Papel

15 2 0
                                    

"SANDALEEEEEEEE!"

"ANO BA ISA ISA LANGGGG!"

Halos maubo na ako sa pagsigaw dahil sa napaka gulo nila. Halo halo na din ang mga amoy pawis at putok ng mga kaklase ko.

"Bilisan mo Wezt, magsisimula na."

"Wezt ako muna mag re-review pa ako."

"Wezt isa pa daw—

Halos mapasabunot ako sa ulo ko sa sobrang gulo nila. Isa isa kong pinilas ang  Intermediate paper.

" Wezt, pahingi daw si kaiden." Sigaw ni Trisha na kaklase ko. Pinilit kong dinungaw si Kaiden na relax na nakaupo. Sa sobrang kilig ko hindi ko na alam kung ilang pilas ang naibigay ko.

"Yoc Wezt, halatang may peyboritisim ka no?" Inirapan ko na lamang ang kaklase ko sa sobrang kuda nito.

"Hoy Wezt!" Isang sigaw ang nag patigil sa pamimigay ko ng papel. Nakita ko si Zariyah na kagat kagat ang stick ng fishball at tulala nakatingin sa hawak kong intermediate.

"Bakit mo pinamigay, papel ko yan." Nagwawalang sambit nito habang may pag tadyak pa ng paa.

Napakamot naman ako sa ulo at pa simpleng tumingin kay Kaiden na crush ko. Mapapahiya pa yata ako.

"Hayaan mo na bes, ililbre nalang kita mamaya ng siomai sa labasan." Pag papagaan ko sa loob nito. Inismiran lamang ako nito at tinuloy ang pag tuhog ng fishball.

"Be?"

"Hmm?"

"Penge isang pilas nand'yan na si Ma'am."

Tiningnan lamang ako nito at nginisian.  "Bumili ka gago!" Sigaw nito at lumipat ng upuan.

Nakita ko naman na dinilaan ako ni Trisha na para bang nang aasar pa habang winawagayway ang papel na hinihingi n'ya kanina.

"Pashnea ako pa nawalan."

-
Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now