Chapter 29

1.1K 30 7
                                    




Twenty-nine.

There was a lady who used to live inside the cold dark room, traumatized with everything, unable to move her body because of emptiness, and wished every night about her death so that she wouldn't have to suffer anymore.

And that was me.

Nando'n na ako, e. Nando'n na ako sa prosesong 'yon. Nando'n na ako sa nahanap ko na 'yong init at kapayapaan sa malamig at madilim kong silid. Nando'n na ako sa nalalagpasan ko na ang lahat ng traumas ko. Nando'n na ako sa prosesong unti-unti na ulit binabalot ng pagmamahal at saya ang aking dibdib. Nando'n na ako, e... nando'n na ako sa nakikita ko na kung gaano kaganda ang mundo kaya natuto ulit akong matakot sa kamatayan.

Ngunit bakit naman ganito? Bakit ako ibabalik ulit sa gano'ng yugto ng buhay?

Sawang-sawa na ako. Takot na takot na ako. Pagod na pagod na ako at hindi ko na kaya. Ayaw ko nang bumalik sa gano'ng buhay. Nakaka-trauma. Nakakatakot.

"A-ambrielle..." My voice trembled in fear.

Si Ambrielle 'yong kanina pang sumusunod sa akin. Siya 'yong kanina ko pang nararamdaman na para bang pinapanood ang aking bawat galaw.

He cornered me in the dark place. There is no street light here. Dahan-dahan ang kaniyang lakad papunta sa akin. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa sa panghihina at takot.

Nakakakilabot ang paraan ng kan'yang pagngisi at kung paano niya ako tingnan. His eyes were bloodshot, eyelids were swollen— looks like he smoked cannabis.

Alam ko na, noon pa, na gumagamit siya ng marijuana. Mayroon siya no'n palagi sa kan'yang wallet. He's also a seller of it. Sabi niya sa akin no'ng naging kami, tumigil na siya sa paggamit no'n... ngunit hindi ko alam, na hanggang ngayon, nagwe-weeds pa rin siya.

"Puta, ang ganda mo talaga, Elvira..." Tumigil siya sa aking harap. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Nakakapanghinayang talaga na pinakawalan pa kita no'n. Ngayon... si Zavion ang nakikinabang sa kung ano ang dapat sa akin. I was the original owner of you. Putanginang Zavion 'yon..." Nanggigil niyang sambit.

"A-anong binabalak mo?" I stammered. "Bakit kanina mo pa ako s-sinusundan?"

Naging sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. Ayaw ko man ipakita ang kahinaan ko sa kan'ya, nabigo ako dahil binalot ng takot ang aking buong sistema. Seeing Ambrielle in front me, and knowing that we're alone in this quiet place, where no one's around... sapat na 'yon para mangamba ako.

"Hindi mo ba na alam na haggang ngayon ay pinagpapantasyahan pa rin kita? Hmm?" His hand went down to my thigh. Nanindig ang aking mga balahibo pero tangina... wala akong lakas para ilaban ang sarili ko. Wala akong magawa dahil wala na akong matakbuhan. Mahigpit ang hawak niya sa akin... tipong ayaw akong pakawalan.

Takot na takot na ako.

"Ambrielle, please don't be like this," nanginginig ang boses ko. "Zavion might kill you! Stop what you're doing. Maghunos-dili ka!" Iniwas ko ang aking hita nang haplusin niya muli 'yon.

"I don't care about that stupid boyfriend of yours! Don't mention his name!" His voice thundered. "Alam mo, galit na galit talaga ako sa Zavion na 'yan. Matagal ko nang gustong gawin 'to kaso laging nakabantay 'yang gago na 'yan!"

"Ambrielle naman. Nagmamakaawa ako... h'wag mong gawin sa akin 'to..." umiiyak kong sinabi. "Pakawalan mo na 'ko, please..."

"Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa..." His lips formed a smirk. His bloodshot eyes darted to my chest. "Patikim ulit, Elvira."

Mabilis akong umiling. "No! Pakawalan mo ako!" Pilit akong nagpupumiglas sa kan'yang hawak ngunit mas'yado siyang malakas.

Nagimbal ang aking buong pagkatao nang bigla na lamang niyang sinuntok nang malakas ang aking tiyan upang matahimik ako. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at parang tumigil sa pagtibok ang aking puso. Malakas ang naging puwersa no'n, dahilan kung bakit halos naubusan ako ng lakas.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now