𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐔𝐏𝐎𝐊

13 2 0
                                    

"Bakit ba hanggang ngayon gustong gusto mo pa din si Klein?"

Napako ang tingin ko kay Lierah, na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Binato ko ito ng unan nang irapan na naman ako.

"Hindi ko din alam, okay? Months na ang nakakalipas." Inis na sabi ko sa kanya at bumaligwas ng bangon sa kama ko.

"Tigilan mo ako Athena sa kaartehan mo. Hindi ka na ba naawa sa sarili mo?" Kamot ulong sambit nito at s'ya naman humiga sa kama ko.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko ang dami kong nagustuhan. Pero bakit sa kanya parin ako umuuwi. I mean ang daming dumaan sa buhay ko na naka fling or m.u ko pero at the end of the day s'ya parin ang gusto ko.

Umupo ako sa sofa at matagal na tumitig sa kawalan. Nabigla ako nang bumalikwas ng bangon si lierah habang hawak ang cellphone n'ya.

"Oha Athena, look at this. Si Klein at Railegh na!" pag aanunsyo nito. Hindi agad ako makagalaw sa kinauupuan ko. Sa loob ng ilang buwan na nagustuhan ko si Klein. Ito amg pangatlo beses na narinig ko ang pangalan n'ya with a girl.

Klein is my boy bestfriend, hindi ko inaakala na magugustuhan ko s'ya. Aaminin ko na may itsura s'ya pero mas una ko s'yang minahal sa Rpw. Kung saan hindi ko pa nakikita ang itsura n'ya. Kung saan minahal ko s'ya dahil sa ugali na mayroon s'ya.

Simula nang umamin ako sa kanya sobrang awkward. Nahihiya na din ako i-chat s'ya, sino ba naman kasing loka loka na aamin tapos hindi kayang tangapin ang mangyayari sa huli.

Napapansin ko narin ang pagiging iba ng pakikitungo n'ya. Kung hindi pa ako ang unang mag me message wala kaming conversation. Patago ko na inilalabas ang mga rants ko sa mga kaibigan ko. Ang mga kilig at inis na nararamdaman ko.

"Ayan na ngangamusta si Klein! Nag chat sayo, marupok ka diba? Replayan mo na tsk!" Sigaw ni Leirah sabay hagis ng cellphone sa akin.

Hindi ko alam, pero may konting pag asa sa puso ko na kahit papaano may pakialam parin s'ya sakin.

"Hello, gusto ko lang sabihin na gusto parin kita hanggang ngayon." Kinakabahan akong tumingin kay Leirah na ngayon ay pailing iling na nakatingin sa akin.

Ang tagal bago nya i-seen ang message ko. Meron sa part ko na kinakabahan sa mga sasabihin n'ya lalo na at may girlfriend na s'ya. Agad na nag pop op ang chat head n'ya sa screen ng cellphone.

"Stop mo na Athena, sorry  hanggang kaibigan lang talaga. Hindi tayo ang nararapat para sa isa't isa."

Napayuko ako at pumatak ang mga luhang kanina pang gusto kumawala sa mga mata ko. Naramdaman ko ang kamay ni Lierah na hinahagod ang likod ko.

"BAKIT KUNG GAANO KO S'YA KABILIS NAGUSTUHAN PERO  ANG HIRAP AT TAGAL BAGO  KO S'YA MAKALIMUTAN?"

"Athena —"

"Hindi nakakatuwa ang pagiging marupok, Leirah."

-

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now