𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐀𝐓𝐄𝐒

7 2 0
                                    

“Rosemalyn, tingnan mo ang nasa gilid ng bag mo. H'wag mong iinumin,  ihi yan nilagay ni Gavin.” Sigaw ni  Elora. Christmas party namin ngayon pero halip na masaya ako na bu-buwisit ako. Sino ba namang tarantado ang mag lalagay ng ihi sa bote ng coke at ilalagay sa bag ko.

“Inumin mo Rosemalyn, try mo kung masarap,” ani niya sabay tawa.

Inihagis ko sa kaniya ang bote sa sobrang galit ko at hindi mapigilan ang pag luha. Ano bang mali sakin, bakit ginaganyan niya ako pero sa iba naman hindi. Tumingin lamang ito sa akin at lumabas ng pinto sabay hagis ng bote sa basurahan. 

After ng Christmas party sumunod naman ang prom ang pinaka hihintay nang lahat. Walang maliw ang saya ng mga kaklase ko. Syempre minsan lang ito mangyari  sa buhay ng tao. Pero ako, hindi man lang ako excited. Sure na bangko lang ako doon pero kaylangan ko parin umattend para sa grades.

“Rm, h'wag kang aalis diyan. Isang sayaw lang ito.”  Pag papalaam ni Elora at tumayo habang hawak ang kamay ng crush niya. At syempre ang ganap ko dito naka upo lang kung hindi lang talaga para sa grades matutulog na lang ako.

Nakita ko ang crush ko na palapit sa puwesto ko, pero inabot niya ang kamay niya sa katabi ko. Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi nalang ako umattend. Napalingon sa kanang bahagi ko, nakatayo si Gavin at nakalahad ang kamay.

“Ayoko,” ani ko sa kanya. Tumaas lang ang kilay nito at nag sunod sunod na ang mga ingay ng mga kaklase namin.

“Ay wow ang arte mo dzaii, ikaw na nga isasayaw.”

“Potek ang kapal ng peslak ghorl, isasayaw na nga choosy pa.”

Hindi nag tagal ay tinangap ko na ang kamay nito. Habang sumasayaw kami feeling ko nag iba ang paligid. Iba lang sa pakiramdam nanginnginig na din ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa kinakabahan ako o di kaya ay sa matinding galit ko sa lalaking ito.

“The more you hate, the more you love.” Nagsimula na ang mga pang aasar ng mga kaklase ko sa pangunguna ni Elora. Katatapos lang nang prom night namin noong Sabado. Pero hindi parin sila maka move on.

“Oh Rm, ayan na si Gavin!” Sigaw ng baklang kaklase namin. Tiningnan ko si Gavin na ngayo'y nakatingin sa akin habang papasok ng room namin. Ewan ko ba sa lalaki na i yan hindi ko alam ang liko ng bituka nag buhol buhol na yata.

Naiinis ako sa kaniya, napaka pasaway niya. Hindi siya katulad ng mga lalaking active sa klase. Active pa siya sa mga kalokohan. Pero hindi nag tagal naging mag kaibigan kami mabait naman pala siya. Naging bully kasi nadala lang ng barkada.

Nakapag tapos kami ng high school nang mag kaibigan kami. Umabot sa puntong nagugustuhan ko na siya. Lagi ko siyang hinahanap sa school. Pag may problema siya sa pag ibig ako lagi ang takbuhan niya. Nakita ko din siya umiyak dahil sa isang babae. Pero laging kong hinihiling na sana ako nalang.

“Rm!” Napalingon ako sa likod ko. Kapapasok ko pa lamang sa gate ng school. Late na din ako, graduating pa naman ako ng Senior High.

“Sabay na tayo umakyat,”  masayang wika ni Elora.

Habang nag lalakad kami sa pasilyo lalong dumarami ang mga estudyante sa labas. May mga estudyanteng nag kukumpulan at nag tatawag pa ng kapwa estudyante. May nakita ako may mga hawak na pulang loob at banner.

“Can you be my Girlfriend?”

Ang boses na iyon... Hindi ako pwedeng mag kamali si Gavin iyon. Nag madali akong sumingit sa mga estudyante na naka palibot. Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Ang taong pinaka aayaw ko at hindi nag tagal ay nagustuhan ko.

“Bella..”

“Yes Gavin!”

Nag simula nang maghiyawan ang mga seniors. Ang iba ay natutulakan pa sa sobrang kilig. Dumapo ang paningin ni Gavin sa akin habang nakayakap kay Bella. Nginitian ko lamang ito at tumalikod . Nag simula na akong mag lakad papunta sa kabilang hagdan. Para akong extra kung dadaan ako doon. Pero ang saket, sana...

Sana ako nalang Gavin.

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now