Chapter 25: On their travel

1.8K 95 34
                                    

Efimia Silveria

Okay... Today is the big day! Ito ang unang araw ng aming paglalakbay papuntang Mesmeinia. They said, 5 days ang layo nito mula sa Fajilan Tribe. Si light chocolate boy raw ang nagkontak sa tito ko dahil siya mismo ang lumipad papunta roon and it took him only 2 days. I thanked him for that but still nandoon yung inis ko. Bakit hindi niya na lang ako hinintay na gumising at ilipad papunta roon. Mas mabilis at madali pa iyon kaysa sumakay ng karwahe. Nakakabadtrip naman!

Kahit ayaw kong sumakay sa karwahe ay wala akong choice dahil wala na akong pakpak para lumipad. I don’t know kung kakayanin ko ba ang torture nang pagsakay sa karwahe. Duh? Ang sakit kaya sa pwet! Nauuntog kasi yung pisngi ng pwet ko tuwing may nadadaanan ang karwahe na mga bato.

“Ouch! Kuya, ayusin niyo naman. May bata rito sa loob!” Sigaw ko nang mahulog ako mula sa upuan.

Naghingi naman nang sorry ang coachman. My God, grabeng parusa ito! Although, may foam naman yung upuan ng karwahe pero it’s not enough para mabawasan ang impact kasi hindi naman kalsada itong dinadaanan namin.

“Master, please sit on my lap para hindi ka na masaktan. Hindi ko po kayang makitang nasasaktan ang aking master.” Ay sana all na lang pero mariin akong tumanggi sa offer ni Shin na nakaupo sa harapan ko.

“No. I have to endure this para masanay ako. Carriage is common in this world so I have to adjust even it kills my butt.” Seryoso akong nakatingin kay Shin kaya napatango siya.

“I understand but if you need help... Master, nandito lang ako.”

Nandito lang ako... Napabuntong hininga ako. How I wish that when I need their help ay nandoon din sila. Si daddy ay masyadong subsob sa trabaho kaya wala na siyang time sa amin. Si mommy naman ay wala ring time at kung may time naman siya ay puro si daddy ang bukambibig niya.

Even I get everything I ask it’s still different from their love and attention. Why? Kung hindi lang sana sila ganoon ay wala sana ako rito sa loob ng manhwa at kasalukuyang naghihirap. It’s my fault... May chance na nga akong bumalik pero...

“Master? Are you okay? Bakit ka umiiyak?” Natauhan ako at napakunot noo. Lihim kong pinunasan ang luha ko sa kaliwang mata. What the F?

“Ako? Iiyak? Para saan? They don’t deserve my tears when they have no time for me but I still...”

“You missed them, right? Alam ko kung ano ang pinagdadaan mo master. Come, sit on my lap para mayakap kita.”

Napatigil ako sa paglalaro ng daliri ko at napaayos ng upo. “No, okay na ako rito. I can handle it.”

“Okay.”

Duh? Hindi ako baliw para maupo sa lap niya especially unti-unti nang nadedevelop ang kaniyang lower body. Baka kasi may maupuan akong ano, e. Tapos naaalog pa itong karwahe. Okay... Green minded na kung green minded. Who cares? It’s my decision anyway and my soul is older than this body.

“Miss, magtanghalian muna tayo bago magpatuloy sa paglalakbay.” Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang karwahe.

“Okay, wait for me.” Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Sinalubong naman ako nang masarap na amoy na nanggagaling mula sa inihanda nila sa aking pagkain.

“Wow! It looks delicious! Ano ito?” Ngiting tanong ko nang maupo sa silya na inihanda nila sa akin. Ang ganda pa ng scenery dahil nasa tapat kami ng malaking puno at mahangin pa.

Fresh na fresh kaya nakakaganang kumain because of the good atmosphere. Pero in fairness, may dala silang lamesa, upuan, at mga kitchen utensils. Pinaghandaan talaga, e. Mabait kaya ang tito ko? Grabe ang galante!

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon