𝐒𝐇𝐄, 𝐖𝐇𝐎 𝐃𝐎𝐄𝐒𝐍'𝐓 𝐋𝐈𝐊𝐄 𝐀 𝐂𝐑𝐎𝐖𝐃𝐄𝐃 𝐏𝐋𝐀𝐂𝐄𝐒.

9 3 0
                                    


Alas Dose na ng tanghali. Mabilis akong tumayo at tinahak ang kuwarto ko.

“AIRAAAA! LUMABAS KA MUNA.” Sigaw ni Althea sabay katok sa pintuan.

“Ayoko! ang ingay, ingay n'yo. Nagbabasa ako 'e,” pabalik na sigaw ko.

Birthday ng pinsan ko, kaya sobrang dami ng tao sa bahay. Pero no choice ako, hindi naman ako introvert. Sadyang wala lang ako sa mood mag ingay tulad nila. Malapit na naman mag pasukan. For sure, mahihirapan ako sa college, kailangan ko na mag basa ng mga article about Psychology.

“Aira, lumabas ka na. Nandito na si Erik, hindi mo man lang ba haharapin?”

Mula sa labas ng pinto ay narinig ko si Mama na tinatawag ako. Agad 'kong inalis ang unan na nakatabon sa mukha ko.

“Opo, susunod na.”

Si Erik, childhood crush ko 'yon. Hindi ko na s'ya nakita simula noong nag migrate sila papuntang Italy. Tiningnan ko ang kabuuan 'ko, mula sa salamin na nakasabit sa pader ng kuwarto ko. Ang dugyot ko.

Bago ako lumabas ng kuwarto ay tiniyak ko na presentable ang itsura ko. Like duhh, dapat maganda. Baka love life na 'to.

Naging maayos naman ang unang pag uusap namin, Hindi naman awkward, ang cute n'ya kausap. Pag ngumi-ngiti s'ya, lumalabas amg dimples n'ya. Sabi ko nga, kung ibibigay ma talaga s'ya sakin. Iga-grab ko na agad ang pagkakataon. Why not diba?

But...

Hindi pala talaga, hindi ganun kadali. Nalaman ko na, bago kami magkita. May nililigawan na pala s'ya sa. Ang sakit diba? binigyan ka n'ya ng mga sign. But still the answer is, "no".

“Ai, maniwala ka man o hindi. You're always here in my heart. I'm so sorry.”

Nakikita ko sa mata n'ya na sincere s'ya, pero wala 'e. Masakit parin. Umasa lang sa wala, may part sa sarili mo na nagsisisi ka. Dahil madaming oras ka na nasayang.

“Erik? Please. Don't tell me that I belong to your heart. You know, I don't like crowded places.”

Another pain again. Ito yung pakiramdam na dahil sa paulit ulit nalang. Hindi mo na nanaisin maramdaman pa. Dahil nagsasawa ka na.

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now