talking to Ruby, sigurado akong sa simbahan na ang tuloy ng dalawang iyon. 



Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now