00

8 3 0
                                    


𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆 𝐀-𝐀𝐒𝐒𝐔𝐌𝐄 𝐊𝐔𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆 𝐁𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐎𝐓𝐈𝐁𝐎.

Sino nga ba naman ang hindi kikiligin, kung ang taong gusto mo, ay nakakausap mo? I'm Kly a Humss 12 student. Madaming crush, pero meron talagang nag iisa sa lahat. Alam n'yo ba ang feeling na. Na attract ka sa isang tao dahil may katangian s'ya na nagustuhan mo. Pero at the end of the day, may isa talaga na kahit anong gawin mo, hindi maalis sa sistema mo.

“This is not exactly a love story, sa kan'ya siguro hindi, pero sa kaibigan ko? Oo,” Nilakihan ko ng tingin si Kaster nang biglang sumulpot sa introduction ko.

“Cyst, pang 15 na take ko na ito,” angal ko sa kan'ya na para bang bata na inagawan ng candy.

“Panget naman ng content mo, mahal ka ba?” pang aasar ni Kaster.

“Hmm, pinaparamdan n'ya sakin na importante ako sa kanya,” kinikilig na wika ko.

“Are you kidding me? My point is, mahal ka ba?"  pag uulit nito.

Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ko. Kahit ilang beses akong tanungin sa bagay na ‘yan ay hindi ko masagot ng tama at diretso.

“Babe, libre kita ng siomai. Gusto mo?” Abot ngiti ko na tiningnan si David. Aaminin ko kinikilig ako, ikaw ba naman ang tawaging “Babe” ng crush mo.

I love the way he hold my hand. Sobrang ingat ng pag kakahawak n'ya sa akin. Ganun na ang routine namin pag mag kikita kami. Sa chat, sa personal. Masisisi mo ba ako kung bibigyan ko ng malisya lahat ng mga bagay na ‘yon galing sa kan'ya?

“Mr Rodriguez, come here in front. Base on your own understanding, ano ang  mga alalm mo sa stage ng pagbibinata.” Seryosong tanong ng Teacher namin.

“Hmm, siguro po. Kasama na rin dun ang pag pasok sa isang relationship. 'Yung pagkakaroon ng mga crushes.”  natatawa na sambit nito.

Nag simula na ang tuksuhin sa room, may naka tingin sa akin na para bang tinutukso ako gamit ang mga mata nila. Hindi ko naman mapigilan ang kilig.

“So, Mr. Rodriguez sino ba ang nagugustuhan mo?” tanong ng Teacher namin na s'ya namang nag palakas ng sigawan sa room namin.

“Actually may nililgawan po ako,” nahihiya na wika nito. Bahagya napa kunot ang noo ko. Ako ba ‘yon?  Ako naman siguro ‘yon, dahil ang sweet n‘ya sakin.

“Kly, ikaw ba yon?" tanong ng kung sino sa likod ko, hindi ko na ito binigyan ng oras para lingunin.

“Si Kayleigh po, ‘yung Yes-O President.” pag papatuloy nito.

Naguguluhan ako, ni hindi ko ma ikisap ang mga mata ko.

“Gago ka pala! sobrang sweet mo sa kaibigan ko tapos may ibang nililigawan ka pala!”

Sumigaw si Kaster mula sa tabi ko, Hindi ko alam kung bakit nakatayo na din ako. Hindi ko alam, sa sobrang sakit nag mamanhid na ako.

“Importante sakin Kly, bilang kaibigan. Hanggang doon lang kami. Sweet naman talaga akong tao, and I'm sorry for that.”

“Tama na, umupo ang lahat!”

Nanatiling boses lang ng Teacher namin ang maririnig. Ngunit hindi naka takas sa pandinig ko ang mga bulong-bulungan. Para akong lantang gulay na hinila ni Kaster pa upo.

“Lesson ito Kly, hindi lahat ng pinapakitang sweet na gesture ay dahil mahal ka or gusto ka.”

-

Happy reading ❤️

Plagiarism is a crime.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now