Chapter 20: Fajilan Tribe

2.2K 164 18
                                    

Efimia Silveria

Pinanlakihan ko ng mga mata ang mga batang nakatingin sa akin habang itinuturo ako. Kaso hindi sila natakot kasi lalo pa silang natuwa kaya napairap ako at tinalikuran sila. Naiinis ako kasi para kaming ipinaparada sa harap ng mga katutubo na ang layunin ay i-entertain sila. Mukha ba kaming nakakaaliw? Can't they see that we're caged?

Hindi ako nagbibiro dahil pagkapasok pa lang namin sa gate ay pinagkaguluhan na kami ng mga tao. Parang mga ignorante, tsk. Ngayon lang ba sila nakakita nang isang tulad kong magandang nilalang?

"Ang galing! Nakahuli si Ayanne nang isang taong ibon at masamang espirito!"

"Wow! Ang ganda niya kasing kulay ng buhok niya ang sagradong puno ng tribo natin!"

"Nakahuli na naman sila ng spirit, ina."

"Huwag kang mag-alala dahil mapupuksa iyon ng ating pinuno."

Iba't ibang kumento pa ang narinig ko tungkol sa amin. Seriously? Mga walang takot ba ang mga tao rito? Di man lang nakatakot or kinalabutan kay Shin na masama na yata ang mood. Kumapal kasi ang itim na aura niya at halos hindi ko na makita ang mukha niya. Poor him. He felt useless because he can't do anything to protect me.

I'm sorry boy, I'm weak too.

Isa pa itong tinatawag nilang Ayanne na nakakainis kasi para siyang isang bata na may dalang dalawang lobo. Yep, kami ang lobo dahil literal na nasa ere kami tapos yung kadena na nagsisilbing tali ay nakakonekta sa kaniyang Mazico. Iyon nga lang ay hindi bilog kasi square ang shape tapos nasa loob kami ng kaniyang "lobo". I swear it's not funny inside her cubes. Bukod sa nakakalula, we don't know kung bigla na lang niya kaming ilaglag or ihampas kung saan saan.

Napapakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis. Gusto kong makawala pero hindi ko magawa. Her cube's light is too powerful for me. Ganito ba ang feeling mga ibon? It's kinda tight and hard to move. Hindi rin nila kami naririnig pero naririnig namin sila. Ang unfair kasi halos mapaos na ako kakasigaw pero walang nangyayari.

Sinamaan ko na lang ng tingin si Ayanne at nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay napatingala siya.

"Behave. We're almost there."

Napairap ako. Wait and see ka lang, teh. Talagang sasabunutan kitang gaga ka. Gigil mo si ako, eh!

Dalawang kanto pa ang nilikuan namin hanggang sa makarating kami sa isang bahay na punong puno nang mga nakaukit na gintong letra sa pader nito. Para itong templo dahil sa mga nagagandahang disenyo lalong lalo na ang gintong pinto na may nakaukit na pakpak ng ibon sa gitna.

"Pinuno, narito po kami upang hingiin ang inyong tulong. May nadakip kaming isang batang babae na pinaglaruan nang isang masamang espirito." napantig ang tenga ko sa sinabi ni light chocolate boy. Tahimik siya kanina pero hindi ko akalain na masama pala ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Sinabi ko na nga sa inyo na hindi bad spirit si Shin because he's my guardian, light chocolate boy!" Pinaghahampas ko ang liwanag para mapansin niya ako. Gwapo sana kaso naiirita ako sa kaniya. How dare he treat Shin like that? Nagagalit ako kasi parang hindi nila nirerespeto ang art ng mommy ko!

Diba nga he was created by my mother's mana? So, nag-drawing muna siya bago bigyang buhay si Shin. Tapos sasabihin nila na siya ay bad spirit tapos biktima niya ako? Hay naku. Nakaka-high blood sila. Para silang mga boba na hindi nakakaintindi nang simpleng salita, tsk. Ano bang mahirap sa sinabi ko? Wala hindi ba?

Biglang bumukas ang pinto kaya pumasok na ang dalawa. Mabuti na lang at may kataasan ang pinto kundi ay sumagi na kami ni Shin. Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto at dumilim ang paligid. Ilang sandali ay umapoy ang mga sulo sa bawat sulok kaya lumiwanag kahit papaano sa loob.

Reincarnated as a Shameful NobleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon