Chapter 11: Poisoning

4.2K 202 24
                                    

Efimia Silveria
   
    "Leave. I don't want to see anyone!"
   
    Mabilis kong niligpit at inilagay sa drawer ang mga ginamit ko. Walang dapat makaalam na nakakapagsulat na ako especially kung sa knight na kasali sa squadron ng duchess. Malalagay ako sa peligro kapag nalaman ng babaeng 'yun.
   
    Bumalik ako sa higaan ko at nagkumot. Nilalamig kasi ako. Saktong pagkahiga ko ay nagbukas ang pinto. Tingnan mo, wala silang galang sa akin kahit hindi ko pa sinasabing pwede na silang pumasok. Tsk.
   
    "Young Lady, Miss Elisse brought this food for you."
   
    "Matigas ba ang ulo mo? I said I don't want to. Throw it away dahil wala akong ganang kumain!" Tinalikuran ko siya habang balot ang katawan ko ng kumot.
   
    Heh, hindi ko kakainin 'yan kahit gutom ako. Duh, kakainin ko pa ba 'yan gayong alam kong may lason? Ano ako baliw na excited mamatay? Namatay na ako ng dalawang beses at hindi na iyon madadagdagan pa.
   
    "But, Young Lady you haven't eaten and it's bad for your health."
   
    Halah, gusto kong matawa. Kailan pa sila naging concern sa akin? Ang alam ko... Si Efimia ay parang hangin sa harapan nila. Is it because the duchess ordered him to feed me that poisoned food?
   
    Umupo ako at hinarap siya. "Huwag mo akong pilitin kung ayaw ko. Isa pa who told you to enter my chamber without my permission?" Kumunot na ang noo ko.
   
    "I beg your pardon, Young Lady. I made a mistake and this won't happen again," He bowed.
   
    "I will only accept it kung kakainin mo 'yang lugaw na dala mo. Masasayang naman kasi kung itatapon mo lang diba?" Napangisi ako ng palihim nang makitang natigilan siya. Ano kaya ang irarason mo sa akin?
   
    "Young Lady—"
   
    "What? You don't want to? May poison ba 'yan kaya nagdadalawang isip ka?" I crossed my arms. "Be thankful na lang kasi makakain ka during your duty."
   
    Oh, look at his reaction. Lumaki ang mga mata niya at napansin kong medyo nanginig ang mga kamay niyang nakahawak sa tray. Nakita ko pa siyang napalunok.
   
    "I — Uh... Young Lady—"
   
    "If you don't want to then bring Miss Elisse to me. I want to see her personally."
   
    "But, Young Lady, ang utos ng duke ay walang pwedeng bumisita sa inyo. Miss Elisse prepared this secretly because she's just concerned to your health." Naulit 'yung sinabi niya sa akin but hearing those sound suspicious. What exactly happened to her?
   
    About that... I know na walang pwedeng bumisita sa akin. But why did they use Elisse? Siya ba ang sisisihin nila sa oras na mamatay ako sa pagkaing inihanda niya raw?
   
    Damn that rotten bitch. Plano pa yata niyang mandamay ng iba para si Elisse ang maituring na salarin.
   
    Seryoso ko siyang tiningnan. "Kung ang ama ko ang nag-utos bakit naman iyon susuwayin ni Elisse? Alam niya ang parusang matatanggap kung hahatiran niya ako ng pagkain. Knight, are you sure that food is really from my personal maid? Or you are just lying to me?"
   
    Natahimik siya at napansin kong naghe-hesitate siyang sagutin ang mga tanong ko. Napabuntong hininga ako. I can't squeeze out any information from him if he's loyal to the duchess. Mas gugustuhin pa niyang maparusahan o mamatay kaysa magsabi ng totoo.
   
    I let him leave for some reason. Maaari silang maparusahan pero nagdududa ako sa investigation team. Pwede kasi silang bayaran na ibahin ang evidence o hindi kaya ay magbintang sila ng mga inosenteng tao. If I push this ay ako lang ang magiging kawawa.
   
    Nang makaalis 'yung knight dala 'yung lugaw, I felt relieved dahil natakasan ko ang kamatayan ko. Pero sa oras na malaman ng duchess na hindi ko kinain iyon ay baka mas malala pa ang gawin niya sa akin.
   
    Ugh, so annoying. Naiinis ako kasi kailangan ko pang isipin ang sarili kong buhay sa mansion na ito. God, please help me naman. Paano ako makakasurvive kung lahat ng members ng family except me ay may saltik? I mean may sakit sila sa ugali.
   
    I'm so unfortunate talaga. Ang dami daming characters na pwedeng pag-reincarnate-an ko ay si Efimia pa talaga? Hay, ito yata ang kabayaran ko sa dati kong buhay. Tsk.
   
    "Gutom na ako. Hey, Goddess Melian! Do something! 'Yung kaluluwa ko lang pinakain mo pero itong katawang lupa ko ay hindi! Nasaan rin 'yung sinasabi mong sasagot sa mga tanong ko?" Bulong ko habang dinuduro ang ceiling. Naiimagine ko kasing nandoon siya.
   
    Umaasa akong maririnig niya ang sinabi ko kaya ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong natanggap. Wait... Hindi kaya ay nadelay 'yung pagrecieve niya ng message ko? Naghintay pa ako ng limang minuto pero wala pa rin kaya hindi na ako nakatiis.
   
    "Hindi mo ako papansinin gan'un? Huwag mo akong dedmahin, ha?! I know that you can hear me!"
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon