Chapter 5

1.6K 64 9
                                    




Five.

Today is a normal day for a normal person like me.

A day without classes sucks if you have an unstable relationship with your parents or family. Pagagalitan ka kapag nakita kang nagpapahinga kahit na katatapos mo lang gumawa ng sandamakmak na gawain. Ipo-point-out ang mga flaws mo, e kasalanan ko bang gan'to ako? E, ito 'yong pinamana nila sa akin, e. Hindi naman ako magiging gan'to kung hindi dahil sa genes nila. Ang bobo lang.

I don't have an any idea on what to do this day. I'm bored.. but I won't do my schoolworks just because I'm bored.

Oo nga't mahalaga ang pag-aaral pero mas mahalaga ang sarili ko. Self-care muna dahil ayaw ko ma-stress sa pag-aaral.

"Ang dami ngang galit daw sa akin dahil partner kita sa activity na 'to," I heard my sister's voice. "Kasi 'di ba, malakas daw ang magiging hatak nito sa grades kung maganda ang performance natin dito..."

Napatingin muli ako kay Zavion at Elaine na abala sa kanilang ginagawa. Madalas si Zavion sa bahay para tapusin 'yong experimental nila. Nagsama talaga 'yong parehas grade conscious. Kaya nasasabihan sila ni Mama na bagay, e, dahil parehas sila ng personality.

P'wede naman silang dalawa... dahil parehas silang seryoso sa buhay. Parehas magdo-doctor. Parehas na sigurado sa future. Parehas mature. Parehas na priority ang pag-aaral. Pareho rin silang gusto ang kanilang ginagawa.

I always envy those kind of people. 'Yong sigurado sila sa kanilang pangarap at daang tinatahak, but then, I'm thinking that life is not a race. Kung hindi pa ako dumdating sa gano'ng punto, alam kong may tamang oras para sa akin. Hindi naman talaga dapat tayo nakikipagkarerahan sa ibang tao dahil iba't iba ang daang tinatahak nating lahat. Nasa oras 'yon at nasa tamang oppurtunity.

"Do you consider yourself lucky because I am your partner?" Zavion spoke suddenly, he asked her in his serious tone.

As far as I remember, I was in my room, enjoying my own company... but later on, I got bored so I went down. Naabutan ko sila rito na may ginagawa kaya nakinood na lang din ako habang pakunwaring nanonood ako ng TV rito sa sala.

"Yes. When I knew about it, alam kong pasado na ako," she answered happily.

"Ah," Zavion nods his head slowly. "Hindi ko talaga gusto 'yong mga taong kaya ako gusto maging partner para makapasa. Mga pabigat. Lagi kayong umaasa sa iba. Bakit hindi kayo kumilos para sa sarili niyo? Hindi 'yong kaya niyo pinakikisamahan 'yong ibang tao dahil sa benefits na nakukuha niyo."

Umawang ang aking labi sa narinig. Hindi ako makapaniwalang lumabas talaga sa bibig ni Zavion 'yon!

"N-no," Elaine stutters. "Hindi gano'n 'yong ibig kong sabihin–"

"Gumawa ka na lang para hindi ka maging pabigat. I-analyze mo 'to." Zavion spoke calmly.

My lips curved into a smirk. As I tried to look at my sister, her lips were shivering and her eyes were on their papers. Nawala 'yong sigla na nakaguhit sa kan'yang mga mata kanina. Bagsak ang kan'yang mga balikat. Tikom na tikom ang kan'yang bibig at mukhang wala nang balak pang magsalita muli pagkatapos marinig 'yon.

Maybe my sister expects that they're closer now since Zavion is her partner. Maybe she thinks that he treats her as his friend or something more whereas in fact, wala lang 'yon kay Zavion. For Zavion, everything is just for academic purposes only.

Awts, pain.

Because of that, I immediately dialed Margarette's number to tell her this chika. Hindi mapawi-pawi ang ngisi sa aking labi sa sobrang pagkasabik na sabihin sa kan'ya 'to. This was the first time I heard that someone belittled my sister's capability. Sanay siyang pinupuri... at sanay rin siyang tingin sa akin ay mababa, kaya minsan ay sinusumbat niya 'yon sa akin.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now