Kabanata 18

404 5 0
                                    

Kabanata 18

Dark past

My first day in Joaquin's house was wonderful. Hanggang ngayon na naririto ako ay parang wala akong nararanasang problema. I always feel happy. Ngayon lang din ako naging excited sa paggising sa umaga. I can still remember how I hate mornings. Dahil paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa buhay ko. I feel like I had no escape. Na kahit saan ako dumaan ay haharang at haharang ang sarili kong ina. But here, I never felt that. 


"You really don't know sinigang?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Joaquin nang tanungin ako. Nawala ang ngiti nito habang hawak ang hose. Nagdidilig kaming dalawa ng buong hardin nila. I didn't expect them to have a lot of space for a garden. 


"No? What's that? Is that a dessert? I have never heard of that dessert if it is your favo--"


Nabitawan nito ang hose kaya't napahinto ako. Wala ng pag-asa ang mukha nito habang hindi pa rin makapaniwala akong pinagmamasdan. 

What did I do? 


"It's not a dessert, Shai." He said hopelessly. Kumunot ang aking noo. He said he likes sinigang and that is his favorite. But I don't know that! Kung hindi ito dessert what is that food? Anong magagawa ko? Manang never cook a sinigang at our house. Palaging kung ano ang gusto ng aking ina ang sinusunod nilang iluto. 


"Come on, I can't let you not know and taste sinigang!" Aniya at hinila ako. 



"Teka yung ho--Joaquin!"




"Ako na ang bahala!" Natatawa na ani Sofia. Ngumiti ako at tumango. Hinayaan ko na si Joaquin na hilahin ako papasok sa loob. 



"What are we doing?" Tanong ko nang sa kusina kami pumunta. Hindi siya kumibo at bakas pa ang pagka-excited sa mukha nito. Pumunta ito sa ref at tiningnan ang laman nito ng sandali. Pagkatapos ay naglabas ito ng mga gulay at karne. Hinanda rin nito ang kutsilyo, sangkalan, at nagsuot ng apron. 


Finally, he eyed me. 


Tumaas ang aking kilay. Is he going to cook sinigang? 


"I'll cook a sinigang for you." Aniya at nginitian ako. 



"I'll help!" Ani ko at ngumiti. Umiling ito na naging dahilan ng paglalaho ng ngiti ko. 



"I want to cook for you! Saka, I don't want to hurt you. Mamaya ay magkapasa ka pa." Aniya. Ngumuso ako at hindi mapigilan ang aking ngiti sa pag-aalala nito. Mas lalo ata itong gumagwapo sa aking mga mata bawat araw. 



"Okay, sir." Biro ko. Nilapitan ako nito ng may matamis na ngiti at inilagay ang kanyang mga kamay sa aking beywang. Pagkatapos ay paatras kaming naglakad hanggang sa maramdaman ko ang malambot na upuan sa kusina. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan lang namin ang isa't isa. We don't have to speak anymore. The love and happiness in our eyes are enough to interact with each other. 


"Now, just sit there, Mrs. Abuega. Your husband will cook for you." Aniya habang nakatukod ang mga kamay sa aking upuan. Napahinto ako sa itinawag nito sa akin. What will happen in the future? If there is an ending of this love…. 


I want to end up marrying this man. I want to hear that everyday. Him, calling me with his surname. 


He kissed me softly on my forehead before he gave me a sweet smile again. Iyon ang ngiti na hindi ako magsasawang pagmasdan. Iyon ang ngiti na nakakapagpa kalma at nagbibigay pag-asa sa akin. 


Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now