Chapter 15

1.3K 43 9
                                    




Fifteen.

Life is about who you are with right now, not who you were once with. Kapag iniwan ka na, hayaan mo na 'yon. Mas bigyan mo ng pansin 'yong mga taong nanatili kaysa roon sa 'di ka naman pinahalagahan. Kapag alam mong hindi at wala ka namang kasalanan o dapat na pagsisihan, hayaan mo silang umalis— hayaan mo silang iwan ka... dahil sila naman ang nawalan.

Dapat alam mo pa rin kung gaano ka kahalaga, kung ano 'yong deserve mo. You should love yourself a little more whenever you feel bad about yourself.

Ew, hindi nila deserve 'yang panghahabol mo. They aren't worth your time. Ano man ang bagong parating sa 'yo ay mas maayos at mas mabuti pa kaysa sa nawalang 'yon.

I learnt my lesson. Now, I felt so low because of everything that I've did for Ambrielle. I felt so pathetic. I lower myself for him, and while thinking about it, it disgusts me.

"A, inggit! 'Di natapos 'yong assignment niya!" Asar ko kay Margarette. I showed her my work. Nanliit ang kan'yang mga mata nang mapansin niyang 'di pamilyar sa kan'ya ang sulat-kamay. "Dapat kasi alam mo kung ano ang dapat pina-priority! Acads muna, bago damdamin ang pagiging heartbroken!"

"That's not yours!"

"It's mine," I rolled my eyes. "It just happens that Zavion helped me doing this," my lips curved into a smirk, bragging.

"Yes, I recognized his handwriting," she answered shortly. "Pero gago, sana everyone!"

"I told you, you can ask for his help. Hindi naman gano'n kasungit si Zavion, ah! You're a liar!"

"Hindi ako si Elvira kaya hindi ako tutulungan no'n..." She said quietly.

"What? What about me?" My eyebrows furrowed. "At hindi naman siya picky when it comes to this! You are his friend!"

"I'm watching his moves, okay? Besides, kaya ko na 'to. Nagkataon lang na broken ako kaya wala akong gana gumawa," she heaved a sigh. "I'm glad he's doing his moves already," she added.

"I don't know what you're saying. Ano'ng moves?" I asked, confused.

"Ewan ko rin," she chuckled, not minding my question.

We didn't talk to each other after that because our professor came. I took down notes, highlighted some words for me to remember it, and listen carefully to our professor. There are times that Margarette is opening her mouth to talk with me. She keeps on telling me stories while our professor is lecturing in front. I released a long, deep sigh because I can't understand our lesson anymore.

"Sa ibang course, may narinig akong nag-sparring daw. Sinugod daw ng babae 'yong kabit ng boyfriend niya. Hindi ko maintindihan bakit hindi 'yong boyfriend nila 'yong dinidikdik nila. Nag-boyfriend sila ng manloloko tapos kapag niloko, lahat ng kasalanan, doon nila ibubuhos sa kabit?" Kuwento niya sa mahinang boses. "At ito pa ang matindi, binalikan ng babae 'yong boyfriend niya pero hindi niya tinigilan 'yong babae! She keeps on attacking the girl! The nerve! Kainis!"

"Saan mo na naman narinig 'yan?" Usisa ko.

"Narinig ko kanina sa wash room! Tapos ito pa—" I cut her off.

"Please, tama na kakadaldal, Margarette. Nagmamakaawa ako. Wala na akong maintindihan sa lessons," naiiyak kong saad.

Tinawanan lamang niya ako. Nanahimik siya saglit ngunit mayamaya ay nagdadaldal na naman siya ng kung ano-ano. Napailing na lamang ako. Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa harap at 'di ako nagpaakit sa mga dinadaldal ni Margarette hanggang sa matapos ang klase namin sa araw na 'yon.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now