Kabanata 11

480 15 0
                                    

Kabanata 11

Devil

"Don't touch it, assh*le!" Napahinto ako at nagtago sandali sa gilid. Joaquin called me and told me to meet him. Pinagmasdan ko ito sa hindi kalayuan. It was just yesterday when I almost lost myself. I thought it would be my last day of being alive in this world. Who would have thought that Joaquin would save me? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Everything went too fast. How did I end up being in a real relationship with him? Hindi ko alam. But he's the only one who can make my heart race like crazy. 

"Ang damot mo, Joaquin! I'll tell you to your Ninong!" Parang batang singhal ni Janrick sa pinsan. Joaquin became childish, too. Pilit niyang nililihis ang dalawang paper bag sa kanyang likuran mula kay Janrick. 

I thought he was a playboy. Yeah, he was. I could say na hindi ko pa alam ang lahat sa kanya. But the thing is, I saw his true colors and motive at me. 

"Go on. Hindi ka kakampihan no'n." He confidently smirked at Janrick who's now pouting like a child. 

"Para kanino ba 'yan? Isa lang naman hinihingi ko!" Inis na singhal ni Janrick. 

"It's for my girlfriend!" Umawang ang bibig ko nang kumalabog agad ang dibdib ko nang sabihin niya iyon. Napahawak ako sa aking dibdib, at damang-dama ko ang lakas ng pagtibok ng aking puso.

Janrick was about to speak again, but I sneezed. I easily got their attention. Ang mga nag-iinisan nitong mukha ay natigil nang makita ako. Later on, a wide smile goes into their lips while looking at me. 

"Shail--"

"Don't touch her, tsk." Hindi ko maiwasang palihim na matawa nang mabilis na humarang sa akin si Joaquin bago pa ako masalat ni Janrick. Masama itong tiningnan ni Janrick. But I admit, his eyes don't look scary. Janrick is a bit childish. 

"I really hate you." Saad ni Janrick at nag martsa ng umalis. Naiwan kami ni Joaquin doon. 

"I miss you." I came back to my senses after looking at Janrick. Joaquin hugged me from my back and kissed me on my cheeks from behind. 

A smirk flashed into my lips. 

"What's that?" I asked and confronted him. 

"Oh, I almost forgot." Natatawa niyang ani. "I got you some food. It was your birthday yesterday, wala akong nahanda. I didn't know." Aniya at nadismaya sa kanyang sarili. 

"It's okay." Ani ko. 

"Come on, let's eat together." Hindi na ako naka sagot nang pag siklupin nito ang aming mga daliri. My heart is fluttering while looking at it. While we are walking, students are still gossiping about us. Hindi sila makapaniwala habang magkahawak kamay kami ni Joaquin. 

Why do I feel more proud than before? Pakiramdam ko ay napakaswerte ko. Looking at these girls, dying over Joaquin. And here I am, walking with him, while holding his hands. 

"Joaqu--"

"I'm with my girl, don't get my time." Pagputol ni Joaquin sa kaibigang si Hades. Natulala si Hades nang daanan lang namin ito. I felt his hand hold my hand tightly. 

We went to the cafeteria. We sat down to one of the tables there, with students looking at us. Lihim akong napangiwi. Hanggang ngayon yata ay hindi pa rin ako sanay sa mga matang iyon. 

"I'll make sure to make you full." Nakangiti niyang saad at kinindatan ako. Nadako ang mga mata ko sa paper bag. Inilabas niya ang ilang babaunan, at napanganga ako nang makita kong may burger pa itong dala. He also has chicken wings at soft drinks. Nanatili ang mga mata ko sa burger. It's reminding me of my father. I remember how he used to make me this. 

Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now