𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍 𝐓𝐎 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 𝐘𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄𝐋𝐅

13 3 0
                                    


Mabilis ako na tumakbo sa aming classroom nang makaramdam ng hapdi sa aking balat bunga ng tirik na araw.

“Ella naman! ang bilis mo tumakbo.”  Hinahapo na wika ng pinsan ko na si Ethel.

“Dito na tayo para kitang kita ko si Aeron.” nakangising sambit ko rito.

Bumaling ako kay Aeron na ngayon ay may hawak na raketa sa kanang kamay. Ang gwapo talaga n’ya. Hindi na ata ako magsasawa na titigan s’ya.

“Oh ayan na, natapos na. Dito ka muna bibigyan ko lang ng tubig ang bebelabs ko,” kinikilig na sambit ko.

Mabilis akong bumaba ng hagdan galing second floor at pinuntahan ang kinaroroonan ni Aeron. High school crush ko si Aeron, simula nung mag kausap at naging malapit kami ginugusto ko na s’ya.

“Aeron!” Malakas na sigaw ko at humawak sa hamba ng hagdan para hindi matumba.

Nakita ko na nag tawanan ang mga kasama n'ya pero pinag sawalang bahala ko nalang ito.

“Tubig oh, alam ko na uhaw na uhaw ka,” magiliw na wika ko habang nakatitig sa maamo na mukha n'ya.

“Akin nalang ito Ella, ang laki kaya ng tubigan ni Aeron. Pwede ka nang malunod.” Natatawang ani ng kaibigan n'ya, wala na akong nagawa. Ito na mismo ang humablot sa kamay ko. Tatangi pa sana ako pero seryosong nakatingin sa akin si Aeron.

“Next time nalang siguro tayo Ella mag sabay pauwi. May pupuntahan pa kasi kami sa palengke.”

“Okay lang, pwede naman ako sumama. Wala naman akong gagawin.” wika ko pa. Nanatili lang na tahimik ag mga ito na nakatingi  sa akin.

“Kasi—”

“Hayaan mo na Aeron, hindi na naman ‘yan bata na kailangan hawak hawak mo pa.” wika ng babaeng kaibigan n‘ya. Dipende nalang kung papayag ka na mag kahawak kayo.” Biro nito habang may paghampas pa sa katabi n‘ya.

“Pwede naman sila mag holding hands, dalawa naman ang kamay ni Aeron, isa si Ella sa kabila ay s—”

“STOP!” Malakas na pigil ni Aeron. “Ella, h’wag muna ngayon, maybe next time. Get together na din kasi namin ito. Sa susunod ka nalang.”

Aaminin ko na nakaramdam ako ng sakit sa sinabi n‘ya. Pero anong magagawa ko, kung gustong gusto ko s‘ya?

Araw-araw ko s’yang chinachat. Wala akong tigil sa pag cha-chat sa kanya kahit ang tagal niya i-seen at mag reply. Kahit ang iksi n‘ya mag reply. Kahit ako ang unang nag bubukas ng topic. Iyon lang ang magagawa ko, dahil gusto ko s‘ya kausap. Kahit na alam ko na hindi s‘ya interesado.

“Oh ano? kaylan ka pa titigil? Kitang kita na ng dalawang mata mo kung gaano s‘ya kasaya nang sinagot s‘ya ni Iseah.” sermon ni Ethel.

Iniyuko ko ang ulo ko at mahigpit na hinawakan ang file case na dala ko.

“Hanggang sa tuluyan na mapagod ako.”

“Pwede ka na tumigil, oras na para sarili mo naman ang pahalagahan mo. Dadating din ang tao na pagtutuunan ka ng pansin at hindi ka papaasahin.”

“Yeah, soon.”

@𝐈𝐛𝐲𝐚𝐧𝐠𝐬_𝐬𝐤𝐢𝐞𝐬

-
Plagiarism is a crime, Happy reading ♥️

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin