Chapter 28

1K 23 1
                                    




Twenty-eight.

Whenever I see sunrises, I know that it's a new beginning for me.

Naalipungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. I used my blanket to protect me against the sunlight and shut my eyes tightly. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumangon agad ako nang magising ang aking diwa. I reached for my MacBook and quickly checked my emails for some updates. Inabot ko rin ang aking phone nang sunod-sunod ang tunog no'n dahil sa notifications.

Napangiti ako sa aking sarili nang makita ko kung ano dinumog sa aking instagram.

I posted a picture of Zavion while he's holding his heirloom cap. Sa sunod na slide no'n ay ang litrato naming dalawa na nakahalik siya sa aking noo. Ang pangtalong slide naman ay nakaakbay sa akin.

Ito 'yong graduation nila no'n at hanggang ngayon, dinudumog pa rin ang aking post.

"Arevallo, Seferino Zavion C., Summa Cum Laude..."

Sobrang tindi ng aking pagkapalakpak habang abot tainga ang aking mga ngiti. My eyes twinkled upon seeing my boyfriend, marching towards the stage to receive his award. His eyes darted to me. His lips formed a smile upon seeing me cheering for him.

Lately, we've been losing time to each other due to intense reviewing and I do really understand that. I may be an immature girlfriend sometimes, at least I still know the boundaries. It makes me really proud to be Zavion's girlfriend. Parang hindi ko deserve. Naalala ko pa noong graduation nila, ako 'yong maint point ng kan'yang speech.

I don't deserve that. It should be himself. All credits to his hard works.

"Good day, ladies and gentlemen," he cleared his throat and laughed. "First, I'd like to thank everyone because this wouldn't be possible without you. You know who you are. Thank you, really, from the bottom of my heart. Sa mga nasungitan ko noon, pasensya na rin. Hopefully there is no issue between us," he chuckled. "Sabi nila, huwag ka raw pumasok sa med school kung ayaw mong mamatay nang maaga. Yes, med school was really hard if you won't study hard. It's about being responsible, dedication, and being determined. Study smart and work hard," he said, smiling widely. "Naging tubig na ang kape sa atin. Wala ka nang pakialam sa sarili mo basta ba nagagawa mo 'yong dapat mong gawin sa araw na 'yon... kaya sa girlfriend ko, kay Elvira, na lagi akong nire-remind kapag nakakalimutan ko nang alagaan sarili ko..." his eyes darted on me. "Baby, salamat. Thank you for being always there, for trying your best to understanding my chaotic thoughts and mood, for being patient whenever I get grumpy because I was lack of sleep. Elvira, I know you're listening there and crying... but please always remember that I love you, so, so much."

He had a long speech. Marami pa siyang sinabi roon. He thanked God and told there that all of his hard works was for his Mother. Everyone was amazed as they listened to Zavion while speaking. He talks smartly and accurately. Kahit sina Lolo na katabi ko noong araw na 'yon ay manghang-mangha sa kan'ya.

I've never been this happy in my entire life. Ang bawat araw kasama si Zavion ay sobrang saya. Parang ako 'yong nagpalaki at gumastos kay Zavion dahil sa tindi ng aking iyak habang pinapanood siyang nagbibigay ng kan'yang mensahe sa lahat ng nakikinig. Ang daming nanonood. Nasa sa kan'ya ang buong atensyon ng lahat. Kanina pa ako pahid nang pahid ng luha habang nakatitig sa kan'ya.

I took a quick shower because I decided to go to the mall because I had to buy my basic necessities. Hindi ko na inabala pa si Zavion at t-in-ext na lang sa kan'ya ang aking plano.

"You're going out, Elvi?" Zavion called me the moment he received my text.

"May bibilhin lang ako."

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now