𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐂𝐊 𝐀𝐓 1942

10 2 0
                                    

Maingat kong minulat ang aking mga mata nang makaramdan ako ng kakaibang init na dumampi sa aking balat. Muli kong kinusot ang aking mga mata, At tinanaw  ang  kapaligiran nang mapag tanto kong ako ay nakahimlay sa ilalim ng puno ng duhat. Kaagad akong napabalikwas na makita ang pamilyar na paligid ngunit malayo sa alam kong  disensyo o pag kakaayos nito.

Sa mga maliliit na puno na para bang  katatanim lamang. Ang mga halaman at  yaong puno ng pahutan na mahilig ko tambayan.  Muling kong pinasadahan ang aking kasuotan mula sa pang itaas at pang baba malayo sa mga sinusuot ko na mga fitted jeans, jagger, at croptop. Kung  nasaan man ako ngayon tingin ko'y para akong isang karakter sa isang wattpad na nag travel pabalik sa nakaraan.

“Juliana nandito ka lang pala,  jusmiyo kanina ka pa hinahanap ni ina sa merkado. Siguradong mapapagalitan ka na naman niya.” Isang napakagandang babae ang bumungad sa akin na nakasuot ng kulay lilang saya.

Kaagad nag liwanag ang aking mga mata nang mapag tanto ko na kamukha nito ang aking lola Emeralda na nakatira sa Balayan, Batangas. Kaya naman ganun nalang ang pag tataka ko na sa itsura nito ay tingin ko ito ay nasa edad bente pa lamang.

"Hay nako Juling kung saan saan ka na naman pumaparoon mabuti na lamang ay nakita kita sa ilalim ng puno ng duhat."  Mahabang lintaya nito habang hila hila ang aking kamay, Nag patianod na lamang ako dito sapagakat hindi ko alam ang nangyayari sa paligid.

Hindi rin nag tagal sa aming mga pag lalakad ay tumigil kami sa tapat ng pamilyar na bahay mula sa sira sirang lumang bahay nina lola ay kakaiba ito para bang kagagawa pa lamang. Nagkikislapan ang barnes na nakapahid sa mga galayrayan (railings) ng hagdan.

“Lola Esmeralda ang ganda pala dito dati,” Wala sa sariling  bulaslas ko habang hindi parin inaalis ang paningin sa kapaligiran agad din akong napatigil at napag tanto kung ano ang aking sinabi.

“Juling? ako ay hindi pa matanda para tawagin mo akong lola pulos ka kalokohan. H'wag kang mag alala at mangyayari din 'yan sa susunod na henerasyon ng ating pamilya,” naka ngiting saad nito. Tumingin ito sa aking dako at sinuklian ako ng isang ngiti.

“Sa panahon na iyon ay ang mga apo mo lamang aking mga apo sapagkat hindi ko ninanais na mag karoon ng asawa.” Mahabang lintaya nito at sumandal sa galayrayan ng hagdan.

What the— so kaya pala matandang dalaga si lola Esmeng dahil ayaw n'ya pala talaga mag asawa. Maagang namatay si lola Juling na nanay ni mama kaya naman si lola Esmeng ang nakasama namin ng matagal.

Sobrang close kami at thankful ako na lagi namin s'yang nakakasama  at the age of 86 napakahirap ng sitwasyon n'ya nag karoon sya ng katarata sa mata at inoperahan ito aasahan namin na susunod ito sa yapak ng nanay nila na namatay at the age of 104.

Sumapit ang gabi at makikita ko na din ng personal si lola Juana ang ina nina lola Esmeng at lola Juling, na s'ya namang ako sa panahon na ito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Iniisip ko kung paano ako nakarating sa panahong ito kung tatansyahin ay pawang labing syam na taong gulang pa lamang si lola Juling sa panahong ito.

“Oh binibini na aking sinisinta.
Juliana na aking minamahal,
Maari mo bang buksan ang inyong bintana at ako'y iyong sulyapan.
Nais ko lamang ibigay ang rosas na ito sa iyo oh irog ko.”

Isang baritonong boses ang aking narinig mula sa baba ng aming kabahayan agad kong kinuha ang gasera na syang nag bibigay liwanag sa silid na aking kinaroroonan.

Binuksan ko ang bintana at hinanap ang lalaking nag salita kanina. Isang matipunong lalaki na may hawak ng rosas ang aking nakita samantalang katabi naman nito ang isang lalaki na may hawak na gitara at sinumulaang tumugtog ng hindi pamilyar na himno ng musika.

Napagtanto ko na ang lalaking ito ay ang aking lolo Ernesto na syang napangasawa ng aking lola Juliana sayang lamang at hindi ko ito nakita sapagkat ito ay namayapa na agad noong aking ina ay nasa baitang apat pa lamang.

“Juliana hindi ka ba bababa para lapitan ang iyong sinisinta?”

Isang hindi pamilyar ng boses nang babae ang aking narinig mula sa aking likod kaagad ko naman itong hinarap.

Nagliwanag ang aking mukha nang mapagmasadan ang maamong mukha ng isang babae batid kong ito si lola Juana. Mabilis akong yumakap dito nang napaka higpit hindi na ako nag alala kung magtaka man sila sa aking mga kilos ngunit sobra akong nananabik na sila ay masilayan.

“Halika na anak at pupuntahan natin si Ernesto,” maligayang lintaya nito.

Nagsimula na itong naglakad at sumunod naman ako bitbit ang gasera na kanina lamang ay hawak hawak ko na.

“Mahal ko.”

Isang baritonong boses nang lalaki ang kaagad bumungad sa amin.

Hindi ako mapakali hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pinag masdan ko ang mukha nito. Tila ito ay nag tataka sa aking mga kinikilos naalala ko ang mga ganap sa mga kwentong nababasa ko sa wattpad upang makaligtas sa ganitong pagkakataon o kahihiyan.

“A-aray.” kunyaring pag iinarte ko sabay hawak sa aking ulo na para bang matutumba sa sobrang sakit.

Kaagad naman akong inalalayan ni lola Esmeng na nasa likod ko pala. Tingin ko para akong nasa isang play sa school at isa ako sa mga bida na gumaganap ng sinaunang kwento mygahd self best actress ka na.

“Ipag paumanhin mo Ginoo, masama lamang ang pakiramdam ng aking anak umuwi ka na at gabi na dumalaw ka nalang ulit dito sa araw ng  bukas,” Dinig ko na sambitla ni lola Juana habang ako naman ay inaalalayan ni lola Esmeng na umakyat ng hagdan.

“Juling napapansin kong iba ang kilos ko ngayong araw siguro kailangan mo nang matulog siguro ay napagod ka sa mga kakulitan mo ngayong araw.” Saad ni lola Esmeng at hinagkan ako sa aking noo at lumisan.

Kung panaginip lamang lahat ng ito ay kaagad ko  iyong ikukuwento ito kay lola Esmeralda sa modernong panahon. Tiyak na matutuwa iyon at hindi makakapaniwala sa aking karanasan. Maya maya pa lamang ay naramdaman ko na  ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

Isang malakas na alarm ang nag pamulat sa akin agad akong napabalikwas sa aking higaan at inalala ang mga nangyari. Mula sa maingay na cellphone ay kinuha ko ito.

“Reminder: Happy Birthday Marianne, June 13 2020 another 365 days of my life. Kahit quarantine hindi pa rin makakahadlang ang kasiyahan ng birthday ko.”  Turan ko sa isip ko na s'yang ikinatawa ko.

Lumundag ako sa kama at tinanaw ang maulang panahon tag ulan na naman. Hindi sa malamang dahilan ay parang may kung anong kumirot sa aking puso.

“Marianne anak,” Agad akong napangiti ng marinig ang boses ni mama na ngayon ay nakatayo sa tapat ng aking pinto.Ngunit kataka taka ang mapupula at manubug nubig nitong mga mata.

“Ma! anong nangyari birthday na birthday ko umiiyak ka,” pagbibiro ko rito.

Ngunit niyakap lamang ako nito at humikbi sa aking mga balikat, Niyakap ko naman ito pabalik upang pagaanin ang kanyang loob.

“Ang tagal ng tulog mo anak maligo ka na at mag suot ng puti,” Pag susumamo nito.

Agad ko naman itong sinunod kahit na may pag tataka. Naligo ako at nagbihis ng puti tulad ng sinabi ni mama at bumaba na  nang hagdan. Ngunit hindi pa ako nakaktapos sa pagbaba ay nakarinig ako ng mga halinghing na nagmumuka sa sala.

Isang kabaong ang aking nakikita sa aking unahan hindi ako makagalaw at puno ng katanungan ang aking nasa isip sa ibabaw ng puting kabaong na iyon ay nakapatong ang litrato ni lola Esmeng. Namanhid ang aking mga paa at para bang mawawalan ng balanse sa pag kakatayo mabuti na lamang at nasalo ako ni papa na 'yon pala ay nasa likod ko lamang.

Ang babae kanina lamang ay kinakausap ko at humalik sa aking noo ay naririto sa loob ng kabaong na nasa harapan ko . Namayapa sa mismong kaarawan ko.

-

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now