Chapter 2: She's in danger

7K 333 51
                                    

Francho Silveria
   
    "Your Grace, gising na po ang Young Lady."
   
    "You may now leave."
   
    "Yes, Your Grace."
   
    I sighed at napasandal sa upuan. Hinilot ko aking sintido sa dami ng nakatambak na gawain.
   
    "Father, hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit niyo iniligtas ang batang iyon. Hindi siya karapat dapat na mabuhay,"
   
    "Lorenz, have some manners. Act like a noble will you?" I warned him. Hindi sa pinoprotektahan ko ang batang iyon but it can ruin his image as part of the high society.
   
    "Sure, father. But how can you explain what she said to you yesterday? Parang iba na siyang tao after killing herself,"
   
    "You know that child wants to get our attention. She used another trick to fool us so don't mind her and don't fall on her bait."
   
    "I won't but she keeps bothering me. Lahat ng mga maids dito ay siya ang bukambibig. Masakit na ang tenga ko."
   
    I looked at him. He's still busy drinking his wine. Nakatayo at nakatanaw siya sa labas ng bintana.
   
    After he took a sip he laughed like an idiot. "I'm sure she will beg for your mercy. Why don't you send her to House Rozell? I bet she will be pleased if we do that."
   
    "Well then, ikaw na ang bahala roon. I have some work to do." muli akong bumalik sa pagsusulat.
   
    "It's settled then. I will work on it, father. We can finally get rid of that useless child."
   
    Tsk.
   
ーーーーーー
   
Efimia Silveria
   
    Nakatulala lang ako buong araw. I refused to eat anything they serve. Baka naeengkanto lang ako rito obnananaginip lang ako.
   
    This green long and curly hair, lifeless saphirre eyes, and fair skin na halatang hindi nasisinagan ng araw. Kilala ko siya. Isa siya sa mga extra characters ng Reincarnated into a world where art matters.
   
    Efimia Silveria, ang anak ng duke sa yumaong duchess. Unfortunately, wala siyang kahit anong mana kaya hindi siya makaguhit. Even she tried, wala pa ring nangyayari kasi nanginginig ang mga kamay niya. Dahil doon itinapon siya ng duke noong 7 years old siya.
   
    Sa mundong ito, mahalaga ang art lalo na kung isa kang noble. Isang malaking kahihiyan kung hindi ka makahawak ng panulat o kahit anong pangguhit. Ang mga panulat kasi rito ay hindi ordinaryo dahil humihigop ito ng mana. Kung wala kang mana hindi ka makakahawak dahil tinatanggihan ka ng panulat. Katulad na lang ng ballpen na walang tinta.
   
    I can't believe na nasa loob ako ng manhwa at medyo nawiwirduhan ako kasi makulay ang mga buhok nila tulad ko. Great. Hindi kaya nababaliw lang ako?
   
    I remembered namatay ako. Pinatay ako ng kapatid ni mommy. Totoo bang nangyari iyon? Sabi sa akin ni mommy mababait ang mga kapatid niya. Pero bakit niya ginawa iyon? He killed me.
   
    Hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya. Pinatay ni daddy si mommy. Is it because of that leech? Hanggang ngayon ay hindi mawala ang galit ko. Iniwan niya ako sa napakalaking mansion na iyon and now ano'ng nangyari sa akin? I died and manang too.
   
    Kumuyom ang mga kamao ko. If naging kaluluwa ako at hindi napunta rito, I'll drag him to hell and I would not allow them to have a peaceful night. Araw-araw ko silang guguluhin hanggang sa mabaliw sila.
   
    "Young Lady, handa na po ang dinner niyo." I didn't bother to look at her.
   
    "Leave and take that with you."
   
    "But, Young Lady—"
   
    "Just leave!" This time tiningnan ko na siya na may matatalim na mga mata.
   
    I don't want to see any of them. I'm so frustrated dahil hindi ko alam kung paano ako napunta rito. I tried to stab myself awhile ago pero may humarang na liwanag na kulay ginto. May mga nakasulat ditong mga letra na hindi ko maintindihan. It's a magic circle na tinatawag nilang Mazico at kahit saang parte ng katawan ko ay nakaharang ito.
   
    Mukhang natakot ang maid dahil bigla siyang napayuko. "Y-Yes. I'm sorry." Then she left.
   
    Napahiga ako sa malambot na kama. Ang bedsheet ay kulay maroon na may mga gold linings. Makapal ito dahil malapit na ang winter season. Lumalamig na kasi ang paligid.
   
    Simple lang ang higaan dahil wala itong bubong 'yun bang pwedeng lagyan ng kurtina. Wala ring masyadong gamit si Efimia dahil hindi nga siya kinikilalang Silveria. Ayon sa kanila she's a disgrace of this family. A shameful one that each one of them insults her.
   
    I feel bad for Efimia. Her father is a duke pero kahit alahas or magagandang tela ay hindi sa kaniya ibinibigay. Lahat kasi ng damit, sapatos, kurtina, bedsheet at lamesa ay halatang gamit na at luma. Old fashion sabi nga nila. Malayong malayo ang suot ko sa mga nakita kong suot ng noble sa manhwa.
   
    Malaki ang pagkakaiba namin ni Efimia. Lahat kasi ng gusto ko ay ibinibigay sa akin ni daddy. Maituturing na akong spoiled brat. I feel superior sa mga teacher at kaklase ko dahil billionaire ang daddy ko.
   
    Actually sa amin 'yung pinapasukan kong school. Mahilig pa akong magpatalsik ng mga students na hindi ko gusto ang ugali or trip ko lang. Kaya nagagalit si mommy dahil sa ugali ko. But who cares? Basta nabubuhay ako sa kahit ano ang gustuhin ko.
   
    All of that ay hindi ko na magagawa ngayon. But I still have my attitude. Noble ba kamo? Hindi nila pwedeng turuan ang tulad kong modern girl. Mas matalino pa ako sa kanila. They are a bunch of stupid nobles. Ultimo maliit na bagay ay big deal na sa kanila. Tsk, nobility nga naman ay masyadong sensitive.
   
    Ah, gusto kong maglakad lakad muna sa labas. Baka hindi ko mapigilan at magwala ako rito. Mixed emotion na kasi ang nararamdaman ko kaya I want to refresh my mind for a bit. Hindi rin naman ako makakaganti sa daddy ko dahil hindi ito ang mortal world. Kahit umiyak pa ako ng dugo ay hindi na ako makakabalik dahil patay na rin ako roon.
   
    Right now, I am Efimia Silveria. Yes, natanggap ko na pero nandito pa rin 'yung pagtataka at pagkagulat. Who would think na ang tulad kong 17 na ay mare-reincarnate sa isang 12 years old? All of the characters ay bakit si Efimia pa?
   
    Si Efimia ay mamamatay sa edad na 15 pero hindi ko alam ang dahilan since isa siyang extra character. Dalawang beses lang siyang nabanggit sa manhwa noong itinanong siya ng king sa duke at noong nasa korte sila.
   
    Umupo ako at bumaba sa kama. I doubted that mahihirapan akong tumayo pero maayos akong nakalakad. What a relief. Akala ko baldado na ako. I can't believe this body were asleep for 2 years. Why did she killed herself? Walang natatandaan ang katawang ito so I don't have any clue. Except doon sa mga alaala kung saan binabato siya ng masasakit na salita. Poor her.
   
    Sumilip ako sa labas. Yes! Walang bantay. Well, they hate this child so why would they bother? Madilim na ang paligid dahil kita na ang maliwanag na buwan. Siguro mga 2 hours na ang lumipas noong pinaalis ko 'yung maid. Honestly, gutom na ako pero hindi muna ako magtitiwala. Baka kasi may poison 'yung pagkain knowing that ayaw nilang lahat kay Efimia.
   
    You know what? Naliligaw ako. Ang laki-laki ng mansion na ito or should I say palasyo na. Ang daming pasilyo at mga pinto. Nakakalito dahil pare-parehas naman ng itsura. Kanina pa ako palakad-lakad dito kaya naiinis na ako.
   
    Saan ba kasi ang exit? Hindi naman ako pwedeng tumalon sa bintana kasi nasa second floor ako. I don't want to die yet and I can't die anyway. Paepal kasi ang Mazico na 'yun, eh!
   
    "What are you doing here?" Parang galit at may pagbabanta ang boses nito.
   
    Napatigil ako nang makita ang isang lalaking may abong buhok at pulang mga mata. Kakabukas pa lang niya sa pinto probably narinig niya ang paglalakad ko. He's the second son next to Lorenz, Vincent Silveria. Nandito pala ang chamber niya.
   
    "What are you doing here?" He repeated.
   
    Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya.
   
    "Efimia!"
   
    Napapikit ako at galit na nilingon siya. "Huwag mo akong pakialaman kung saan man ako pumupunta. I don't even know you!"
   
    Dumilim ang ekspreyon niya at nilapitan ako. "How dare you talk back to me? Apologize and kneel!"
   
    Naramdaman kong tumaas ang dugo ko. Aba, maha-highblood yata ako sa batang ito. "Why would I do that? I'm not a dog!"
   
    "Yes, you are!"
   
    "No!"
   
    "Yes. You. Are!"
   
    Bakit ba ako nakikipag-away sa 14 years old na ito? God, ang hirap maging bansot dahil kailangan ko pa siyang tingalain.
   
    "Heh! Manigas ka diyan." You stupid child! Ano'ng akala mo sa akin uto-uto?
   
    Umalis na ako bago ko pa siya masipa. Sure akong magsusumbong siya sa nanay niya. Kapag nangyari 'yon ay makakatikim ako ng parusa na ayaw ko.
   
    Narinig ko na lang ang pagtawag niya sa pangalan ko — I mean ni Efimia pero hindi ako lumingon. Sa paglalakad ko ay hindi ko na naririnig ang boses niya. Mabuti naman.
   
    Ilang pasilyo na ang dinaanan ko bago ko marating itong napakalaking doubled door. Siguro ito na ang entrance. Gusto ko kasing pumunta sa garden. Nabasa ko sa manhwa na may fish pond ang mga Silveria. I want to see it especially may moon ngayon.
   
    When I was about to reach the door knob nang makarinig ako ng sigaw. "There she is! Catch her!"
   
    "That stupid brat! Bakit niya ako sinundan?"
   
    Napalingon ako at nakitang may mga kasamang knight si Vincent. Lima sila to be exact. Hindi na ako tumakbo pa kasi 'di hamak na mas malalaki ang hakbang ng mga ito. I can't run from them. Sure akong gagamit sila ng magic para mahuli ako.
   
    Kahit sa gabi ay nakaduty pa ang mga ito. Lalo na may mga assassin na ipinapadala tuwing gabi. They're wearing dark brown cape na may simbulo ng House Silveria, black gloves, heavy boots and an armor on their chest and some parts of their body. Fully equipped sila just incase may assassination na mangyari.
   
    Bumaba naman siya mula sa grand staircase and he's smirking at me.
   
    "Mother wants to talk to you. Lagot ka because she'll definitely kill you this time," Pananakot pa niya. See? Nagsumbong siya. Palibhasa sumbungero.
   
    "Send her to the duchess' chamber."
   
    "Yes, Young Master."
   
    Inirapan ko lang siya at sinundan ang mga knight papunta sa kwarto ng duchess. Tsk.
   
    Ah, I want to slap him too. Katulad ng gusto kong gawin sa daddy niya. The heck? Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang magkabila kong pisngi at medyo masakit pa. Bakat na bakat ang kamay ng duke. Curse that man.
   
ーーーーーー
   
Vincent Silveria
   
    What the? Totoo ba 'yung nakita ko? She just rolled her eyes! I've never seen her do that.
   
    It's been two years since she killed herself. At first, we are really happy but father came from the palace with the High Priest. We were so puzzled why would he bring back Efimia to life when she's completely useless.
   
    She changed. I can see her eyes na parang wala nang buhay ang mga iyon. They're cold and it's making me feel uncomfortable for a reason.
   
    Is it true that she lost her memory? And, her behavior changed too. She doesn't cling with me or bother me all day. Did she hate me? Or it's one of her act?
   
    I decided to follow them. Naghintay ako sa labas ng chamber ni ina. Nagulat ako nang makarinig ako ng sigawan at kasunod no'n ay ang pagkabasag ng ilang gamit.
   
    What's going on? Ano'ng ginagawa nila sa loob? I'm so curious. Pati ang mga knights ay nagtitinginan na parang nagtataka.
   
    After a couple of minutes, lumabas na si Efimia. Nagulat ako nang makitang may sugat ang kamay niya. I tried to touch her pero iniwas niya ito.
   
    She glared at me. "Don't ever touch me."
   
    Natahimik ako. Her voice were so cold and deadly na parang ibang tao na siya.
   
    Iniwan niya akong tulala ganoon din ang mga knights. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya.
   
    Napatingin ako sa loob at nakitang maraming nakakalat na nabasag na baso at vase. Habang si ina ay tulalang nakatayo.
   
    "Mother, are you okay?" Hindi siya nagsalita at malamig akong tiningnan.
   
    "Vincent, my son. I'm warning you. Don't ever get near to that child."
   
    I frowned. "Why? Did she do something to you?"
   
    Nakaramdan ako ng urge to hurt her. I never dared to hurt her physically but my mother is an another story.
   
    "No, she did not. Just remember what I've said, Vincent. Lumayo ka sa kaniya."
   
    That night I'm so curious as hell. Bakit sa akin sinabi ni mother iyon? May ginawa ba si Efimia na ikinagulat ni ina?
   
    Hindi ako nakatulog. I can see the black lines under my eyes nang tumingin ako sa salamin.
   
    "Young Master, naghihintay na po ang duke sa baba."
   
    Tumango lang ako matapos nila akong ayusan. Bumaba ako hanggang sa dining hall at naabutang nag-uusap si ama at Brother Lorenz.
   
    "Ah, Vincent. What happened to you? Hindi ka ba natulog?" Father noticed my eyebags. I can't hide it to him after all.
   
    "Yes, father. Last night I can't sleep. I think, I need a break from my training."
   
    "Is that so? Well then, do as you pleased."
   
    I started cutting the meat nang mapansin kong wala si ina.
   
    "Father, where's mother?"
   
    "She said she doesn't feel well. She'll join us on lunch time."
   
    Napatigil ako. I'm worried. What if she got sick?
   
    "What? May problema ba, Vincent?" Tanong ni kuya.
   
    Umiling ako sa tanong niya. "By the way, may I know what were you and father talking about?"
   
    "Hmm... We decided to send Efimia to House Rozell. Father, said I'll be taking care of it. So we assumed she will leave tomorrow."
   
    "Then?"
   
    "Oh my, what I mean is she will be engaged to Baron Rolan's youngest son," brother explained.
   
    My eyes grew wide. His youngest son? She's in grave danger.
   

⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon