Efimia Silveria
"Kailangan mong dalhin ang mga ito." Inilapag ni Anashin ang limang scrolls sa lamesa na nagpakunot ng noo ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang maglalapag na walang pasabi at imik. Plus, isa siyang spirit na mukhang bangkay kaya medyo nakakatakot din.
"Para saan naman ang mga ito? Ew!" Agad kong nabitawan ang isang scroll kasi may alikabok. Dati kasi ay hindi ako kailanman nakahawak ng alikabok kasi for me marumi siya at makati sa ilong. I might get sick from it too. Mabuti na lang at well maintained ang bahay namin at pati na rin ang school kaya madalang lang akong makakita nito.
Napatikhim na lang ako nang titigan ako nang masama ni Anashin. She's still scary as hell for me to look at more than 10 seconds. Siguro kailangan ko pang sanayin ang sarili ko na makita at marinig ang boses niya araw-araw.
"Huwag ka ngang maarte pagkat ang mga scrolls na ito ay mahalaga para kay Master Emilia. Kaya bilang anak ni master ay pahalagahan mo rin ang mga ito,"
"If that's the case... what is these for?" Ipinunas ko sa dress ko ang alikabok kasi dumikit na ito sa daliri ko at medyo nakakairita. Sana hindi ako magkasakit. Ang hirap pa man din makabili ng gamot sa mundong ito.
"I can't tell you right now, master,"
"Why? Look... I need to know kasi malay ko ba kung explosive scrolls pala ang mga ito." yeah, it's dangerous na magdala ng explosive scrolls lalo na at hindi ko alam kung paano naa-activate.
"They're not but you have to take these with you, master. Darating ang panahon na magagamit mo ang mga scrolls na ito," napairap ako dahil sa pagpupumilit niya.
"Bakit hindi ba tayo pwedeng bumalik dito kung sakaling kailangan ko ang mga iyan? And wala akong bag. Ano? Bubuhatin ko 'yang scrolls papunta sa Mesmeinia? Haler, ang layo ng bansang iyon and look at my hands..." itinaas ko ang mga kamay ko para makita niyang maliit at hindi nito kayang buhatin ang limang scrolls. "They are small."
"Master, nakalimutan mo na ba ang sinabi ko kanina? Ang tanging paraan lang para marating ang lihim na silid na ito ay sa pamamagitan ng pader na iyon. Wala kang kasiguraduhan na makakabalik ka pa dito lalo na at wala kang mana at skill para makapag-teleport. As for your problem, mayroon namang bag si Master Emilia para sa paglalakbay."
Hindi na ako sumagot kasi wala naman akong masabi, e. Dapat sinabi niyang may bag na paglalagyan para hindi na ako nagsayang ng laway, tsk.
Pinagmasdan ko siyang naglakad — I mean lumutang papunta sa isang drawer at may kinuhang isang shoulder bag na malaki. Agad naman akong tumingin sa kuko ko nang pabalik na siya kasi hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng laway niya. Itim kasi ang kulay nito pero naglalaho rin na parang usok after 3 seconds once na tumulo ito sa sahig.
"Can you do something about your saliva? Seriously it's disgusting," tahimik naman niyang binuksan ang bag at inilagay nang maayos sa loob ang limang scrolls.
"None, master. This is what I looked like unless you change my appearance for me," tumaas ang isa kong kilay.
"What do you mean when I changed it for you? Ang taas naman ng expectation mo, Anashin. Wala akong mana and... uhmm it's your body naman kaya ikaw ang dapat magbago, noh." kaloka siya sa akin niya pa iaasa ang pagbabago ng appearance niya like do I have the power to change it? Nah.
"Master Emilia, created me like this and I cannot do anything about it. As my new master, you have the power to do so." heh, umasa ka sa wala. Kung nakikita mo lang ang itsura mo baka umiyak ka pa ng isang galon dahil hindi mo kayang tanggapin. Baka sisihin mo pa si Emilia, eh.
"So, what's our next plan? Hindi ba tayo aalis dito? I'm hungry you know." nabusog nga ako sa binigay ng Goddess pero nagugutom na naman ako, e. Nakakaubos kasi ng energy itong si Anashin kasi literal na maiihi ka sa takot kapag nakita mo siya. Since, she's the creation of my mother and I'm her new master, I have nothing to be scared of. Sanayan lang 'yan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Shameful Noble
Fantasy[ ON HOLD MUNA ] Reincarnated Series #1 "Art defines the mood and emotion of the creator." A soul from the human world reincarnated into a world where art is the most important. Isang sining na nabubuhay at siyang kapangyarihan ng creator nito. But...