Kabanata 38

442 8 0
                                    

Kabanata 38

Swallowing the pride

"Teka nga, ano bang nangyari?" Danica pulled me to face her. Pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan, "Is that his new girl?" aniya, at tila ba ay naisip ang babae kanina. I nodded in pain. 


"Sir, you have a meeti-"



"Cancel it," mabilis kong pinahid ang luha sa aking pisngi nang marinig ko ang boses nito. As he saw us, he eyed me. Umigting ang panga nito. His secretary stopped following him when she saw me. Nilingon siya ni Danica at bakas ang gulat kay Joaquin nang makita niya si Danica. 


"Joaquin," tawag ni Danica. Nakabawi ito at binalik ang tingin sa akin. 



"Can I talk to her?" aniya, habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Tumango ako kay Danica at umalis naman ito para iwan kami. Nasa garahe na kami at walang masyadong tao. 



"Why are you here?" malamig niyang tanong at pinapaalala ang ginawa kong pag-alis. 



"You know why,"



"Why did you leave?" 



"Joaquin," 


Mariin akong pumikit. Why is he asking that now? Bakit ngayon na hindi ko alam kung ano at paano iyon sasagutin? 


"You want to publish your novel?" mapakla siyang ngumisi. Lumapit siya sa akin at itinapat ang kanyang mukha sa aking tainga. Malakas ang kabog ng dibdib ko, pero hindi ako nagpatinag. 



"Then convince me, please me, and beg if you have to," I can see his deep brown eyes eyeing me, "Just like how I begged under the rain, trying to chase you that day."



Tumalikod ito at naglakad paalis. Naiwan akong tulala. Doon ko lang naramdaman ang nakabaon kong mga kuko sa pagkakakuyom ng mga palad ko. The water of pain falls down from my eyes as I watched him walked away. Lahat ng inipon kong lakas para harapin siya ng matatag ay naglaho ng tuluyan. Napaluhod ako sa panghihina at sa tindi ng sakit sa aking dibdib. 



"Shai," impit akong umiyak. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Danica, at wala ng pakialam kung nakaupo na rin siya sa lapag. 




"K-kasalanan ko... " humihikbi kong saad. 




"Hindi mo kasalanan," pinahid niya ang luha sa mga pisngi ko, "You left no choice, Shai." 



That's what makes me feel angry. My Mom regrets what she did, and I have no one to blame but myself. 


--

"No one knows about this, Danica." Nahinto siya sa paghahain ng pagkain nang makauwi kami sa condo. 



"Lalo na kay Joseph at sa mga pinsan ko, they will kill him." Nai-imagine ko pa lang ang gulong gagawin nila ay hindi ko na alam kung paano sila aawatin. I remember the day they cornered him when they heard the news that I am his girl. The day I messed up my life by riding his lie. 


"What's your plan now?" tanong niya. Tulala lang ako habang nakatingin sa mga buildings sa salamin ng condo ko. This is the best part of this condo, the view. 


Nagkibit ako ng balikat. Bakit sa dinami-rami ng magiging CEO ay siya pa. I didn't know that he ended up owning a publishing company. At bakit sa dinami-rami ng kumpanya na pipiliin ni Daddy ay kay Joaquin pa. Alam kaya niyang siya ang may ari nito? Is that the reason why he said this is for my sake? 


Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now