Kabanata 19

396 6 0
                                    

Kabanata 19

Authority 

Kinabukasan, matapos ang nangyaring iyon, pakiramdam ko ay ayoko munang lumabas. I can't stand how their maids look at me. Maliban kay Sofia na ganoon pa rin. Nakikitira lang ako sa bahay nila, at sa palagay ko ay hindi maganda na ako ang maging dahilan ng gulo sa bahay na ito. 


Bumuga ako ng hangin matapos kong maglabas ng panibagong pahina ng aking aklat. Tiningnan ko ang iba't ibang komento na umaapaw na agad. 


"How can she write when her mother is looking for her?"



"Grabe, ang ganda ng chapter na to! Matapos lahat ng isyu sa kanya tahimik lang siya!" 



Halo-halo ang mga komento nila. Some are bashing me, and some are supporting me. Hindi ko alam kung ano sinabi ng aking ina sa lahat. I haven't seen my cousins and some of my friends until now. Tanging si Joaquin lang ang nakikipag-usap sa kanila. I know that he doesn't want me to think of that problem. Ngunit hindi rin ako kampante na mag-isa niyang inaayos ang lahat. It's not his problem at all, but he's the one who's facing it at pilit akong pinoprotektahan. 


Nahinto ang pagbabasa ko nang isinara ni Joaquin ang laptop. Tumaas agad ang mga mata ko sa kanya. I didn't even know that he's already here in my room. Later on, he gave me a smile, bago niya ibinaba sa kama ang pagkaing dala. 

"You should not read those hate comments." Aniya at inayos ang pagkain. I can't believe that there is a man who's like him. Simula nang pumasok ito sa buhay ko ay naramdaman ko na ang pagiging maalaga nito. I have never felt unimportant. Palagi nitong pinapadama kung gaano ako ka importante sa kanya. 

"Have you read it?" Ani ko at binaba ang tingin sa pagkain niyang dala. He knows that I am not comfortable going outside because of what happened. Si Manang ay ganoon pa rin naman. Sa tuwing titingnan niya ako ay puno pa rin ang mga mata nito ng galit. Until now, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya. Malakas ang kutob ko na may lihim silang hindi ko alam. 


"Yeah, they don't know who you are, hindi nila alam ang sinasabi nila." Aniya at itinapat ang kutsara sa aking bibig. He cooked sinigang as I requested. Pakiramdam ko'y kahit paulit-ulit ko itong ulam ay hindi ako magsasawa. 

Mababaw man, pero para sa akin ay ito ang pinakamasarap na pagkain. 


"How about my mother and Joseph?" Tanong ko. Nawala ang ngiti nito sa kanyang mga labi,  ngunit sa huli ay ibinalik din niya iyon. 



"Hades is watching Joseph. Your cousins are handling everything about your mom. Maingay pa rin ang media kaya hindi ko alam kung kailan tayo babalik sa school. Don't worry, naiintindihan naman ng school, ipapadala na lang nila lahat ng kailangan natin sagutan pansamantala." Pahayag niya. I'm happy to be with him. Ngunit hindi ko maiwasang maisip kung ano na ang nangyayari sa labas. 


"By the way, uuwi na si Ninong sa isang araw." Masaya niyang balita sa akin. Nakaramdam ako ng kaba roon. I wonder what he looks like. Sa wakas ay makikita ko na ang taong may magandang pusong tinulungan sila Joaquin. If it's not because of him, baka wala akong kaharap na ganitong Joaquin Abuega ngayon. 



"That's good." Ani ko sa kabila ng kaba. 


Tatlong katok ang nakapagpahinto ng aming usapan. Bumukas iyon at bumungad si Manang. When she eyed me, agad din siyang nag-iwas na para bang magiging bato ito kapag ako'y tinitigan niya ng matagal. 


"May bisita sa baba." Aniya at yumuko bago umalis agad. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses nito. 


"Come on, let's go downstairs." Ani Joaquin at inabot ang kanyang palad sa akin. I smiled and accepted his bare hand before we went downstairs. 



Mistake of the Past (Silvera Series #2)Where stories live. Discover now