Chapter 21: Restaurant

2.2K 133 13
                                    

Efimia Silveria

Nakakahiya! Hindi naman talaga dapat akong mahiya dahil bata pa ang katawan ko pero ang kaluluwa ko ay hindi! I was about to explain them why I have Shin's aura covering my body when my stomach churned. Literal na pinamulahan ako dahil I'm a grown up woman, noh! Hindi normal na kumulo ang tiyan ng isang babae sa harap ng maraming tao dahil kahihiyan iyon. Baka kasi isipin nila ay patay gutom ako.

"Master, are you okay? Your face is red." Shit! Huwag mo nga ipaalala dahil tatawa na naman si Azura!

Sinamaan ko ng tingin si Shin. "Don't mention it because it's embarrassing."

"As you wish, master."

Nanggigil ako nang marinig kong bumubungisngis si Azura. Napatigil ako at namaywang bago lingunin siya sa likuran at tinaasan ng kilay. Langya at nakakagat labi pa ang loko. "So, ano'ng nakakatawa, light chocolate boy? Hindi ba nakulo iyang tiyan mo kahit minsan, ha?"

Lalo pa siyang natawa at napahawak sa tiyan. Ano'ng trip nang isang ito? Sarap isubsob sa putikan, eh! Akala ko serious type siyang lalaki pero hindi ko alam na may side siyang ganito. Seriously, may sira na yata sa utak ito dahil kumulo lang ang tiyan ko halos ikamatay na niya katatawa. Tsk, it's not even funny!

Iyong pagkapahiya ko ay napapalitan ng inis dahil sa bwisit na lalaking ito. Somehow, naaalala ko sa kaniya iyong kapatid ni Elisse. Inis din kasi ako sa isang iyon, eh. Kamusta na kaya yun sa imperyo? Hays, dahil sa akin ay naipadala tuloy siya roon. Tsk, what if I didn't went out that day? Siguro hindi ako magkakaroon ng Winter Curse. Well, hindi ko naman pinagsisisihan ang ginawa ko dahil nag-eenjoy ako kung nasaan ako ngayon. Ang concern ko lang ay iyong mga taong naging malapit sa akin. I bet Harold is having a hard time since serving the empire is harder than in dukedom.

"Nandito na tayo." Napatingin naman ako sa itinuro ni Ayanne sa harapan namin. "This is one of the best restaurant here. Medyo may kamahalan nga lang ang mga sineserve nila but they cook well."

Hindi na lang ako nagsalita kasi baka barahin na naman niya ako. I wouldn't call it a restaurant since it looked like an inn from the outside. Hindi mo talaga aakalain na restaurant ito dahil wala ka talagang makikitang karatula or nagpapatunay na restaurant ang building.

Nevertheless, we followed Ayanne inside and took a sit. The restaurant looked high class talaga. Hindi ko expected iyon kasi I couldn't tell from the outside that this restaurant is well decorated inside. Mafe-feel mo talaga iyong medieval era sa loob dahil sa mga weapons na nakadisplay sa pader at mga antique furnitures. Idagdag mo pa ang suot na damit ng mga customer na mukhang mga noble.

May lumapit sa amin na babaeng may dalang mga papel and I think iyon ang menu. Binigyan niya kami isa-isa except for Shin kasi tumanggi siya. Humarap naman sa akin yung waitress at nag-bow saka ako nginitian nang pagkatamis tamis. Why the heck is she smiling? She's so creepy! Do I know her para ngitian niya ako? Mukha siya may gagawing masama, eh.

"Master, nakapili ka na ba?" Napalingon ako kay Shin na nakalutang sa tabi ko.

"Hindi pa kasi hindi ako makapag-focus." aish! I feel so uncomfortable dahil lahat ng mga tao rito ay nakatingin sa akin.

As usual iyong mga bata ay parang kumikislap na ang mga mata habang natitig sa mga pakpak ko. Yep, my wings are still with me. As much as I want to remove them but I couldn't. Hindi ko magawa dahil nahihirapan pa rin akong hanapin ang mana flow ko. Tsk, what a pain. Akala ko madali lang noong nabasa kong ginawa ito ng female lead, eh. Napakahirap pa lang gawin.

"Hmm, I'll just recommend you their best seller, Young Lady." sabay ngiti ni Azura habang nakapangalumbaba at nakatingin sa akin. Diniinan pa niya ang salitang "Young Lady" to annoy me. Why did he became my uncle's friend anyway? He's so out of the character. His feature doesn't match his personality although he looks hot. Psh, not that hot to shake my world because for me... mas mataas nang ilang porsiyento si Shin kahit na mukha siyang sabog woman with abs.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon