𝐖𝐇𝐎 𝐇𝐔𝐑𝐓 𝐘𝐎𝐔?

10 2 0
                                    

"Angel! bilisan mo nandito na si Dustin yung crush ko." Sigaw ko kay Angel na ngayon ay nasa likuran ko.

"A-Ano ba?" hingal na sambit nito. Nakangiti ko na tinanaw si Dustin. Ang gwapo n'ya talaga since junior high gustong gusto ko na s'ya naalala ko nung sinayaw n'ya ako sa glam in jeans party.

"Ito na naman tayo, Required ba talaga na araw araw kailangan na sundan natin s'ya?" Naiinis na tanong nito.

"Alam mo ba kahapon nakasabay ko s'ya sa jeep. Tapos nilibre n'ya ako ng pamasahe myghad nakakahiya. Kailangan ko bumawi ngayon sa kaniya." Histerikal na sambit ko. Napamaang na lamang ito sa akin.

Hindi naman masama humanga diba? Lahat nang gusto ko sa isang lalaki na sa kanya na. Matalino, gwapo, mabait, naalala ko pa nga noong mga bata kami. Pag may nambubully sakin ready to rescue si Dustin.

"Ariella tingnan mo," awtimatiko na napataas ang kilay ko nang biglang may babae na tumabi sa kanya.

Naglakad ako palapit sa mga ito para sana kausapin si Dustin pero bigla akong hinatak pabalik ni Angel. "Beh ano ba, kakausapin ko lang naman," garalgal na sambit ko.

Nanatili s'yang nakatingin sa akin na para bang pinag aaralan ang emosyon na pinapakita ko. "Bitawan mo ako kakausapin ko lang naman si Dustin. Itatanong ko lang kung sino 'yung babae na kasama n'ya," naiiyak na sambit ko.

"Ariella, natatakot na ako sayo. Baliw ka ba? bakit ka agad susugod?" sunod sunod na tanong nito.

"Hindi ako baliw, ganito lang talaga ako mag kagusto Angel. Para namang hindi mo pa ako kilala." Pagpapaliwanag ko.

"Tara na sa room Ariella, madami nang nakatingin sa atin." Mabilis nito akong hinihila pero hindi ako nag patinag. Inalis ko ang pag kakahawak nito sa kamay ko.

Agad akong lumapit kina Dustin na ngayon ay nakabaling na rin ang atensyon sa amin. "Hello Dustin, sino 'yang kasama mo?" walang alinlangan na tanong ko. Tinaasan ko ng kilay ang babae na kasama nito.

"Hi Ariella, btw this is Shanie my girlfriend." Nakangiti na sambit nito. Napawi ang ngiti na kanina lamang ay naipakita ko. Inosenteng ngumit sakin si Shannie.

"Dustin bakit ka may girlfriend?" garalgal na tanong ko. Nagulat ito sa inasta ko, pero hindi makakatakas ang mga tawanan sa paligid.

"Sorry Dustin, kakausapin ko muna si Ariella." Biglang sumulpot si Angel sa tabi ko at hinawakan ang siko ko. Pinanlakihan ko naman ito ng mata.

"Kinakausap ko pa si Dustin." naiiyak na sambit ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Hindi ko na din alam ang kinikilos ko basta ang nasa isip ko dapat ako 'yun. Akala ko lahat ng kabaitan na binibigay n'ya sakin may pag asa para samin.

May kung anong binulong si Dustin sa girlfriend n'ya at muling bumaling sa akin."Ariella pwede tayong mag usap?" tanong nito.

Parang may paru paru sa tyan ang naramdaman ko. Gusto n'ya siguro akong makausap para malinaw 'yung nararamdaman nya para sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa iniisip ko.

"Ariella, may gusto akong linawin sayo. Hindi ko alam kung bakit ganun ang inasta mo sa akin kanina pero... May gusto ka ba sakin?" tanong nito.

"Matagal na kitang gusto Dustin. Hihiwalayan mo ba ang girlfriend mo kasi gusto mo din ako?" masayang sambit ko.

"No, hindi kita gusto Ariella. Tinuring na kita kapatid, hanggang doon nalang 'yun."

Nanlumo ako sa sinasabi nito. Hindi ko narin mapigilan ang nararamdaman ko. Humawak ako sa puno na malapit samin para makatayo ako ng ayos.

"I hate you Dustin, sinaktan mo ako."

"No Ariella hindi kita sinaktan, ikaw mismo ang nanakit sa sarili mo. Hindi lahat ng bagay dapat bigyan ng meaning. Grow up, hindi na tayo bata. Hindi ako nag pahiwatig sayo, sadyang ganun lang ako sayo dahil tinuring na kitang kaibigan. Then now tell me, who hurt you?

"My own expectations." I murmured.

-
Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant