𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 "𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐀𝐘" 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐓 𝐄𝐀𝐒𝐘.

14 2 0
                                    

"Anak, h'wag ka muna pumasok sa college."

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Pinunasan ko ang mga mata ko gamit ang laylayan ng damit ko habang hawak sa kanang kamay ang plato na hinuhugasan ko.

"Gusto naman kita pag aralin, wala akong magagawa. Hindi ko na kaya anak, ewan ko ba nagsisisi ako kung bakit nag asawa pa ako," naiiyak na sambit nito.

"Ma, gusto ko mag tapos. Diba sabi ko naman sayo masusuklian ko naman lahat ng paghihirap n'yo pag nakuha ko na ang pangarap ko." Hagulhol na wika ko habang walng tigil sa paghuhugas ng plato.

"Kaylan pa? pag patay na ako? Patay na ako sa hirap? Wala ka naman aasahan sa papa mo. Matanda na 'yan, ni hindi na nga kaya mag buhat ng balde sa banyo. Sinong aasahan mo? hindi ka na tutulungan ng tito mo  hindi na 'yon babalik sa abroad," mahina ngunit puno nang galit na pag kakasabi nito.

"Maaa! paano ako? paano ako pag dumating sa punto na mawawala kayo? Paano kami ng kapatid ko?" nanghihinang sambit ko.

"Sisihin mo ang papa mo, kung utak ang pinairal n'yan. Edi sana maayos buhay natin ngayon," naiyak parin na ani nito.

"Si Alliah muna ang hayaan mo mag aral, kaya ko pa yan. Elementary palang yan, nilalakad lang ang school kaya pwede pa," dagdag pa nito.Mabilis akong lumingon at lumapit dito.

"Ano? ma naman, paano ako? Kailan ako mag aaral? Ayoko ng ganitong buhay, gusto ko maka ahon ma."

"Kung hindi sana nag patumpik tumpik ang papa mo edi sana sabay kayong nag aaral sa susunod." Napatawa ako na humarap dito. Kasabay naman ang pagbukas ng pinto at niluwa nito si papa mula roon.

Si papa? na pinaubaya ang pag aaral n'ya sa kapatid n'ya? Na dapat kung tutuusin s'ya ang nasa sitwasyon na maayos ngayon. Kaylan pa tayo tatapak sa sarili nating nga paa? Ginagawa ko ang makakaya ko, nag aaral ako ng mabuti. Nagbabaka sakali na may tumulong sakin para makapag tapos." Habol hininga na wika ko.

"Kaya nga mag paubaya ka—

"Ma naman, uulitin lang natin ang nakaraan. Mangyayari lang din sakin ang nangyayari kay papa ngayon. Paano ang pamilya na bubuuin ko? Paano ako? hindi naman sa habang buhay na paglalakbay ko sa mundong ito kasama ko kayo."

Napa dako ang tingin ko kay papa na ngayon ay umiiyak sa kinatatayuan n'ya ganun na din si mama na pulang pula na ang mga mata.

Hindi madali maging panganay, napaka hirap.

-
Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now