Chapter 18: Name

2.5K 162 25
                                    

Efimia Silveria

Napamulat ako dahil nasisilaw ako. Una kong nakita ay apoy na medyo malapit sa akin tapos sa likuran nito ay si Anashin na may iniihaw na tatlong karne.

"The food is almost ready so please wait and relax, master." sabay tingin sa akin with his scary features.

Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin kay Anashin. Kung iba siguro ang nagising tapos ang una nilang makikita ay siya ay ewan ko na lang kung ano'ng mangyari. Dumagdag pa kasi na effect ang sinag ng apoy sa pulang mga mata niya, black aura, grey skin, thin body, at matutulis na ngipin. Ngayon ko lang napansin na palagi siyang nakangiti na parang ipinapakita ang mga ngipin niyang pang pating ang peg.

Anashin doesn't have a lower body kasi parang usok na iyong sa baba. Remember iyong blue na nilalang na nakatira sa lampara mula sa Aladdin? Parang ganoon ang itsura niya kaso mas nakakatakot then idagdag mo pa iyong buhok niyang mas gurang kaysa sa buhok ni Madara. I know that legendary shinobi, noh! Kahit hindi ako nanonood ng anime, I acknowledge his strength for fighting with all his might sa great ninja war. Palagi kasi siyang nadaan sa newsfeed ko noon with his greatest rival na si Hashirama. Yes, people are spoiler, tsk.

Tumihaya ako kasi sawa na akong titigan si Anashin pero napangiwi ako.

'Shit! Bakit ang sakit nang katawan ko? Nanghihina pa ako.'

Nanatili akong nakahiga dahil it's pointless kung susubukan kong umupo. I'm too weak to move my own body.

Napalingon ako kay Anashin habang iniihaw niya 'yung tatlong karne na amoy pa lang masarap na. Nilunok ko ang laway ko dahil natatakam na ako. Alam niyo ba 'yung amoy ng roasted chicken sa Chooks to go? Mas masarap pa 'yung amoy ng iniihaw ni Anashin. Nakakagutom tuloy.

"Anashin, matagal pa ba 'yan? Nangangayat na ako rito. Baka mamatay ako or matulad sa katawan mo sa pagkatakam ko diyan sa iniihaw mo."

"It's ready, master." lumapit siya sa akin. Tinulungan niya akong umupo saka ibigay ang stick kung saan nakatusok ang karne. "Palamigin niyo po muna iyan baka mapaso kayo."

I didn't listened to him dahil hinipan ko muna ito nang dalwang beses bago kagatin. I'm really hungry kaya hindi na ako nakapaghintay.

'Ang sarap!' Napapikit ako at napaiyak. Ang tagal kong hindi nakakain nang maayos dahil sa mga punyetang mga tao sa mansyon na iyon. Para akong bihag kung ituring! I'm just 12 years old for God sake!

"M-master? May problema po ba? Pangit po ba ang lasa?" Umiling ako.

"You know what, Anashin... ito lang ang pagkakataon na nakakain ako nang maayos at masarap beside sa ibinigay sa akin ng Goddess. What kind of meat is this?" Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at muling kumagat sa karne. The texture is beautiful and tasty too because it's well cooked.

"Rabbit." napatigil ako
at napalingon sa kaniya.

"Rabbit? What the fuck? Gusto mo ba akong mamatay? Baka may disease 'yung rabbit at maipasa pa sa akin!" Nakakunot noo ako ngayon at hindi alam kung masusuka ba ako o hindi.

"Master, rabbit meat is healthy than the other meat. It has high percentage of protein, minerals like potassium and calcium, vitamin B12, lowest percentage of fat, low in calories per pound, and cholesterol kaya there's no reason to be worried about. Saka huwag na po kayong maarte dahil makakatulong po iyan para magkaroon kayo nang lakas para sa ating paglalakbay." literal na napanganga ako.

Where did that came from? Fantasy manhwa ba talaga itong na-reincarnate-an ko? Bakit may pa-calcium calcium ek ek pa?

"Where did you get that knowledge? Seriously, nag-aaral ba kayo ng science rito? Lalo na ikaw na isang spirit at walang alam sa mundo kundi sundin lang at protektahan ang master mo?" Hindi ko alam na healthy pala ang rabbit meat pero hindi na dapat pa umabot sa puntong iyon. Para kasing sinampal niya ako nang reyalidad. Anashin knows it while I don't.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon