Chapter 4: Young Lady

6.6K 291 15
                                    

Efimia Silveria
   
    I'm really speechless. Totoo ngang magaling mag-heal si Elisse. I'm pretty sure mag-iiwan ng mark 'yung sugat ko pero wala akong makita. Kahit gabi na at medyo naaaninagan ito ng liwanag mula sa mga kandila ay masasabi ko talagang magaling na ito. Bumalik sa dati 'yung palad ko na parang walang nangyari even though malalim ang sugat.
   
    "See? You can trust my sister. She's a Class A healer, Young Lady."
   
    Ipinagmamalaki sa akin ni Harold ang kaniyang kapatid. Halata naman iyon sa boses niya. Well, I admit that she's good.
   
    "Not Class S?"
   
    "Unfortunately, she can't level up anymore. She's on her limit when it comes to using her mana, Young Lady."
   
    Hmm, 'yung mga Class A ay maituturing nang Class S pero may mas mataas pa sa kanila. Mayroon kasing 6 class ang isang mage.
   

———

◊◊》RANKING SYSTEM《◊◊

◊⚚ LEGENDARY ⚚◊

◊❂ ELITE ❂◊

◊✵ CLASS S ✵◊

◊✡ CLASS A ✡◊

◊✩ CLASS B ✩◊

◊✦ CLASS E ✦◊

—————

   
    Ang pinakamataas sa ranking system ay ang legendary kung saan masyado na silang malakas. Considered as OP na sila. Ang pinakamababa naman ay ang Class E kung saan iisa lang ang kakayahan nila. Ang disadvantage nila ay wala ng pag-asang tumaas ang kanilang rank kasi maliit lang ang mana na mayroon sila.
   
    On Elisse case.... May mga pagkakataon talagang hindi na tataas ang rank ng isang mage. Isa sa dahilan ang sinabi ni Harold at ang isa pa ay 'yung hindi marunong gumuhit or nauubusan na ng idea. Tama, sabi ko nga sa mundong ito, pinakamahalaga ang art. Kung hindi ka marunong mag-drawing wala kang pag-asa.
   
    Anyway, ginamot ako ni Elisse sa pamamagitan ng kaniyang magic circle o Mazico. Doon kasi nakalagay ang lahat ng kanilang abilities at iyon ang nagsisilbing power ng lahat ng mage sa mundong ito. Nafo-form ito sa ibabaw ng palad at sumusunod kapag itinapat ang kamay nila sa iba't ibang direction na nakalutang at marahang umiikot.
   
    Paano roon nailalagay ang kanilang abilities and skills? Simple lang. Kailangan nilang gumuhit ng kahit ano'ng gustuhin nila. Iba't iba kasi ang kakayahan ng mga mage at mayroon din itong 5 levels.

    —————

◊◊》ABILITY LEVEL《◊◊

Level 1 ー Elements
(Fire, Water, Earth, and Air)

Level 2 ー Mixed elements (Those who can manipulate 2 to 4 elements)

Level 3 ー Animals and monsters

Level 4 ー Plants, herbs, and potion

Level 5 ー Rare type

—————
   

    Ang mga levels na ito ay may sari-sariling chant. Binibigkas ito kapag nakatapat ang Mazico sa pinag-drawing-an ng kanilang art. For example, gusto nilang magkaroon ng bagong skills which is naka-align lang dapat sa kanilang level. Because all of the mage can't raise their ability level because it is inborn but they can make different skills from it.
   
    Ginagawa iyon upang maire-register ang art sa kanilang Mazico. Parang flashdrive lang or programming. Kailangan mong maglagay ng codes para gumana ang ginagawa mong project.
   
    During the process ay may chant na naman silang bibigkasin at hihigupin nito ang kalahati ng kanilang mana. Kung bakit? Well, sa madaling salita para ma-activate nila at magamit ito sa kanilang Mazico.
   
    Mahaba at hindi madali ang proseso diba? Hindi madali ang mag-level up sa mundong ito at kailangan talagang pag-isipan ang mga abilities na nilalagay. Kudos sa creator ng manhwa. I bow down to her. She's a genius kaya naging favorite ko iyon.
   
    "Sir Harold, what is your rank and level?" Curious ako mga dai. I need to know para may maitulong siya sa akin kung kakailanganin ko ang kaniyang ability. Katulad kasi ni Elisse ay hindi sila nabanggit sa manhwa kaya wala akong alam.
   
    He smiled. Ugh, that smile again. Kitang kita ko ang mukha niya kasi nakatayo siya malapit sa kandilang nakapatong sa candle holder. Nakadikit ito sa kulay peach na pader malapit sa higaan ko.
   
    Nakakairita na siya, ah. Mukha siyang kabayo kahit na medyo may kagwapuhan siya.
   
    Hmm, wala pa sa kalingkingan ni Taehyung. Not a fan here pero madalas kong makita ang mukha ng Kpop star na iyon sa aking FB account. Buset kasi 'yung mga kaklase kongnpuro Kpop ang bukambibig.
   
    Ayon sa inis ko pinakick out ko sila. Allowed naman ang pagiging fan girl or boy sa school and hindi ko sila papansinin. Pero nabwisit ako. Anakan daw sila? Luh, para saan yung bio and post nila na study first? God, kakai-stress ang takbo ng kanilang utak.
   
    Yumukod si Harold at nagbigay galang. "I'm a Class A and Level 2, Young Lady."
   
    "Wow, congrats." Using my sarcastic tone. Ang yabang nito. Mas mataas pa nga ang level ni Elisse kaysa sa kaniya. Para saan 'yung ngiti? Confident na confident siyang i-announce ang kaniyang rank and level. Tsk.
   
    "It is my honor to receive our Young Lady's greetings."
   
    Napairap ako. Pa-formal pa. "Whatever. Now that Miss Elisse healed me you two can now leave my chamber. Malalim na ang gabi kaya gusto ko nang matulog."
   
    "Understood. Good night, Young Lady." Sabay silang yumukod at nilisan ang aking chamber.
   
    Pagod akong nahiga sa aking medyo may katigasang kama. What a long night. Nakakapagod. Unti-unti'y hindi ko na namalayang nilamon na ako ng antok.
   
ーーーーーー
   
Elisse Forteza
   
    "Katulad nga ng kumakalat na balita... She lost her memory, ate."
   
    "Na isang masamang balita sa duchy pero mas mabuti na iyon. Ayaw ko ng magdusa pa ang Young Lady. I've been with her for 5 years at alam ko kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan niya araw-araw."
   
    Napabuntong hininga si Harold. "Did you noticed something? Hindi na siya ngumingiti. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, ate. She always stare coldly and loves to throw us her deadly glare. Also, I always caught her rolling her eyes na hindi niya ginagawa noon. I think she's not our Young Lady anymore."
   
    Napakunot noo ako at napatigil sa paglalakad. I looked at him. "What do you mean by that?"
   
    "Kanina ipinatawag siya ng duchess. Hindi ko alam ang nangyari sa loob. Pero sa tingin ko lumaban siya kaya nagkaroon ng sugat ang Young Lady. They argued over something pero hindi namin narinig nang maayos kung ano iyon. Pagkalabas niya ay parang ibang tao na siya. Ate, her eyes were very cold. Nagulat din kami nang pagsabihan niya ang Young Master." Tila hindi makapaniwala si Harold. Maging ako ay ganu'n din.
   
    "Lets.... Forget about that, Harold. Huwag muna tayong magsalita nang tapos. Sa tingin ko nag-aadjust pa lang ang Young Lady. Kakagising lang niya so we need to understand her first. Naninibago lang siya."
   
    Napatango siya. "You have a point, sister. Maybe we should observe first."
   
    "Yes."
   
    Hinatid ako ni Harold sa maid chamber sa first floor pagkatapos ay nagpaalam siya para bumalik sa kaniyang mga kasama. At this hour, tulog na ang lahat except sa mga knight na nakabantay sa mansion.
   
    Nagpalit muna ako ng damit at uminom ng tubig bago pumasok. Dahan dahan kong itinulak ang pinto para hindi magising ang iba pang maid. Sampo kami dito at malaki na itong chamber para sa amin.
   
    Mababait naman sila pero may mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo. Iyong kama ko ay nasa dulo pa kaya kailangan kong daanan ang ibang maid na natutulog.
   
    Pare-parehas na maayos ang pagkakahiga ng mga ito since they are all noble. Lahat kami ay tinuruan kung paano kumilos nang tama lalo na sa harap ng duke at duchess.
   
    I sighed once I comfortably lay down on my bed. Napagod ako ngayon. I was worried for my Young Lady nang malaman kong naroon siya sa chamber ng duchess. Akala ko babalik siya sa chamber na umiiyak pero hindi nangyari iyon.
   
    Dati umiiyak siya kapag mayroon siyang sugat pero kanina ay hindi. I'm so proud of her. Kahit papaano ay nababawasan ang pag-aalala ko. She changed as if she's a different person.
   
    'Good night, Young Lady.'
   
ーーーーーー
   
Efimia Silveria
   
    Ouch! My back hurts! Hindi yata ako nagalaw. Napasarap yata ang tulog ko.
   
    Tumayo ako at inayos ang higaan ko. Shit! Ang lamig! Nilalamig ako habang naglalakad papunta sa balkonahe. Wala kasing bintana sa aking chamber.
   
    Ano'ng oras na ba? Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang pinto. Mas lalo akong napayakap sa sarili ko nang tumama sa aking maliit na katawan ang malamig na panahon. Medyo madilim pa siguro mga 6 am pa lang ngayon.
   
    Sanay na kasi akong gumising nang ganitong oras. Madalas kasi akong sumabay kay daddy para maihatid din ako sa school. Tsk, bwisit siya. I wish makunan 'yung lintang iyon. Siguro masaya sila ngayon kasi patay na ako.
   
    I hate him and curse that leech na mang-aagaw.
   
    Napatingala ako sa kalangitan at nakitang unti-unting bumabagsak ang nyebe. Maliliit lang ito na parang powder. Takte malamig na sa lagay na ito?
   
    Ilang minuto akong nakatayo sa balkonahe na walang sapin sa paa at walang suot na makapal na damit. Nagmumuni at nag-iisip ng plano. Great, nararamdaman kong tinatawag ako ng kalikasan. Napangiwi ako nang sumakit ang tiyan ko. Now.... Where's the comfort room here?
   
    Pumasok ako sa loob nang hindi sinasara ang pinto ng balkonahe. Dahil doon malayang nakakapasok sa chamber ang malamig na simoy ng hangin at mga maliliit na nyebe. Wala akong pake. I need to relieve myself first.
   
    Una kong tinignan ang chamber ko kung may palikuran ba. Wala akong nakita kaya lumabas ako. Clear, walang tao sa pasilyo.
   
    Sunod kong tiningnan ang kabilang kwarto or matatawag nang chamber sa lawak nito. Nagbabasakaling kasi akong naroon ang hinahanap ko. Sunod kong binuksan ang iba pa pero puro bakante at walang kahit ano mang gamit na naroon. Hay, mukhang sa isolated area nila nilagay si Efimia.
   
    Siguro nasa first floor iyon. Saan nga ba ako dumaan kagabi? Wait, this painting. Napatingin ako sa painting na nakasabit sa kulay light brown na pader. Mga prutas ang nakapaint. I'm sure nakita ko ito kagabi.
   
    Ah, naalala ko na. Kailangan kong umalis kasi malapit dito ang chamber ni Vincent. Mga dalawang pinto lang ang agwat. Naglakad ako nang mabilis pabalik sa dinaanan ko.
   
    I remembered na dalawang beses akong lumiko bago ko mahanap ang maliit na hagdanan. Iba iyon sa grand staircase kung saan nanggaling si Vincent kagabi.
   
    So, if I take this way ay isang beses lang akong liliko. Mahaba kasi ang daan na ito. Siguro nakaharap ito sa front yard kasi malalaking bintana ang nandito.
   
    Shit! I have no time. Kailangan ko ng magmadali. Hang on there. Huwag ka munang lalabas.
   
    Hindi ko na pinansin ang mga magagandang gamit basta lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang hagdanan. Yes, ang talino ko talaga.
   
    Nang makababa ako ay problema ko naman kung saan ko iyon hahanapin. Kaloka, ano'ng oras ba gumising ang mga maid dito? Wala rin akong nakikitang knight na pakalat kalat. Kung kailan ko kayo kailangan saka kayo 'di sisipot! Kagabi ang dami dami nila. Nakakalat sila rito sa first floor. Bawat pasilyo may nakabantay pero hindi nila ako pinapansin kaya naging madali para sa akin na marating ang main door.
   
    Mga bampira ba ang mga iyon? Nawala sila ngayong sumisikat na ang araw. Napailing ako. No, walang ganu'n dito.
   
    Inis na inis na ako at gusto ko ng magwala. Paano na? Lalabas na talaga siya. Hindi ko na kaya.
   
    Napaiyak na lang ako sa tuwa nang makakita ng isang maid. May dala-dala itong basket na mukhang mga labada at nakatalikod siya sa akin. Mabilis akong naglakad para abutan siya.
   
    Hinawakan ko ang damit niya. And you know what? Napasigaw siya. Nag-echo ang boses niya sa pasilyo. "Y-Young Lady?"
   
    Namumutla siya nang lingunin niya ako pero nang makilala ako ay tila nakahinga siya ng maluwag.
   
    Ano'ng akala niya sa akin multo? Well, kung ikaw ba naman biglang may hahawak sa damit mo nang ganitong kaaga, hindi ka matatakot? And mag-isa niya lang dito. Madilim pa sa side na ito kasi sa kabilang side sumisikat ang araw. 'Yung mga makakapal na kurtina ay nakaharang pa sa bintana.
   
    "Where. Is. The. Comfort. Room?" She looked scared. "Answer me! Nasaan? Hindi ko na kaya. Samahan mo ako."
   
    "Y-Yes, Young Lady." naglakad na siya pero nabagalan ako.
   
    "Ano ka ba? Pagong? Ang bagal mo namang maglakad! Lalabas na oy!" hinila ko na siya.
   
    Shit siya. Nato-torture na nga ako rito tapos siya pinaninindigan pa ang pagiging noble? Wala namang ibang tao rito para magpakanoble siya!
   
    Nakahinga ako nang maluwag nang mailabas ko na ang aking sama ng loob. Pinagpawisan ako nang malamig roon, ah. Ngiting tagumpay ako ngayon. Mahirap pala paglalabas na tapos wala kang mahanap na CR. Tubig pa 'yun tapos kumukulo siya sa tiyan ko kanina. Pasintabi sa mga kumakain diyan at paalala na hindi ako nakakain kahapon.
   
    "Do you know Elisse Forteza?" Natauhan siya at yumukod.
   
    "Yes, Young Lady. She's with us."
   
    "Then take me to her. I want to talk to Elisse." Seryoso kong utos habang naka-cross arms. I'm a spoiled brat, duh?
   
    "I'm sorry but Mr. Arvil called her this morning."
   
    Napatango-tango ako. Wait... Who the heck is Arvil? Who cares. Baka lover niya.
   
    "Then how about Harold Forteza? Where is he?"
   
    "As far as I know. The fourth squad went out with Lord Lorenz this morning." Ano? Ang aaga naman nilang gumising. Ano bang meron ngayon?
   
    "I see... Hmm, pwede mo ba akong samahan sa kitchen?" Wala akong mauutusang kumuha ng pagkain kaya ako na lang ang pupunta. Baka lasunin pa ako ng babaeng ito kapag siya ang inutusan ko.
   
    Napaangat siya ng tingin. "Pardon? But, Young Lady you are not allowed to enter the kitchen."
   
    Bawal din kasing pumasok ang mga babaeng noble sa kusina. Ewan ko kung bakit.
   
    But, that rule won't work on me.
   
    "I'm ordering no... Commanding you as the Young Lady of this duchy. You can't just disobey me because if you do you'll face your punishment. Understood?"
   
⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon