Prologue

10.8K 373 37
                                    

"How a shame. You can't even hold a pen or a brush properly."

"Sana nalaman ko ito nang maaga. It seems like you have no use."

"A noble? Hahahaha! That child can't even draw a straight line!"

"She can't even write her name. She's a disgrace of this family, mother."

"No! Please give me another chance! I-I'll do my best next time! I promise."

'What is this? Kanino ang mga alaala na ito? They're not mine. But, its piercing my heart. It hurts... Why?'

Those memories — Bakit ko ito nakikita? But, what is this feeling of loneliness? Parang unti-unti ako nitong nilalamon hanggang sa tuluyan akong malunod sa kadilimang walang katapusan.

May liwanag akong nakita na sumilaw sa mga mata ko hanggang sa makarinig ako ng mga salitang hindi ko maintindihan. Kakaibang lengwahe ito na ngayon ko lang narinig.

Sandali... Ano bang sinasabi niya? Isa pa ay binubulabog niya ako sa pagtulog ko! Umalis ka! Huwag mo akong gisingin kitang natutulog pa ako, e.

Hindi ko siya pinansin dahil una masarap ang tulog ko at pangalawa, I don't what she's talking about. Ngunit isang minuto ang lumipas ng himalang maintindihan ko ang sinasabi niya.

"Young Lady! Young Lady Efimia!"

Young Lady? Namulat ang mga mata ko at napakurap kurap. My eyesight were blurry kaya kinusot ko muna ito bago umupo.

"Young Lady! Maraming salamat kay Goddess Melian at muli kang nagising!"

Nang mag-adjust ang mga mata ko ay napalingon ako sa lady nang lady na parang sirang plaka. Kanina pa siya, ah.

"Who are you?" I looked at her. She's wearing a maid uniform. Hindi yung black and white na madalas makita sa mga movies kasi kulay beige white ang suot niya. Her clothes ay plain lang at walang masyadong design however, she wore a simple brooch na may logo. I'm not sure but it's familiar. Have I seen it before?

Nakatitig siya sa akin habang nakangiti at may nag-aalalang mga mata. I frowned. Do I know her? What is she doing in my room and with that outfit? Nagco-cosplay ba siya? Gosh, my eyes hurts! Gaano ba ako katagal natulog? Parang hindi ko kinakayang idilat ang mga mata ko kasi nasisilaw ako.

She smiled. "Young lady, hindi po talaga akong makapaniwala na nagising kayo! Akala ko tuluyan niyo na akong iniwan."

What the? She's completely ignoring my question! Saka sino ba siya?

"Excuse me? Who let you enter my room? Manang Rosilda! Manang!"

Nakakainis naman si manang! Sinabi ko na sa kaniyang huwag magpapasok sa kwarto ng hindi ko alam, e!

Argh! Walang sumagot sa akin so I tried to stand up but, I ended up on the floor. What is this? What the F is this?! Bakit hindi ako makatayo?

Mabilis na napalingon ako sa maid na umaalay sa akin makaupo sa higaan. "You! What did you do to me?!" I shouted while glaring at her.

"Manang! Palabasin niyo ang babaeng ito! Manang!" Nagsisigaw na ako pero hindi pa rin sumipot ang matandang 'yon. I swear kakalbuhin ko talaga siya!

"Young Lady! Please, hinaan niyo po ang boses niyo. The duchess might hurt you again!"

"Sino ka para utusan ako? Get lost! And don't touch me!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero mukhang ayaw niyang bitawan.

I don't get this woman. Who is she to touch me? Like the heck hindi kami close, noh! Saka ngayon ko pa lang siya nakita.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon