Chapter 3: Blood

7.4K 311 5
                                    

Efimia Silveria
   
    Alam niyo? Nakakainis talaga ang sitwasyon ko. Another face of mistress na naman ang aking haharapin. Iniisip ko pa lang ay nabubwisit na ako dumadagdag pa kasi siya sa problema ko, e. I maybe not the real Efimia but I still hate her.
   
    Inis kong inirapan 'yung knight na siyang nagpaalam na nasa labas kami ng chamber ng duchess. Isa pa ito. Kung ano-ano'ng sinasabi sa akin kanina para takutin ako. Like the hell? Hindi ako magpaapekto sa kaniya. Siya lang naman ang madaldal sa lima dahil hindi kumikibo 'yung apat sa likuran.
   
    "Let her in," an angelic voice answered. FYI, sa panlabas lang 'yon pero sa loob she's a rotten bitch.
   
    Bumukas ang doubled door. Una kong napansin ang design ng chamber. Classy siyang tingnan dahil sa mga expensive furniture.
   
    Dulot ng liwanag ng buwan mula sa malaking bintana ay kitang kita ko kung ano'ng kulay ang pader. It's green with gold linings which is the duchess' favorite color. Palagi kasing green ang suot niya kaso iba-iba ang pagkashade ng kulay. It's either dark or light. Mostly, darker color ang sinusuot niya since bagay ito sa mga gold and diamonds.
   
    Nagsisilbi namang liwanag ang mga kandila sa silid. Wala pa kasing kuryente sa panahong ito although this is a fantasy manhwa. Para sa akin weird pero bet ko pa rin ang plot. Hindi ko natapos since you know... My uncle killed me and ongoing pa rin 'yung manhwa. Hindi ko alam ang ending ng bawat character so kailangan kong mag-ingat.
   
    Anyway unlike mine... May takip sa taas ang queen sized bed ng duchess. Mayroon itong white curtain with golden pattern. Yung matress niya ay mukhang malambot. All in all lahat ay nasa uso.
   
    I envy her and pity Efimia. Wala akong magagawa kundi tiisin at labanan silang lahat. I need to save my ass here in order to survive. I don't want to die because this is my second life. Ang cheat ko dito ay atleast alam ko ang susunod na mangyayari. Ang problema ay hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan ni Efimia sa duchy na ito.
   
    Ibayong pag-iingat ang kailangan ko.
   
    Nakita kong nakaupo ang duchess sa rectangular sofa with her white night dress. Pinatungan niya ito ng robe since bawal na makita ng ibang tao ang kaniyang katawan aside from the duke. Psh.
   
    She's sipping a tea not forgeting the noble etiquette. At, iyon ang una kong naamoy. It has a sweet aroma.
   
    Pagkapasok ko ay agad nilang isinara ang pinto. Unti-unti ay nakaramdam ako ng lamig na siyang nagpataas ng aking balahibo sa batok. Ah, manipis lang pala ang suot ko ngayong night dress. Walang pumapansin dahil hindi naman official na Silveria si Efimia. Hindi nila ako tanggap dahil sa wala akong mana.
   
    "Vincent told me about your rudeness tonight, child," Tumayo siya at tinitigan ako sa mga mata. Then, napakunot noo siya. "You ill-mannered child. Aren't you supposed to pay a respect? Nakatulog ka lang ng 2 years ay nakalimutan mo na? On your knee!"
   
    Her piercing voice resonates around her chamber. I did not even move an inch and that made her mad. Sige, magalit ka lang. Gusto kong makita kung paano lumaki ang butas ng ilong mo.
   
    "You! Do want to get punishment? Aren't you scared of this?" Ipinakita niya sa akin ang dagger na nakapatong pala sa table na kaharap niya.
   
    "At bakit naman ako matatakot? That dagger did not even scare me," taas kilay kong sagot at nagcross arms.
   
    I'm not scared of it. Ewan ko ba kung bakit pero parang kumapal yata ang mukha ko. Mukhang gagawin nga ng duchess na tapusin ako ngayong gabi. Nagpadala pa siya ng matulis na dagger dito, e.
   
    "Napakatapang mo naman. This is not ordinary as what you think it is. Mind if I tell you? It killed a lot of people who gets on my way at isa ka na roon. I don't know what's His Grace were thinking when he retrieved your soul. So, be grateful and be a good dog."
   
    Literal akong napairap. Mas malala pa siya sa lintang iyon. Hindi niya ako mauuto at matatakot. Hindi ako bata noh! Well, sa panlabas pero sa loob hindi!
   
    Ibinaba ko ang mga kamay ko at medyo yumuko. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umaktong tila natatakot. Nakita kong napangisi siya nang akma akong luluhod. Duh?
   
    "Then? Papatayin mo ako ganu'n ba? You're not even my real mother so you don't have the rights to make decision about my life!" I shouted on her face. Talsik laway pa iyon.
   
    Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa dagger. Great, nice move Kathlin. Baka tuluyan ka na niyang gilitan ng leeg.
   
    Meet Duchess Aloseira Lerbion Silveria, isa sa mga rotten bitch ng Reincarnated into a world where art matters at ng House Silveria.
   
    Aloseira is one of the characters na kinaiisan ko. Kung bakit? Well, I just hate her that's all. Hindi ko naman siya pinagtutuunan ng pansin kasi ang atensyon ko ay nasa female lead.
   
    Unti-unti'y napatawa siya. Iyong tawa ng mga multo sa horror movie. Pinagmasdan ko siya. Mukhang nawala na 'yung galit niya pero parang nasisiraan na yata ng bait. Iling kasi ng iling habang tumatawa. Luh, baliw lang?
   
    "I forgot. Anak ka nga pala ng babaeng iyon,"
   
    "So?" Oo, alam ko po. Kailangan pang sabihin?
   
    "I'd love to cut your filthy tongue and feed it to dogs. Seeing blood over you looks fascinating..." She smiled and played with her dagger.
   
    Habang pinagmamasdan ko siya ay parang sanay na sanay na siyang humawak ng gano'n. It's suspicious since noble women don't do some house work. They're not even allowed to hold a knife, dagger and even swords.
   
    "But..." She laughed. I don't know if it's just me pero nagliwanag ang mga mata niya sa tuwa. "Your mother's blood is way more beautiful and fun to watch."
   
    "You killed her don't you?" Seryoso kong tanong pagkatapos ng isang minutong katahimikan. Hindi naman niya sasabihin iyon kung wala siyang kinalaman. Alam kong namatay ang yumaong duchess pero hindi nabanggit kung ano ang dahilan.
   
    Naglakad siya papunta sa likuran ko. Hindi ako gumalaw at sinundan lang siya ng tingin. Medyo yumuko siya at bumulong sa kaliwang tenga ko. "You're quite smart for around your age. Yes, I killed her without a second thought at ikaw ang isusunod ko."
   
    Natulala ako. Parang nablangko ang aking isip at wala akong marinig. Namalayan ko na lang na hawak ko ang matulis na bahagi ng dagger. Itinapat niya kasi ito sa leeg ko pero napigilan ko ito. Bumabaon ang talim nito sa aking palad na naging dahilan ng pag-agos ng dugo.
   
    She... She's really trying to kill me!
   
    "Don't fight back and let me kill you! Hayaan mong tulungan kitang makasama ang iyong ina!" Mas lalo niyang idiniin ang dagger kaya mas lalo itong lumalim sa aking palad.
   
    Napaluha ako sa sakit at hapdi na idinudulot nito. Nakayakap pa ang isang braso niya sa dibdib ko para hindi ako makagalaw at makatakas.
   
    Lumala ang pag-agos ng dugo sa aking palad na siyang napansin ko. Ang tanging kulay pulang likido ang siyang nangibabaw sa aking panigin.
   
    Dugo... Bigla kong naalala si Manang Rosilda na walang awang pinatay sa harapan ko. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya.
   
    Lumabo ang aking paningin kasabay ng panghihina ng katawan ko. Nabitawan ako ni Aloseira kaya napaluhod ako para mag-ipon ng lakas. Ano bang nangyayari sa akin?
   
    Napaangat ako ng tingin nang makarinig ako ng nabasag na mga gamit. Totoo, nabasag yung tea cup na ginagamit ng duchess kanina pero nasa carpet na ito. Paano iyon napunta sa baba? Hindi lang iyon ang nabasag kundi pati ang ilang paso.
   
    "L-Leave... Leave my chamber!" Nanginginig ang boses niya. Nang lingunin ko siya ay nakatulala siya at takot na takot ang mga matang nakatitig sa nabasag na tea cup. Pinagpapawisan din siya kahit na malamig naman ang panahon. What's wrong with her?
   
    Dahil nga nanghihina pa ako ay hindi ako makagalaw pero kailangan bago pa magbago ang isip niya. I need to save my ass before it's too late. Wala akong kalaban laban sa kaniya. Maswerte lang ako ngayon dahil pinapaalis niya ako.
   
    Nanginginig ang mga tuhod akong naglakad patungo sa pinto. Binuksan ko ito at unang bumungad sa akin ay si Vincent. Nakakunot noo siya at nang makita ang kamay ko ay nanlaki ang mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ito pero inilayo ko. How dare he? Kasalanan niya. Siya ang nagsumbong sa nanay niyang bitch.
   
    "Don't ever touch me." Sinamaan ko siya ng tingin at walang paalam na umalis.
   
    Sinundan ako ng madaldal na knight kaya binigyan ko rin siya ng matatalim na tingin. Pero ngumiti lang siya na parang hindi naaapektuhan.
   
    "Sasamahan na po kita sa chamber niyo, Young Lady."
   
    I'm impressed. Nagagawa pa niyang ngumiti kahit na sinasamaan ko na siya ng tingin. Tsk, stupid. Hindi ko alam kung tanga siya or walang common sense. Whatever.
   
    Hinatid nga niya ako sa chamber ko kuno. May silbi rin ang pagsama niya dahil hindi ko alam ang daan pabalik. So, mayroon akong utang na loob sa madaldal na ito.
   
    Pagkabukas niya ng pinto ay nakita kong palakad-lakad 'yung maid na ayaw akong lubayan. Nang makita niya ako ay parang nawala ang pag-aalala niya. Pero nang mapansin niya ang sugat sa palad ko ay napatakip siya ng bibig.
   
    OA lang? Ok, masakit nga siya at hanggang ngayon ay may dugo pa ring lumalabas pero hindi na gaanong marami.
   
    "W-What happened to you, Young Lady?" Mukha siyang nagulat at mas dumoble ang pag-aalala.
   
    Mabilis siyang lumapit sa akin at tinulungan akong maupo sa higaan. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa cabinet at may kinuha roong maliit na box. Kulay itim ito.
   
    "What happened to our Young Lady? Paano siya nasugatan, Harold?" Oh, they know each other?
   
    Napakamot sa ulo itong knight na Harold pala ang pangalan. "Hindi ko alam kung ano'ng ginawa sa kaniya ng duchess, ate."
   
    Magkapatid sila? Kaya pala parehas silang dark blue ang kulay ng buhok pero makaiba ang kulay ng mga mata. Si Harold ay brown ang mata habang si... What's her name again?
   
    "Ano'ng pangalan mo?" Napatigil siya sa pagkuha ng bulak sa box.
   
    She looked confused but still nagbigay galang siya. Tumayo siya nang maayos at hinawakan ang magkabilang side ng palda ng maid uniform niya. Slightly lowering her body and bending her knees in an elegant way. Oh, she knows how to do courtesy.
   
    "I apologize, Young Lady. This servant's name is Elisse Forteza, daughter of Baron Oliver Forteza." Parang pamilyar sa akin ang name ng tatay niya. Saan ko nga ba iyon nabasa?
   
    Bago ko pa maalala ay nagpakilala rin 'yung knight. Yumukod ito at ipinatong ang kanang kamay sa dibdib. "This knight's name is Harold Forteza under Captain Floyd in fourth squad. I'm Elisse's younger brother. It's nice to meet you, Young Lady."
   
    Nabubwisit ako sa mukha niya. Nakuha pa niyang ngumiti matapos niya akong takutin kanina? I glared at him.
   
    "Ouch!" Shit nakalimutan kong may sugat ang palad ko. Sumakit kasi dahil duduruin ko sana ang madaldal na knight.
   
    "Young Lady, let me heal it for you." tumaas ang isa kong kilay. She can heal it? May mana ba siya? Oh, right... Isa pala siyang noble kahit na isa lang siyang maid dito.
   
    Pero nagdududa ako sa kakayahan niya. Alam kong sa mundong ito bihira ang mga healer kasi mahirap itong aralin.
   
    "Young Lady, trust my sister. She's a good healer that's why we are proud of her." inirapan ko si Harold. I don't need his explanation to my distrustful reaction.
   
    Nilinisan muna ni Elisse 'yung sugat ko gamit ang bulak at tinanggal ang mga natuyong dugo sa paligid ng may hiwa. Aaminin kong masakit siya habang nililisan niya. It's my first time na masugatan nang malaki at malalim. Pati si Elisse ay napapangiwi rin. Grabe talaga ang duchess kay Efimia. Bitch talaga. I'll make her pay ten fold someday.
   
    "Ow!"
   
    "I-I'm sorry, Young Lady."
   
    "Ate, bakit hindi mo na lang i-heal nang matapos na? Pinapahirapan mo pa ang bata." Tila naiinip na reklamo ni Harold.
   
    Agad namang yumukod si Elisse. "I'm sorry for my older brother's rudeness, Young Lady."
   
    "It's okay. Make it fast. It hurts." Tukoy ko sa palad kong namumutla na.
   
    Napapangiwi na lang ako kapag tinitingnan ko ang hiwa. Never in my previous life na nagkasugat ako because alagang-alaga ako ni Manang Rosilda at mommy. Ngayong wala na sila sa tabi ko... Malamang ay madalas na akong masusugatan.
   
    "As you wish, Young Lady."
   
⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon