Chapter 6: Winter Curse

5.3K 252 1
                                    

Harold Forteza
   
    Ano na naman kaya ang iuutos niya sa akin? That man loves to order me around. Minsan masakit din sa ulo ang lalaking iyon.
   
    Maraming knight dito pero ako ang palaging inuutusan at palaging nakikita ng mga singkit niyang mga mata. Kaya umiinit ang ulo ng mga nasa first squad sa akin which is the duchess' squadron nang dahil sa kaniya. Pahamak talaga ang gagong 'yun.
   
    The maid said he's in the main hall dealing with some stuff since pumasok na ang winter season. Mas busy yata siya ngayon kaysa last year kasi umalis 'yung mage namin na fire user. Next week pa darating ang kapalit.
   
    Ginagamit kasi ang kanilang kakayahan para mapanatiling mainit ang loob ng mansion without actually wasting woods as a source of heat. Kaya maraming kailangang gawin sa duchy para maka-survive sa malamig na panahon.
   
    "Mr. Arvil, you called for me?"
   
    "Yes, I need you to tell this to Captain Floyd. Under the duke's order, find the Young Lady outside the mansion and bring her to His Grace. She went missing since earlier so the duke wants to talk to her."
   
    Napakunot noo ako. "She went missing?"
   
    "Hindi ba nasabi sa'yo ng kapatid mo?" He adjusted his eyeglasses while reading the letters that the duke handed him.
   
    Arvil is seating comfortably on the red sofa while his legs were crossed. As usual, he's wearing his favorite tailcoat and his stern face. Tch, 'di pa rin siya nagbabago.
   
    "No, Mr. Arvil. She didn't since I'm with the fourth squad. We just returned from visiting Kleos Town. Tungkol naman po sa Young Lady... Baka nandito lang siya sa loob at nagtatago sa mga closet katulad ng dati."
   
    Yeah, she did this years ago that cause mess in the estate. What a troublesome child. Halos umabot sa first floor ang boses ng duke habang sinisigawan ang captain sa kakahanap sa kaniya noon.
   
    "We tried, Sir Harold. You can now leave and tell that to the captain. The duke wants to talk to her asap."
   
    Tch. "Understood."
   
    Napakamot ako sa ulo. I want to talk to him more para sirain ang araw niya pero I need to find the Young Lady first. I'm sure kapag nalaman ni ate na ipinagsawalang bahala ko ang alaga niya ay ako ang malalagot. She's like a sister for her and so do I.
   
    Now, here we are checking the area outside the mansion. Makapal na ang nyebe rito at natakpan na nito ang mga daan. Nakakapagtaka nga at sobrang bilis tumaas ng nyebe ngayon. Actually, last year lang ito nangyari kaya bawat bayan ay naghanda sa pagpasok ng winter season.
   
    Napapikit kami nang lumakas ang hangin at nilipad nito ang aming mga kapa. Napamura pa itong katabi ko.
   
    Saan ba pumunta ang Young Lady? Why is she hiding again? Wait... She lost her memory baka naligaw siya at hindi niya alam bumalik. This is bad.
   
    "You two," Captain Floyd pointed his fore finger to those two busy talking to each other. "Maghanap kayo sa likod ng mansyon baka doon nagtatago ang Young Lady." Sa utos ng captain ay agad silang umalis habang nakasakay sa kabayo.
   
    I don't know kung ilang oras na kaming naghahanap basta ang alam ko lang ay nilalamig na kami. Nagpahinga kami sa lilim ng puno habang hinihintay ni captain ang report no'ng dalawa.
   
    Nahalughog na nga namin ang area pero kahit anino niya'y wala kaming nakita. Napapalibutan kasi ng mga puno ang estate kaya natatagalan kami. Kinakailangan pa naming isa isahin ang mga puno baka nasa lilim o sa taas siya nagtatago.
   
    Naisipan na naming maghanap sa malayo pero ang sabi ko ay hindi siya makakapunta sa malayo because she hated winter. At isa pa, imposibleng gawin ng Young Lady iyon.
   
    To be honest, nanginginig na kami ng mga kasamahan ko.
   
    "Harold, isang oras at kalahating minuto na tayong naghahanap. Sabihin mo naman kay captain na bumalik na tayo sa loob bago pa tayo manigas dito sa lamig," bulong ng katabi ko habang yakap yakap ang sarili.
   
    "Hindi tayo pwedeng bumalik hanggat hindi natin nahahanap ang Young Lady. The duke will punish us if we return empty handed. We cannot disobey him."
   
    "Pero Haro—"
   
    "Kapitan!"
   
    Napalingon kami at nakita ang isang knight na nakasakay sa itim na kabayo. "Good news we found the Young Lady,"
   
    "Good, dalhin siya sa duke. Tapos na ang trabaho natin dito."
   
    "But, the bad news is she's in very bad condition."
   
ーーーーー
   
    "What happened?"
   
    Nakita kong nakaupo si ate sa gilid ng kama at nakatulala sa kawalan. Namumula ang mga mata at ang ilong niya. Hindi niya ako napansin kaya masasabi kong malalim ang iniisip niya.
   
    "The knight said they found her buried in snow. Nahanap nila siya sa lilim ng puno doon sa fish pond. Kung nahuli sila ng ten minutes maaaring hindi na umabot pa ang buhay ng Young Lady. She would freeze to death due to her weak body,"
   
    Oo nga pala. Nakakatulog ang Young Lady kapag nagtagal siya ng kalahating oras sa malamig na panahon. Bakit ko kasi nakalimutan? Nagpabaya ako.
   
    Sa ngayon ay may tela nang nakapatong sa noo niya na inilublob sa maligamgam na tubig at nababalutan siya ng dalawang makakapal na kumot. Kailangan iyon para mainitan siya. Namumutla na at walang kulay ang labi ng Young Lady tapos 'yung buhok niya ay halos pumuti na sa nyebe. She looked dead if she's not breathing.
   
    "I failed as her maid, Harold. Hindi ko siya nabantayan at ngayon hindi ko siya magawang iligtas! I... I'm such a failure!" Napaiyak si ate at iyon ang hindi ko kaya. I can't bare to see her crying.
   
    "It's not your fault. Ate, you did your best. Look, she's fine now and everything will be okay once she regain consciousness," umupo ako sa tabi niya at ipinatong ang kamay sa kaniyang balikat.
   
    "No, Harold it's not what you think it is. Why would I cry here if she's not in danger? S-She's dying, Harold. Taglay na niya ang Winter Curse,"
   
    "What? How?"
   
    "Nakalimutan mo na ba? Efimia can't activate the chant!"
   
    "Shhh. Ate, you need to calm down first. Malulungkot ang Young Lady kung makikita ka niyang umiiyak. Hindi mo pa ba sinabi ito sa duke?" I need to do anything to calm her down. Pwede kasing maapektuhan nito ang kakayahan niya if negative emotion ang mangingibabaw sa kaniya.
   
    "H-he already know! The knight informed him pero wala pa rin siya. Hindi ko alam k-kung ano nang mangyayari sa Young Lady!" She cried habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa mga palad niya.
   
    "Ahem." Napatigil kami at napalingon. Agad kaming napatayo at gumilid upang magbigay galang. It's the duke and he's with Mr. Arvil.
   
    "What's her condition?"
   
    Napasulyap ako sa kanan ko to check if my sister is doing well. Sumisinghot kasi siya. A manner that noble shouldn't do.
   
    "Uh... Y-your Grace... I—"
   
    "If I may Your Grace, I would like to explain the Young Lady's condition on behalf of my older sister."
   
    It's no good. Basag kasi ang boses ni ate. Hindi niya kakayaning magpaliwanag habang hindi pa siya kumakalma.
   
    "You may proceed."
   
    "According to my sister.... The Young Lady's life is in danger. There's a possibility that she cannot recover from the winter curse and might lead to her..." Hindi ko kayang sabihin. Baka parusahan ako at madagdagan pa ang sakit na dinadala ni ate.
   
    "Death? Is that what you mean? How many days she still have without treatment?"
   
    "Your Grace, hindi po siya aabot ng a-araw kung hindi oras na lang ang kaniyang itatagal kung h-hahayaan nating—"
   
    "Tell me the truth, Elisse. Can you cure her?" Putol ng duke sa paliwanag ni ate na nagpatahimik sa amin. We're unable to answer the duke. It's hard to tell him no and neither yes. Hindi kami pwedeng magbitiw ng salitang walang kasiguraduhan.
   
    Nasa delikado sitwasyon ang Young Lady ngayon. Ang nyebe sa mundong ito ay sumpa ni Goddess Melian ilang libong taon na ang nakararaan sa mga taong may poot sa kalikasan. Tanging mga healers na nasa Class S lang ang may kakayahang tanggalin ang sumpang pumasok sa puso ng biktima.
   
    Delikado itong sumpa dahil patuloy itong kumakalat hanggang sa tuluyang maging yelo ang puso ng taong walang proteksyon mula sa nyebe. It's a chant that the Young Lady can't use because she doesn't have a mana to activate it.
   
    "Ate, pag-isipan mo nang mabuti ang sasabihin mo."
   
    Pikit mata akong nagdasal para sa aming buhay. Konting pagkakamali lang ay katapusan na namin.
   
    "I can't. I... I'm sorry, Your Grace. I tried but my magic is not enough to remove the curse. Isa pa po.... Sa tuwing gagamitin ko ang Fire Healing Technique ay humaharang ang Mazico. F-For now... Her life depends on her fate and there's nothing I can do to save her."
   
    Nanlaki ang mga mata ko. That's insane! Bakit ni ate sinabi iyon? Does she wants to die? Agad akong lumuhod at ganoon din ang ginawa ni ate.
   
    "Y-Your Grace—"
   
    "I didn't allowed you to speak, knight. Now, Elisse you mean she will die?"
   
    "Y-Yes." Mahinang sagot ni ate kaya napalunok na lang ako.
   
    Huminga nang malalim ang duke na tila nagpipigil ng galit. "Insolence! Are you making me stupid? How can you say that foolish thing? Ang Mazico ay nakukuha lamang mula sa basbas ng templo at walang ganoon ang batang ito. Take the maid out and whip her 30 times! And you," Turo niya sa akin. "Go to Celeztia Temple and bring the High Priest here as fast as you can."
   
    "But... Your Grace, we only have 1 hour left. It will take me 3 days to reach the temple."
   
    Malayo ang templo dahil nasa capital city ito kaya hindi ko kakayaning makarating doon nang mabilis.
   
    "Allow me to do it, Your Grace." Singit ni Mr. Arvil.
   
ーーーーー
   
Efimia Silveria
   
    Napamulat ako at huminga ng malalim. Para bang tumigil ang puso ko nang ilang minuto at muli itong tumibok. Pawis na pawis ako at nanunuyo ang lalamunan.
   
    "Kath, a-are you okay?"
   
    Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at napakunot noo. Malabo ang paningin ko at aninag lang ng isang babae ang nakikita ko. Teka... Sino ba ito? Siya ba si Elisse? Gago ka talagang babaita ka. Halos mamatay na ako sa gutom kahihintay sa'yo. Saan ba kasi siya nagpunta? Pagsasalitaan ko sana siya nang luminaw ang paningin ko at dahil doon ay napasinghap ako.
   
    Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si... Si mommy! Narito siya sa harapan ko at nakangiti siya!
   
    "M-Mommy?" Sinubukan kong umupo pero pinigilan niya ako.
   
    "Don't try to move, Kath. Parating na ang doctor para tingnan ang kalagayan mo. I'm glad na nagising ka na, anak." sinuklay niya ang buhok ko at hindi mawala ang tuwa sa kaniyang mukha. Malapad ang ngiti niya na nagpakunot sa noo ko.
   
    Inilibot ko ang paningin ko. Sa nakikita ko ay puro puti ang kwarto. Maraming makina, malamig at nakasisilaw ang ilaw. "Nasa hospital po ba ako? Sandali ikaw ba talaga ang mommy ko?" Umusog ako pakaliwa para lang makalayo sa kaniya.
   
    Impostor ba ito? Or isa itong illusion? Ang kapal naman ng mukha ng tinamaan ng kidlat ang gumawa nito sa akin! How dare he/she use my mother to fool me? Kagagawan ba itong ng duke? Or some bastard that hated Efimia? I swear hindi ito nakatutuwa!
   
    Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at dinala ito sa pisngi niya. Habang naguguluhan ay nakatitig lang ako sa kaniya. Pumayat siya, malalim ang eyebags, magulo ang buhok, at namumutla. Parang palagi siyang pagod at walang tulog.
   
    "Yes, this is your mommy. Kamusta ka na, anak? Are you hungry? May masakit ba sa'yo? Anak sabihin mo lang kay mommy. Don't be afraid hindi kita iiwan." Bumigat ang dibdib ko at nanubig ang mga mata ko nang makita ang kalagayan niya. Napakagat labi ako dahil pinipigilan kong humagulgol sa harap ni mommy.
   
    I don't know pero bigla ko na lang naramdaman na naluluha na ako. Parang may mabigat sa dibdib ko na gustong sumabog sa tuwa at pangungulila.
   
    "I-Ikaw ba talaga 'yan mommy? Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?" Gusto ko malaman ang totoo. Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng gumising at bumalik sa mundong iyon.
   
    I missed her so much and God knows it. Nagsisisi akong tinalikuran ko siya gayong siya ang totoong nasaktan at nagdusa sa katarantaduhang ginawa ni daddy.
   
    "Kath, snap out of it! Don't let your guard down!"
   
    Natauhan ako sa maliit na boses sa aking isipan. Tama siya. Hindi dapat ako maniwala at magpakampante.
   
    Imposible man... pinilit kong umantras ang luha ko. Mahirap na baka 'di ako makaalis dito. I cannot trust her. She's fake. Mabuti napigilan ko ang sarili ko.
   
    Hinila ko ang kamay ko. "Lumayo ka sa akin. Isa ka lang ilusyon. You're not my mommy."
   
    "What are you talking about? Ako talaga ang mommy mo. Anak huwag mo naman akong takutin ng ganiyan!" Her voice cracked as she cried loudly. Take note may sipon pa siya. Ew.
   
    Pinilit kong umupo kahit pinipigilan niya ako. Fuck, bakit masakit ang katawan ko?
   
    "Ano ang patunay mo na ikaw ang mommy ko? Sige nga? Sabihin mo sa akin,"
   
    "Anak nama—"
   
    "See? Wala kang masabi and don't fool me okay? I'm not bobo kaya tigilan mo na ako!" Pinanlakihan ko na siya ng mga mata.
   
    "What is happening here, ma'am?"
   
    Napalingon ako sa lalaking doctor na may kasamang nurse. Mukha silang naguguluhan sa naabutan nilang eksena. Shit, may back up siya.
   
    "Umalis kayong lahat! Hindi kayo totoo! Illusion lang kayo!"
   
    "Stop it! Huwag mo naman akong pahirapan! Kathlin... Please. Doc, ano'ng nangyayaari sa anak ko? Bakit siya nagkakaganiyan?" Napasalampak na sa tiles ang pekeng mommy ko. Umiiyak pa siya.

    "I don't know but we need to make her calm down first."
   
    "Don't touch me!" Itinulak ko ang nurse na sinubukan akong hawakan.
   
    "Nurse! Nasaan ang sedative? Kailangan natin siyang pakalmahin bago siya makapanakit," Biglang lumapit sa akin iyong doctor at sinusubukan akong pakalmahin. Ano'ng akala niya sa akin nababaliw na?
   
    "Miss, pakiusap kumalma po kayo," Mahinahon na sabi ng doctor.
   
    "No!" Nagpupumiglas ako para pigilan sila.
   
    "Larah! Are you okay?" Biglang pumasok sa kwarto ang isang lalaki na mukhang stress at makapal balbas. Who is he?
   
    Pilit niyang pinapakalma si fake mommy at tinatanong kung bakit siya umiiyak.
   
    "Denzell, Kath's out of her mind. She think we're not real. She think we are an illusion. Please... Save our daughter. Ayaw kong tuluyan siyang mabaliw."
   
    The heck? Hindi ako baliw, noh!
   
    Napalingon sa'kin 'yung lalaki. Oh, he looks like daddy. Another fake?
   
    Hah! Napatawa na lang ako. This is really the opposite situation between my parents. Bago ako mamaalam sa mundo, they're in bad relationship so... How come? Napailing ako. Don't over think, Kath. Find a way to get out of this mess.
   
    "Doc, na-inject na po ang sedative." Oh shit! Nakalimutan ko 'yung nurse na may dalang syringe. Huli na dahil nai-inject na niya ito sa IV ko.
   
    Wait... Maaapektuhan ba ako nito? Hindi ba 'yan poison or what?
   
    Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang talukap ng mga mata ko. No, gumising ka Kathlin! Go back to your senses! Huwag kang magpapatalo sa kalaban!
   
    But then.... I failed. Nandilim ang paningin ko. What to do? Paano na ako makakaalis dito? Habang buhay na ba akong makukulong sa ilusyon ng kalaban?
   
    Ang duke yata ang may pakana nito! Paano niya nagawa ito sa anak niya? What a heartless old stupid shit son of a bitch. Nadamay pa ang kaluluwa ko dahil sa kaniya. Ang malas naman ng second life ko!
   
    "Kathlin."
   
    Napatigil ako nang marinig ang boses na iyon. Para itong nag-eecho at mala robot ang peg. Where is that coming from? Sino'ng tumatawag sa'kin?
   
    Napalunok ako kasi wala akong makita. Puro itim lang. 'Di kaya nabulag na ako?
   
    "Kathlin... Efimia. Sino ka ba talaga?"
   
    Napasigaw ako at napasalampak nang may sumulpot na bata sa harapan ko. Ang puti ng balat niya para siyang patay! Kamukha niya 'yung bata sa The Grudge!
   
⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon