Chapter 28: Stress

828 36 3
                                    

Efimia Silveria

"Hmm... that doesn't look good on you. Try this one."

"It looks fine to me! Kanina pa'ko palit ng palit ng damit, eh. Napapagod na ako!" Bago pa niya ilabas ang isang dress mula sa cabinet ko na ipinagawa niya ay nagsalita na ako. Ika-sampung palit ko na ito at hindi pa siya makuntento.

Sumingkit ang mga mata niya at kinilatis ako mula ulo hanggang paa. Nakacross arms pa siya habang iniikutan ako. "You're right. You look marvelous, Mimi."

Seriously? Kung hindi pa ako umalma ay bubunot na naman siya. Anyway, itong mga dress na ito ay lahat binili niya nang wala akong kaalam alam. How did she even know my size?

After five hours, we're finally done thank goodness! Hindi pa kami nakakaalis ay pagod na ako. Dumaan kami sa likod ng bahay nila para hindi kami makita ng mga tao sa inn. Nakita ko si Mr. Hagrid na naghihintay sa amin sa tabing kalsada. Binuksan niya ang pinto ng karwahe para makapasok kami.

"Wait, I forgot something." ano na naman? Napatingin siya sa akin. "You don't have your earings! Wait for me here I'll get it." Umalis siya at nagpunta sa bahay.

"I looked fine naman, eh! Hindi ko kailangan ng hikaw! Ano ba 'yan! Ano'ng oras na, oh!" Baka malayo pa ang pupuntahan namin eh magtatanghali na.

Hagrid chuckled. "Let her do what she wants, Young Miss. Matagal ko na siyang hindi nakitang ganitong kasaya."

I got curious. May dapat pa bang ikalungkot si Ate Faeya now that she had a stable life? "Sa ano'ng dahilan?"

He sighed. "Kagagaling lamang niya mula sa matinding depression last year. I couldn't do anything for her during that time except to help her and stop her from killing herself." Napanganga ako sa imagination ko. Like what the heck? For what reason naman kaya?

I stared at him waiting for him to spill the beans. Napansin niya akong nakatitig sa kaniya kaya napatikhim siya't nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.

"She's infertile. However, when she heard that you were coming here she got excited and prepared everything. In fact, all of the flowers you see in our garden withered. Pero muli niya itong binuhay at inalagaan para sa'yo..."

He patted my head as if I was his daughter. "...I'm happy that you're here, Young Miss. My wife really treasures you a lot."

"I see. I must be lucky to have someone like her and... you." wala akong maisip na sasabihin. Itinikom ko na lang ang bibig ko kasi baka may masabi pa akong hindi maganda.

Naging malungkot ang atmosphere dahil sa sinabi niya. I could feel the pain tapos naririnig ko pang sumisinghot si Hagrid. Is he crying? He wiped his tears when he saw Faeya.

Dumeretso sa'kin si Ate Faeya at inilagay sa tenga ko ang dalawang hikaw na kulay light blue ang gem. Hugis oval ito at medyo maliit na ka-match naman ng kulay ng dress ko.

"Let's get inside. It's getting late and we might miss the parade later!"

Pinasakay na niya ako sa karwahe tapos sila naman ang sumunod na sumakay. Pagkatapos ay ilang sandali pa ay umandar na ang karwahe.

Tahimik lang ako at nakatitig sa labas ng bintana. Ramdam ko ang simoy ng hangin na pumapasok sa loob ng karwahe. Sinulyapan ko si Ate Faeya at hindi ko inaasahan na nakatingin siya sa'kin habang nakangiti. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Shit! Why is she looking at me? Nagulat ako nang maramdaman kong inipit niya ang buhok ko ng nakapony tail.

"Higa ka sa lap ko nang makatulog ka kasi malayo pa ang pupuntahan natin." Is it okay for her na mahiga ako sa lap niya? Bago pa ako magreklamo ay pinahiga na niya ako then she hummed na parang pinapatulog niya ako. In fairness maganda ang boses niya. Hindi ko tuloy mapigilang antukin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon