Kabanata 39

463 10 0
                                    

Kabanata 39

Stranger

"Nababaliw ka na ba?" madiing bulong ni Cindy at pilit akong pinatatayo. Desperada na kung desperada. 



"Get up, Shai!" ani Janrick, "You don't have to do this." 



Hindi ako kumibo at nanatili sa pagkakaluhod. Laking gulat ko nang lumuhod din ito sa akin tabi. 


"Janrick!" sigaw ng ama ni Joaquin. 




"She's my friend, I will beg if she begs because I know what she has been through." Madiin na pahayag niya. 



"Shailyne!" Lahat kami ay nilingon si Joseph at Danica na humahangos. As Joseph saw me kneeling in front of Joaquin, umigting ang panga niya at matalim na tinitigan si Joaquin sa aking harapan. 



"T*ngina ka!" 




"Jo!" 



Iyon ang nakapag patayo sa akin. Isang suntok agad ang iginawad ni Joseph kay Joaquin na ngayon ay nakangisi lang at pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya. Joseph was about to give him another punch, but I stopped him quickly. 



"Tama na!" pumungay ang mga mata niya nang makita ako. 



"Not my fiancé, Abuega." He said with a threat. 




"Submit your manuscript," iyon ang huli niyang sinabi bago ito umalis ng nakapamulsa ang dalawang kamay. 


--

After that, everything went fine. Na-operahan si Daddy pero mas naging mahina siya kumpara noon. Palagi akong dumadalaw sa kanya, at madalas ay si tito na ang bantay. Janrick is already busy, pero madalas ay magka-chat kami. Para sa akin, Janrick is my boy best friend. I didn't expect him to kneel just because I was kneeling that day. I saw how true he is, and I truly appreciate that. 


"Are you writing?" tanong ni Joseph na nagsusuot ng sapatos at handa ng umalis. I nodded at him. It's been 3 days since he told me to pass my manuscript. Akala ko ay ayos na, but he kept telling me to revise it. I'm always staying up late at night just to finish the manuscript and everything, for my Dad. Pero pakiramdam ko ay sinasadya niya ito para pahirapan ako. 


"You've been writing that for 3 days," pahayag ni Danica. She's going out, kasama si Janrick. He asked me to come, pero masyado akong abala kung kailan siya naman ang hindi busy. 



"Kailangan ko 'tong mayari," sagot ko. Ang totoo, wala pa ako sa kalahati ng manuscript. If I just accept other offers, sigurado akong hindi nila ako bibigyan ng deadline because they are really pleasing me just to get me under their company. 


"I'll go ahead, kumain ka." Bilin ni Joseph.




"Ako rin, buburautin ko pa si Janrick." Kumindat si Danica. 



They both left, at naiwan ako sa condo. Hinilot ko ang sentido ko saka sumandal sa sofa. Nakabukas ang TV, at tanging 'yon lang ang nagbibigay ingay sa condo ko. 



"May bagyo?" I said, as I heard the news. Kaya pala napaka dilim ng langit. But Joseph and Danica don't know about that. Bumuga ako ng hangin at mabilis silang tinext. Sana lang ay basahin nila. They don't usually read messages, lalo na kapag nasa labas. 


Ugh, these people. Napapitlag ako nang kumulog ng malakas at kitang-kita ko sa labas ang pagguhit ng kidlat sa langit. Maya-maya lang, bumuhos na ang malakas na ulan. Humigab ako sa sala, mas lalo akong inaantok.

Mistake of the Past (Silvera Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora