Chapter 16: Hiding it

2.8K 157 19
                                    

Vincent Silveria

Kanina pa magkasalubong ang kilay ni kuya siguro ay dahil napagalitan siya si ama. Nasa karwahe kami ngayon pabalik ng mansyon pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ni ina.

'Dapat bang manahimik ako tungkol kay Efimia? But, mother would be in danger if I do that plus.... mother said that she'll kill me if I...'

"Vincent, ano ba ang nangyari roon sa Rovale Boutique?"

Napakurap ako at napalingon kay kuya na masama pa rin ang mood. "I-isang babae po kuya ang nagtangkang poison-an si ina. Mabuti na lang at expert siya sa poison kaya madali niyang nalaman ang pakay ng babae."

"Malamang! Mother knows a lot about poison dahil iyon ang kakayahan niya. But, what about you? Wala ka man lang naitulong sa kaniya. You need to get stronger, Vincent. Hindi mo ba alam na pinag-uusapan ka rin dahil sa mahina ka? Para kang si Efimia pero ang pagkakaiba ninyong dalawa ay mayroon kang mana, tsk." Napailing siya na parang nadidismaya sa akin.

Napatungo ako. "I-it's not my fault, brother. Ginagawa ko naman ang lahat para mapantayan ka. Nag-aaral din ako nang mabuti para makapasa sa entrance exam."

"Talaga? Bakit wala akong nakikitang improvement? When I was on your age, I've made three skills already but look at you... wala ka pang nagagawa kahit isang skill. Baka naman hindi ka nakikinig sa art at Mazico instructor mo?" Kumunot ang noo ko dahil ang daldal niya ngayon. Hindi naman siya ganiyan dati.

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Is it my fault that I'm weak? Is it my fault that I'm not strong as you?" I'm deeply hurt because of what mother said to me. Hindi naging madali para sa akin na tanggapin iyon tapos dadagdag pa siya?

"I'm just lecturing you, Vincent. Dapat maging matapang ka at malakas dahil hindi ka pwedeng matulad kay Efimia na inaapi. Mother said, Lerbions are strong mages and weak ones will be casted out of the clan. Gusto mo bang matulad sa kamag-anak natin?"

Natahimik ako dahil totoo ang sinabi niya. Ang angkan ng Lerbion ay malalakas na mage at nakakahiyang magkaroon ng isang tulad ko. Compared to my brother, I'm weak and haven't yet mastered my Mazico. May mga dapat pa akong aralin para magamit ko rin nang tama ang mana ko.

"Kuya... alam ko naman ang tungkol doon pero hindi mo ako kailangang pangaralan. I know what I'm doing. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko."

"You better do, Vincent. Kailangan mong maging malakas para patunayang hindi ka mahina at matulad sa kapalaran ng batang iyon. Alam mo na kung ano ang tinutukoy ko." Tumango ako at tumingin sa labas ng karwahe para maiwasan ang mga mata niyang matatalim kung tumitig.

As expected, my brother is still annoyed. Malas ko lang at ako ang napagbuntunan ng inis niya.

'I'll try my best and study hard. Ayaw kong masira ang pangalan ni ina sa Lerbion Clan pero kaya ko bang maging malakas?'

Nang makarating kami sa mansyon ay agad na lumabas si kuya pagkabukas pa lang ng coachman sa pinto. Bumaba rin ako at napayakap sa sarili nang maramdaman ko ang malamig na panahon.

"Good morning, young master." hindi ko pinansin ang mga knight na nakabantay sa entrance door dahil wala ako sa mood. Narinig ko pa ang bulungan nila tungkol sa biglaan kong pagbabago ng ugali.

Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako nagbago, sadyang may pinagdaraanan lang akong problema. Simula kasi nang magising si Efimia ay naging magulo na ang mansyon dahil lahat na lang puro siya ang bukambibig. Tsismis dito tsismis doon. Nadagdagan pa ang galit na natatanggap niya dahil sa pagbabago niya ng ugali. Hindi na kasi siya yung Efimia na iyakin at matatakutin dahil naging palaban siya at maldita.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon