ANG BABAE SA LOOB NG TUKADOR NI LOLA.

10 3 0
                                    


Malapit na naman sumapit ang dapit hapon, gusto ko makita ang pag lubog ng araw pero madaming inuutos sa akin si lola.

“Aesia! ang mga plato nahugasan mo na ba? Hindi ka parin nagdidilig ng mga halaman sa labas, mag ga-gabi na,” sermon sa akin ni lola.

Umalis ang mga magulang ko papuntang Bulacan, kaya kami lamang ni lola ang narito sa bahay. Hindi naman kami mayaman, ang bahay namin ay mula pa sa aming mga ninuno sa panahon pa ng mga hapon. Ngunit ang mga gamit na makikita mo rito ay puro antigo ay hindi madaling masira.

“Aesiaaaa! oy alam mo ba nakita ko ang crush mo doon sa basketball court!” napapitlag ako ng biglang may sumulpot sa likuran ko ang nagtatalak.

Si Lera, ang kaibigan ko. Walang tigil ang bunganga sa pag talak. S'ya na ata ang alarm clock namin, umagang umaga nasa bahay agad namin. Kahit sa hapon, nandito parin. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

“Anong meron ba?” tanong ko rito.

“Joke lang ghorl, nga pala kunin mo daw ang damit ng lola mo sa tukador n'ya. Maliligo ata nauna na sa banyo, hiludan mo daw mamaya.” sagot nito at kinuha ang tabo sa kamay ko.

Kahit dito ako lumaki sa bahay nina lola ay hindi ko maitatago na natatakot parin ako sa pasikot sikot. Minsan nga ay may nakikita ako na kakaiba, pero sa tingin ko ay namamalik mata lamang ako.

Mabilis akong pumasok sa kuwarto ni lola at binuksan ang tukador n'ya. Tumunog na ang malaking orasan na nakasabit sa pader ng sala. Alas sais na agad ng gabi, Ang daming damit, hindi ko alam kung nasaan ang pambahay at ang pang alis.

Lumagapak ang pintuan ng kuwarto, wala namang hangin pero nag sarado. May nakita akong babaeng naka puti na nakatayo sa likod ng pinto. Hindi ko makita ang mga mata nito, tanging ang mahabang buhok lamang ang nagsisilbing panangga sa mukha nito. Wala rin itong sapin sa paa, dapat sanay na ako sa mga ganito. Pero iba pala talaga pag matagal mo na silang nakikita sa iyong mga mata.

“Umalis ka!” naiiyak na wika ko. Kumuha ako ng unan at pinukpok sa ulo nito. Lalong akong nainis ng bigla ito tumawa at napag tanto ko na si Lera ito.

“Izza prank HAHAHAH.”

“H'wag mo nang uulitin Lera, hindi mo na ako matatakot!”

“S-sa likod mo,” nauutal na wika nito.

“Tigilan mo ako, umuwi ka na nga!”

“Ae—

Isang babaeng naka itim ang tumayo mula sa bukas na tukador, sa pagkakataon na ito. Iba ang aura nito.

“Ginising n'yo ako sa mahaba kong pamamahinga, oras na rin siguro para kayo naman pumalit sa akin sa loob ng tukador na ito.”

Labing limang taon na. Labing limang taon na ang nakakalipas, s'ya na ang nag may ari ng katawang lupa ko. Unti-unti na rin n'yang pinapatay ang mga mahal ko sa buhay, pero nandito ako sa loob ng tukador, nag dudusa at hindi makawala.

Dedicated to Aesia Wreign

-

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now