Chapter 7: Fight them

5.4K 268 22
                                    

Efimia Silveria
   
    "S-Sino ka?"
   
    Gumapang ako paantras. Naf-feel ko ang malakas na aura na nagmumula sa batang ito. Is she a ghost?
   
    Kung totoo man... Double shit talaga. I hate ghost kaya! Pero ibang usapan kung ako 'yung naging multo. Pinagpawisan ako ng malamig. Rinig na rinig ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko na parang sasabog na ito.
   
    Uh... Help?
   
    "Ikaw dapat ang tinatanong ko. Sino ka bang talaga?"
   
    Where is that voice coming from? Sino ako? Bakit niya ba tinatanong? Narito ba siya para isama ako sa kabilang buhay?
   
    Tiningnan ko siya pero 'di bumubuka ang bibig niya. Aside from her, wala na akong nakikita dahil para kaming nakalutang sa kadiliman. Napakatahimik. Ang katawan ko lang at siya ang nakikita ko.
   
    "Hindi ako naparito para sunduin ka at mas lalong hindi ako kaluluwa kung iyon ang inaakala mo."
   
    Ahhhh! Omg! Omg! Nakikipagcommunicate siya sa akin using telepathy! She can also read my mind!
   
    "Kung ganu'n sino ka? Isa ka bang espirito? O isa ka ring ilusyon gaya nila? Bakit mo ako dinala sa lugar na ito?"
   
    "Alin man sa sinabi mo'y walang katotohanan. Hindi rin ako ang nagdala sa'yo rito kundi ikaw mismo ang pumasok sa aking tahanan."
   
    What? Ano'ng pinagsasabi ng bata ito? Ako? Hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito. Ang alam ko lang ay nakatulog ako dahil sa sedative tapos parang ako pa 'yung sinisisi niya. Wow lang ha? Napakaseryoso naman niyang bata para sa edad niya.
   
    From head to toe, I think she's around 6 to 8 years old with white as in white skin and short sky blue hair. Nakasuot siya ng long black sleeveless dress na gulagulanit sa ibaba which is below the knee.
   
    Mayroon din siyang suot na gold belt, bracelet sa arm, wrist at maging sa kaniyang ankle. Napansin ko rin na may gold na diamond sa gitna ng noo niya at ang kaniyang katawan ay puros tattoo na 'di ko maintindihan ang design. Hindi naman sa nagmukha siyang drug addict infact she looks cool. Kulay ginto kasi iyon at kumikinang lalong lalo na ang mata niyang galaxies ang makikita mo rito.
   
    She looks like a ghost kasi sobrang puti nang balat niya tapos 'yung mukha niya parang wala itong buhay. Pero habang matagal kang nakatitig sa kaniya ay napapamangha ka na lang sa hitsura niya.
   
    Ang galing ng pagkakacreate sa kaniya ng nasa likod ng ilusyong ito. While I'm looking at her, an image pop up in my mind.
   
    A child with extraordinary built character from the manhwa. She's powerful enough to help the female lead to go back in time and save the crown prince.
   
    This child is...
   
    "Tama ka. Ako nga iyon, binibini."
   
    No, this can't be happening! Nasa harapan ko ngayon ang Bathala ng panahon. Si Dzayanara! May rumors sa manhwa na pagkatapos ng digmaan sa pagitan ng dalawang imperyo, hindi na siya nagpakita sa mga tao. Pili lang kasi ang mga pinapaboran niyang humihiling sa kaniya at isa na roon ang FL.
   
    That means... Napasinghap ako. They're real. Si mommy at daddy ay totoo. Dininig niya ang panalangin ko bago ako mawalan ng malay sa fish pond.
   
    Nanubig ang mga mata ko hanggang sa naiyak na ako. Nagsisisi ako dahil muli ko na naman sinaktan si mommy. Siya ang nasaktan nang sobra sa ginawa ni daddy. Nambabae siya. Nagdala siya ng kabit sa bahay kaya papaanong bati na sila kanina?
   
    Parang may kidlat na tumama sa akin para matauhan. Hindi ba patay na ako? Bakit ako nasa hospital? Walang pag-asang mabuhay ang taong nabaril sa ulo. Isa pa ang sabi ng kapatid ni mommy bago niya ako barilin ay pinatay ni daddy si mommy.
   
    Takte naman! Nauto na naman ako ng ilusyong ito. Pinapaikot ikot niya lang ako. Kung hindi gagana ang Plan A meron namang Plan B. Kaloka! Nasayang lang ang luha ko sa wala.
   
    Tumayo ako at pinunasan ang luha sa aking face. I crossed my arms. Yumuko ako ng bahagya para tingnan ang batang model kuno ng Bathala ng panahon. Bata rin ako pero she's younger than me and I'm taller than her. Baka ito na ang big boss at key para makaalis dito. Need ko lang siyang talunin.
   
    Ilang beses ko nang pinagdiinan na ilusyon lang ang lahat pero wala pa rin. Hindi ako makaalis kaya ang first method ay ekis. So, second method tayo that is fighting your opponent. But, I'll try talking to her first. Duh? Wala akong mana then hindi ako marunong sa martial arts. In short useless pa ako ngayon.
   
    "Aherm. You stupid motherfucker, paalisin mo ako rito kung hindi malalagot ka sa'kin. You wanna fight? Yeah? Then bring it on! Black belter yata ako."
   
    Ahhhh! Lies and lies! I never studied anything related about that. Confident ako kasi may mga taong pumoprotekta sa akin. Kapag may nagawa naman akong mali 'yung secretary ni daddy ang humahandle nu'n. Sana 'di niya i-take serious ang sinabi ko because it will be the end of me.
   
    I should pray for my ass! Kamukha pa naman niya 'yung Goddess of time and by any chance they share the same ability.
   
    "Palalagpasin ko ang iyong pang-iinsulto sa akin dahil alam kong naguguluhan ka lamang. Subalit kung patuloy kang magpapaalipin sa iyong bulok na pagkatao ay wala itong maidudulot na maganda sa iyong kapalaran."
   
    Napairap ako. "Alam mo bata, huwag mo na akong pangaralan! I'm tired! Pagod na ako! Gusto ko ng bumalik dahil hindi pa ako nakakakain! So, why not fight me? Nang matapos na!"
   
    Nakakagalit ang batang ito, geez. Mamaya maging manok na inihaw ang tingin ko sa kaniya. Alam kong imposibleng masaktan ko ang mga nilalang sa loob ng ilusyon kasi sila lang ang may kakayahang saktan ako.
   
    Hmm, pero fishy ang mga pangyayari. Diba hindi nila ako sinasaktan so... Ano'ng purpose? Bakit nasa loob ako ng ilusyon? Para ano? Alagaan or gawing baliw sa realidad ganurn?
   
    "Nais mong bumalik? O manatili bilang si Efimia?"
   
    "Aba. Tinatanong pa ba 'yan? Kaltuka kita, e. Edi bilang si Efimia! Ano pa ba?" Nakakainis ang face ng batang ito. Wala talaga siyang emotion.
   
    "Buo na ba ang iyong desisyon, binibini?"
   
    Seriously, ano'ng meron sa kaniya? Bakit ba parang kung magsalita siya ay madaling magbago ang desisyon ko? May pagpipilian pa ba ako? Sinagot ko lang siya ng totoo baka kasi 'yun iyong way para makaalis ako rito.
   
    "Ang iyong hiling ay masusunod. Subalit nasayang lang ang pagkakataon mo, binibini. Wala na akong magagawa pa sa iyong desisyon. Paalam."
   
    Habang nakatitig ako sa kaniya at naguguluhan ay unti-unti siyang naglalaho na parang particles.
   
    "Hoy, wait lang! Ano'ng ibig mong sabihin? Paki- explain!" Hindi niya ako pinansin hanggang sa naglaho siya ng tuluyan.
   
    Now what? She left! She dares to leave me behind! Ano'ng gagawin ko ngayon? Paano ako aalis dito? Magtatanong siya sa akin tapos aalis din pala siya? Bwisit.
   
    Napatingin ako sa inaapakan ko nang may puting liwanag na pa-box na linya ang sumulpot dito. Napakunot noo ako. Para saan ito? Aalis na sana ako nang bigla ako mahulog.
   
    Napasigaw ako.
   
    "Young lady! Binabangungot po kayo!" Napamulat ako at nakitang nakapatong ang kamay ng maid sa balikat ko.
   
    "S-Sino ka?" Hinihingal ako at pinagpapawisan ng malamig... Again."
   
    Nagcourtesy siya. "Ako po si Liliah Cyde. Inatasan po ako ng duke na bantayan kayo."
   
    Duke? I roamed my eyes. Hay, salamat naman at nakabalik na ako. Bangungot lang pala ang lahat. As usual ganoon pa rin ang ayos ng chamber ko. Walang pinagbago.
   
    Tinulungan niya akong maupo sa higaan. Napangiwi ako nang humapdi ang wrist ko.
   
    "Ano'ng nangyari sa akin? Bakit ako may sugat?" Wala akong maalala na nasugatan ako or worst naglaslas. I'm not yet out of my mind because I already tried. Sinubukan ko ng magpakamatay pero bwisit na Mazico 'yun. Paepal.
   
    "His Grace said that you need to take a rest first, Young Lady." She avoided my eyes.
   
    Napabuntong hininga ako. She's hiding it from me. Siguro inutos ng duke na itikom nila ang bibig tungkol sa'kin.
   
    "I'm tired. Call Elisse for me. I need to talk to her."
   
    "Young Lady, Ms. Elisse is out of town with Sir Harold."
   
    Together? Bakit magkasama sila? The knights and maids have different job. Sa akin nagtatrabaho si Elisse pero si Harold ay sa fourth squadron. Imposible namang pagsamahin ang magkapatid kung sakali mang may errand sa kanila.
   
    "When?"
   
    "Noong isang araw pa po." Ganoon katagal?
   
    "Liliah, tell me the truth. Do you want me to punish you? I know that you're lying."
   
    Yumuko lang siya. "I'm sorry but I can't disobey Hid Grace even if you're the Young Lady of Silveria Duchy."
   
    Hah! This is an insult for Efimia! I would not tolerate this kind of behavior! Even she's older than her!
   
    "I want you to slap your face 10 times each." Seryoso ako. Even if Efimia is a useless noble, I would fight for her rights! Anak siya ng duke and former duchess so she must be respected!
   
    "I beg your pardon?"
   
    "Hindi mo gets?"
   
    "Slap your face 10 times — Magkabilaan! Do I need to do it for you? I bet wala ka nang ihaharap bukas pag ako ang gumawa. So... Mamili ka, Liliah."
   
    Tumingin siya ng diretso sa akin and she smirked. Her black eyes turn into gold at lumakas ang aura niya. Then, black smokes appeared that surrounds her body.
   
    "Interesting."
   
    "What the heck is wrong with you?! Bingi ka ba? I said slap your face! Sundin mo ako!"
   
    Napatayo na ako and glared at her. Dinuro ko siya but she just tilted her head and smirked at me then she bit her lower lip. Ew! Ang creepy niya!
   
    "You're cute." Nagulat ako nang mawala siya sa harapan ko at bumulong sa tenga ko mula sa likuran. Nagawa pa niyang hipan ito bago maglaho.
   
    She just dared to teleport?! Saan naman nagpunta ang babaeng iyon? I swear gagawin kong bola ang boobs niyang malaki!
   
    First, she insulted me then teased me! Ano siya tomboy with pedophilia? Ang alam ko ginagawa lang 'yun ng mga lalaki. This body is just 12 years old for goodness sake!
   
    I need to find her and teach her a lesson. Naglakad ako papunta sa pinto with clenched fist and teeth. Oh, no. 'Di ako papayag na ginaganu'n ako. Kathlin won't accept it.
   
    Bubuksan ko sana ang pinto nang makita ko ang wrist ko na may benda. I just remembered na hindi ako tinatablan nang kahit ano dahil sa Mazico.
   
    Ano ba talaga ang nangyari? I was lost in my thoughts nang magbukas ang pinto.
   
    "Oh, finally you're awake."
   
    Tinaasan ko siya ng kilay. "What are you doing in my chamber, Vincent?"
   
    He closed the door and roamed his eyes. "Are you with someone?"
   
    Napakunot noo ako. "Are you blind? Ako lang nandito. Except to that maid named Liliah Cyde! Tumakas siya kaya kailangan ko siyang hanapin,"
   
    "Efimia, walang maid na nagtatrabaho dito na Liliah Cyde," diin niya.
   
    Napairap ako. He thinks I'm joking? Ano multo 'yung nakausap kanina ganurn? "Whatever! Just leave me alone. Move, hahanapin ko ang tampalasang iyon!"
   
    "What did she do to you, Efimia?" Bakit ba tanong siya ng tanong?
   
    "Bakit ko sasabihin sa'yo, ha? Let me remind you na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasugatan sa palad. All of you are the same. Pinagtutulungan ninyo akong lahat!" Sinigawan ko siya.
   
    "Hindi kita masisisi kung bakit ka nagkakaganiyan. But I just came here to help you. Here, take this bread instead," Napatitig ako sa inabot niyang brown wrapper.
   
    "Are you expecting me to eat that? Malay ko ba kung may lason 'yan."
   
    "Stop overthinking, Efimia. Naaawa lang ako sa'yo. Father said that you're not allowed to eat or even drink a drop of water for three days. Alam kong simula ng magising ka ay hindi ka na kumain or uminom man lang. Hindi ko nga alam kung saan mo nakukuha ang lakas at tapang mo."
   
    The duke is heartless. Bakit niya pinapahirapan si Efimia? Kung ayaw niya sa kaniya why not discard her? Ipatapon siya sa malayong lugar ganu'n. I'm sure safe siya sa countryside. But the problem is wala akong alam kung bakit namatay si Efimia. Posibleng dahil sa sakit o pinapatay siya.
   
    Hindi ako pwedeng umalis dito kung walang magpoprotekta sa'kin.
   
    "Water."
   
    "Ano?"
   
    "Baliw ka ba? I need water! Ang dinala mo lang ay tinapay pero walang tubig!"
   
    I grabbed the bread pero ayaw niya itong bitawan. Napakunot noo ako at sinamaan siya nang tingin.
   
    "Hands off. Nagbago ba isip mo? But I would not let go. Binigay mo na kaya akin 'yan." Kahit ano'ng hila ko ay ayaw talaga niyang bitawan. Nakatitig lang siya sa akin na parang may hinihintay.
   
    'Yung tinapay nalalamog! Shit siya. Nagiging mabait na ba ako kaya ang lakas ng loob niyang gawin ito?
   
    "I'll give this to you in one conditon... Tawagin mo akong brother or anything you like. Huwag lang sa pangalan ko."
   
    Napabuntong hininga ako. He's so childish at masyadong feeling close.
   
    "Fine," napangiti siya. "Hands off, dog."
   
⚘KishinRyumei
   
   

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon