Chapter 8: Plan

5K 250 15
                                    

Vincent Silveria
   
    "Hands off, dog."
   
    Napakurap ako. "Pardon?"
   
    "Oh, ayaw mo ng dog? Sabi mo kahit ano'ng itawag ko sa'yo ay okay lang? So, bakit parang nagrereklamo ka?"
   
    Napabuntong hininga ako. Every single day... She's getting more and more rude. Nakukuha pa niyang irapan ako.
   
    "Efimia, sa tingin ko ay hindi na akma ang ipinapakita mong ugali para sa isang noble. Anak tayo ng duke kaya—"
   
    "Anak? Coming from you? Kailan pa ninyo ako itunuring na Silveria? It's because that I'm useless? Na hindi ako maipagmamalaki ng ating angkan ganu'n ba?"
   
    "It's not li—"
   
    "Leave."
   
    Napatigil ako. She's glaring at me. Dati hindi niya kayang gawin ito because all she can do is to beg and cry.
   
    How can she just say that? Me? Leaving? Ako dapat ang nagpapaalis sa kaniya at hindi siya.
   
    "Fine, stay here as you like. Baka magsumbong ka na naman sa mama mong siraulo." Napantig ang tenga ko.
   
    Siraulo?
   
    "Look, I'm just being nice here but you're crossing the line. Wala kang karapatang insultuhin ang duchess!" Tiningnan lang niya ako ng malamig which made me angrier.
   
    "I never asked for your help, Vincent. Hindi ko kailangan ng tulong mo at mas lalo ang awa mo."
   
    Huminga ako nang malalim. Fighting her won't do any good for me. Mother told me to stay away from her. Kung makarating sa kaniya na pumunta ako rito ay siguradong parurusahan ako.
   
    Tch. "I will never talk to you or even help you again! Nararapat lang sa'yo ang mga pinagdadaanan mo dahil masama kang tao!"
   
    I left. Galit ako. All I just want is tawagin niya akong kuya pero ano'ng nakuha ko? A dog! Mukha ba akong aso sa gwapo kong ito? Unacceptable!
   
    Haa...
   
    I should tell that to father. I smelled something in her chamber similar to his scent.
   
    Liliah Cyde. Who is she? Walang Liliah Cyde na nagtatrabaho sa pamilya namin. What is her intention? Efimia is a loner and doesn't have any relationships with other people. Bakit niya pinuntahan si Efimia?
   
    Sandali... Why am I concerned for her? Tsk. Wala akong pakialam kung sino ang pumupunta sa kaniya dahil masama siyang tao.
   
ーーーーー
   
    Efimia Silveria
   
    Ang batang 'yun talaga! Ang kapal ng mukha niyang ibalibag pasara ang pinto. Wow lang ha? Wow. Nakakapang-init ng ulo. Patatawarin ko sana siya sa mga sinabi niya kung iniwan niya 'yung tinapay pero dinala niya! Kainis.
   
    Ugh. I'm so bored, hungry, and thirsty. Kumukulo na ang tiyan ko at mapait na ang panlasa ko. Hindi naman ako makalabas kasi may mga knight na nagbabantay sa labas ng chamber ko.
   
    Sinabihan ko na silang tawagin si Elisse pero hindi sila nakikinig sa'kin. Para nga akong multo kung ituring nila.
   
    Sinubukan kong sipain 'yung isang knight pero ako lang ang nasaktan. Tumama kasi 'yung buto ng paa ko sa armor ng paa niya. Sinuntok ko naman 'yung likod niya pero armor din ang tinamaan ko. Namula lang 'yung kamao ko sa lakas ng pagkakasuntok ko.
   
    Sa huli, pinagmumura ko na lang sila at inirapan kahit 'di nila nakikita bago pabalibag na sinara ang pinto.
   
    Kahit lumusot pa ako sa magkasanggang spear nila... Sure ako na gagamitan nila ako ng magic para mahuli. Isa pa, ang lalaki ng mga muscles ng dalawang 'yun. Isang hawak at piga sa payatot na katawan ni Efimia ay siguradong mababali ang buto niya. Maganda nga siya pero kinulang naman sa tulog at pagkain.
   
    Ahhhh! Mababaliw na ako rito. Nanlalambot na rin ako. Nasaan na ba kasi si Elisse? Totoo kaya 'yung sinabi ni Liliah? Pero base sa reaksyon ni Vincent hindi totoo 'yung mga sinabi ng babaeng 'yun.
   
    She's also weird. Bakit nagkulay ginto 'yung eyes niya? That woman is acting weird as if she saw an interesting thing to play with. Do I look like a toy? Nah.
   
    Nahiga ako sa kama dahil feeling ko naubos na ang lakas ko. I closed my eyes and tried to pull myself to sleep. Napadilat ulit ako nang may maalala. Come to think of it... Nag-wish nga ako doon sa fish pond na bumalik ako sa mundo ko. Is it just a coincidence na nakabalik ako sa Earth and nakita ko pa ang Goddess of time? Pero nagising ako na binabangungot ayon sa misteryosong babae. Nakakapagtaka.
   
    Hmm... Golden eyes. Saan ko nga ba nakita 'yun? Hindi ko maalala kung alin sa mga characters ng manhwa ang may gintong mata.
   
    Oh, whatever it doesn't matter naman kung malaman ko o hindi. For now, I have to focus on how to survive. Kahit extra character lang ako ay hindi ako papayag na magaya sa totoong Efimia. Isa pa, mayroon lang akong 3 years para maghanda kasi nasabi roon na 15 years old namatay si Efimia and she's 12 right now.
   
    Napatayo ako at nagpunta sa table. May nakita akong paint brush at ink bottle doon na may alikabok na kaya pinunasan ko ito gamit ang night gown ko. Naghalungkat naman ako sa drawer at nakakita ng papel. Inilapag ko ito sa lamesa at umupo saka sinimulang magsulat.
   
   
    》REINCARNATED INTO A WORLD WHERE ART MATTERS《
   
    ーRIAWWAM is a manhwa about the Crown Prince and Female Lead. It's a Fantasy and Romance manhwa.
   
    ーCharacters:
   
    Duke Francho Silveria
    - kinukuha ang favor ng hari by following his orders
   
    Duchess Aloseira Lerbion Silveria
    - one of the black market head and social climber
   
    Lorenz Silveria
    - may gusto sa kaniya si Sasha pero wala siyang nararamdaman dito
   
    Vincent Silveria
    - may gusto sa female lead
   
    Solivia Lhara Hesateo
    - Princess of Trevos Kingdom and became the Crown Princess of Zuren Kingdom
   
    Rosh Ven Lushien
    - Crown Prince of Zuren Kingdom
   
    Sasha Lushien
    - Princess of Zuren Kingdom
   
    Caleb Lushien
    - second prince of Zuren Kingdom
   
    ーOther characters: Efimia Silveria (extra)
   
    (to be updated)
   
    ーEnemy: Duke Francho and Duchess Aloseira (They're always against the CP and FL.) and Caleb (kakampi ng Silveria dahil pinangakuang tutulungan siyang maging hari kung papayag siyang maging spy sa palasyo)
   
    ーLast chapter I read Ch71:
   
    - Natalo sila sa korte tungkol sa tangkang pagpatay kay Solivia at naparusahan ang second prince dahil kasali ito sa plano ng Silveria Family.
   
    - Naparusahan din ang buong pamilya ng Silveria dahil napatunayang may kinalaman sila sa slave trading sa black market at paggamit ng Mazico na ipinababawal sa loob ng palasyo. Tinanggal lahat ng ari-arian at nilagyan ng Magic Seal para hindi nila magamit ang kanilang Mazico.
   
    - Natapos ang chapter sa isang lalaking nakaitim na cloak na biglang pumasok sa kulungan at pinatay lahat ng mga knight tapos tinawag na pinuno si Aloseira.
   
    ーEnding: ???
   
    Wait... Napatigil ako at napanganga. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kamay ko at sa papel.
   
    I can write. I can fucking write! And the weird part is that I'm writing using the kingdom's language. Paano nangyari iyon? Diba si Efimia ay hindi makapagsulat? Wala siyang mana kaya bakit nakakapagsulat siya? I mean ako? Nakakapagtaka na ang mga pangyayari.
   
    Nagulat ako nang may kumatok sa pinto kaya mabilis kong itinago ang papel, ink at paint brush sa drawer.
   
    Bumukas ang pinto at isang knight na may dalang tray ang bumungad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ito na ba ang huling araw ko? Papakainin ba nila ako ng poison? Ang alam ko sabi ni Vincent hindi raw ako papakainin or kahit uminom man lang sa loob ng tatlong araw.
   
    "What is that? A poison meal?"
   
    "No, Young Lady. This was prepared by Miss Elisse,"
   
    "Where is she?"
   
    "Hindi ko po alam. Ibang maid po kasi ang naghatid nito," Hmm... Bakit kaya ibang maid?
   
    "Pwede bang pakisabi sa kaniya na pumunta rito?"
   
    "Young Lady, ang utos ng duke ay walang pwedeng bumisita sa inyo. Miss Elisse prepared this secretly because she's just concerned to your health."
   
    "So kakampi kayo ni Elisse? Hindi ka ba natatakot na maparusahan ng duke?"
   
    Hindi siya nakasagot siguro ay nagdadalawang isip siya. "Sige, ibaba mo riyan sa lamesa and leave." Mamaya bawiin niya pa, e.
   
    Walang imik na sinunod niya ako at lumabas na wala man lang paggalang. Hay, pati mga knight nakikiuso sa mga maid dito. Bastusan lang ganurn?
   
    Tumayo ako at lumapit sa table. Naamoy ko ang masarap na lugaw. Wow, amoy pa lang nakakatakam na. Since si Elisse ang naghanda siguro naman wala itong poison diba? Mas mabuti na ito kaysa roon sa dala ni Vincent kanina. Mabigat kasi sa tiyan ang lugaw kaysa sa tinapay.
   
    Binuhat ko ang tray at nilapag sa sahig bago mag-indian seat. Malinis naman ang floor kaya umupo na ako. Naramdaman ko kasing kumukulo na ang tiyan ko, e.
   
    Dinampot ko ang spoon at tinikman ito. Napapikit ako at ninamnam ang lasa hanggang sa naubos ko ang laman ng bowl na hindi alintana ang init nito.
   
    Uminom ako ng tubig at naramdamang nagkaroon ako nang lakas kahit papaano. Tamang tama ang niluto sa'kin ni Elisse sakto rin para sa malamig na panahon. Kung bibiglain ko kasi ang tiyan ko baka sumakit lang ito lalo na't ilang araw na akong hindi nakakain. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan tiisin ang gutom at uhaw ko. 
   
    After 10 minutes pumasok ulit 'yung knight at kinuha ang tray na nakalapag sa sahig. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo kunyari para hindi niya makita ang ginagawa ko.
   
    Nang makalabas siya ay nakahinga ako ng maluwag at niligpit agad ang mga ginamit ko. Sinusulat ko kasi ang plot ng kwento para hindi ko makalimutan. Magsisimula ang kwento kapag nag-eighteen na ang Crown Prince. Ipapakilala sa kaniya ang FL at ia-announce ang engagement pero sa ngayon ay nasa 16 pa lang siya.
   
    So, I have 2 years to train, raise my rank and know what is my level. 1 year naman bago mamatay si Efimia kaya by that time, sana kahit papaano ay kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko at tumulong sa FL and ML.
   
    Plano ko kasing makisawsaw sa plot at tapusin ang problema. Duh? Kathlin cannot be left behind. Kailangan magkaroon ako ng ambag sa kingdom na maipagmamalaki ko sa hinaharap.
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon