Chapter 17: Mana

2.9K 148 8
                                    

Efimia Silveria

Sinunod ko ang sinabi ni Anashin kahit medyo hindi ko makuha kaysa namang maglakad ako nang may pakpak sa likod ko. Saka ayaw ko na maulit iyong kanina kasi seriously, masakit talaga siya. Para akong nakakita ng star kanina.

Nakaupo ako ngayon sa malaking bato at nakapikit para hanapin ang pagdaloy ng mana ko papunta sa scapulars which is the first step.

Yes, mayroon akong mana kaya nga ako nakapagsulat, e. Kahit ako nagulat dahil akala ko wala na talaga akong pag-asa. Kasi naman mahirap mabuhay nang walang mana at katulad nga ng nangyari sa totoong Efimia ay siya inaapi at kinamumunghian. Para na siyang naging peste sa Silveria Family.

Kamusta na kaya sila roon sa mansyon? Ano na kaya ang ginawa nila roon sa isinulat ko? Honestly, hindi ako nagwo-worry kung ano'ng mangyari sa kanila dahil nasa duchess naman ang desisyon kung iuulat niya iyon sa hari.

I'm sure, umuusok na ang ilong niya at magkasalubong ang kilay dahil hindi siya nagtagumpay sa plano niya. Heh! Like the hell I would let her kill me. Kahit pa patayin niya ako ay paulit-ulit naman akong ire-resurrect ni Goddess Melian hanggat hindi ko nagagawa ang misyon ko.

Hindi ko alam kung ano iyon pero who cares? As long as I'm free and breathing is okay for me, right? Ang tadhana na mismo ang gagawa nang paraan para malaman ko kung ano'ng misyon ko. Loka-loka kasi 'yung babaeng iyon at finilter pa ang sinabi dapat dineretso na niya para hindi naman ako aanga-anga rito. Kung sinabi niya edi sana alam ko na ang gagawin ko para matapos ko na ang misyon ko.

Oo, nasa loob ako ng favorite kong manhwa at alam ko na ang storyline pero hindi naman na kay Efimia ang focus ng story dahil umiikot lang ito sa royal family at sa Silveria Family. Tapos hindi pa masyadong nababanggit si Efimia kaya talagang wala akong alam dito.

Ang magagawa ko lang ay sumama sa sitwasyon. Katulad na lang ngayon papunta kami sa Mesmeinia dahil iyon ang bilin ni mama sa akin. Saka mukha namang exciting diba? Kaysa namang mag-stay ako sa bulok na chamber na iyon, hintaying patayin ng duchess, at muling buhayin ng Goddess ay why not travel, noh?

Nevertheless, I'm grateful that I left the mansion and I'm still alive. Kahit i-resurrect ulit ako ng Goddess I would never ever want to experience dying again. Mas masakit mamatay kaysa iyong iniwan ka ng jowa mo na sumakabilang tao na, lol.

Kidding aside, my mana is not enough to keep me safe. According to Anashin, mahina ito kumpara sa normal na mage. Maico-consider na akong Class E mage but lower than them. I wonder kung mapapalakas ko iyon by training but I don't have my Mazico yet. Siguro hihingi na lang ako ng pera kay uncle para makuha ko ang Mazico ko sa temple. Pagdating naman sa paggawa ng skills... saka na muna 'yun. Ang mahalaga ay magkaroon ako ng Mazico.

"Master, you have to focus. Magkakalahating oras ka na riyang nakapikit baka nakatulog ka na?" Napakamot ako sa ulo.

"Hay! Huwag ka ngang maingay, Anashin. Hindi ako maka-focus sa'yo, e!"

"Kanina mo pa sinasabi iyan, master. Baka abutin na tayo nang umaga sa kaka-focus mo. Unahin muna natin maghanap nang matutulugan at doon mo gawin iyan." Umiling ako habang nakapikit.

"No, I'll do this! Mahirap maglakad nang may pakpak, noh. Dagdag buhatin pa."

"But, master... I thought you're tired? Hindi ka pa nakakain and you need to regain your stamina first. Sinabi mo kanina ay wala ka nang lakas tapos heto ka at parang nagme-meditate."

Napadilat ako at inirapan siya. "Oo na! Ikaw na ang panalo. Tara na nga at gutom na ako."

Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko na may dumikit na nyebe. Curse this wings mukha na akong taong ibon. Mabuti pa itong kasama ko walang problema dahil hindi naman siya napapagod. Naningkit ang mga mata ko habang nakasunod sa kaniya. May napansin lang kasi akong kakaiba.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon