Chapter 23

1K 32 2
                                    




Twenty-three.

As I grow older, I realize that anything shouldn't be exposed to the world; the relationship that I had with someone, the pain that I've been through, the sadness that kept me awake at night. Nasa punto na ako ng buhay ko na gusto kong ako na lamang ang nakakaalam ng kung ano'ng mayro'n sa akin. I don't want another conflict. I don't want to explain my side anymore. I just want to enjoy the peace that I have. Nakamit ko 'yon nang itigil ko ang paghingi ng validation mula sa iba.

They say it's better to watch than to be watched. No one will judge you. Tahimik at payapa ang buhay dahil walang nakakaalam ng mga pangyayari sa iyong buhay.

"You're always leaving the house, Elvira. Akala mo ba hindi ko 'yon napapansin?" Ang striktang boses ni Mama ang nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag, hindi alam kung paano haharapin si Mama na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa, diretso ang titig sa akin.

"May kailangan lang pong asikasuhin, Ma," I took a deep sigh as I answered her straightly.

Pagak siyang natawa sa aking sinagot. "Ano 'yang kailangan mong asikasuhin? 'Yang lalaki mo? 'Yang pakikipagkita mo kay Zavion?" She said sarcastically. "O, dear, dumaan ka sa akin. Ako ang nag-anak sa 'yo kaya kahit ano'ng gawin mong pagtago sa ginagawa mo, alam na alam ko..." Her lips formed a sarcastic smile.

I breathe heavily. I don't know what's the big deal if I'm having fun. It was like they don't want me to be happy. Everything is big deal when it comes to me. Hindi na nga ako nagrereklamo kapag itinuturing nila akong parang hangin lang sa bahay na 'to. Halos wala na silang marinig sa akin kahit na minsan, hindi nila ako binibigyan ng allowance. I'm still lucky because I have my grandparents that will do everything for me. I actually don't need this kind of parents.

"Yes po, Ma, at sa pagkakaalam ko, wala naman pong masama sa ginagawa ko."

"Nauuna mo pa 'yang paglalandi kaysa ayusin 'yang pag-aaral mo! Hindi mo gayahin si Elaine—" Natampal ko ang aking noo dahil sa irita. Rinding-rindi na ako sa kakakumpara sa akin kay Elaine. Hindi ko matanggap... dahil ayaw ko rin naman maging kagaya niya.

"I'm doing fine. Maayos po ang records ko sa school," nababagot kong sagot. "Wala ka na po bang sasabihin? Aalis na po ako. Makikipagkita pa po ako kay Zavion," I said, bragging. "Si Zavion na hindi makuha ng paborito niyong anak kahit ano pa'ng gawin niyang pagpapakitang-gilas..." Ngumuso ako at pinitik ang aking daliri sa kawalan.

I walk confidently toward the door. Tinatantsa ko ang emosyon ni Mama dahil baka bigla na naman niya akong atakihin at saktan. Mabuti na lamang at madilim lang ang kan'yang ekspresyon, pinapanood ang aking bawat galaw. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglabas sa bahay.

Sometimes, I am wondering if Mama is being an attention seeker and she's seeking it from me since Elaine and Papa are always busy. Ako lang ang madalas niyang makita sa bahay. Si Ate naman, kung nasa bahay, nasa loob lang ng kan'yang silid at ayaw magpagulo. But I don't really get why she had to always use violence against me, why she had to hurt me physically every time she's frustrated with something. Sa akin niya ibinubuhos ang lahat ng galit niya sa mundo.

I shook my head to forget my thoughts. The weight in my chest faded away when I saw Zavion, leaning against his car while his hands are inside of his pockets. Napaayos siya sa kan'yang tayo nang maramdaman niya ang aking presensya. He scanned me for a while and cupped my face as if he was checking me.

"Bakit ka natagalan? May nangyari ba sa 'yo sa loob?" He gently asked.

I quickly shook my head. "Mama just asked me."

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now