𝐌𝐑. 𝐂𝐀𝐑𝐃𝐈𝐎𝐋𝐎𝐆𝐈𝐒𝐓 𝐃𝐎𝐍'𝐓 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓

6 3 0
                                    


Nine thirty na, pero nandito parin ako sa labas ng gate. Sa sobrang dami ng late ngayong araw ang haba ng pila at isa ako don. Mula sa facade ng unang building maraming estudyante ang naka suot ng kulay pula. Malayo pa ang Valentine's Day pero mukhang excited sila.

"Miss ang ID? h'wag na ma late bukas huh? ipapatawag na ang magulang. Pangatlong record mo na ito,” masungit na sermon sa akin ni Kuya  Peps.

Bakit kasi lagi nalang ako late magising. Sabagay ikaw ba naman ang mag sunog ng kilay simula alas otso ng gabi hanggang alas onse ng gabi. Tuluyan na akong na kapasok sa loob ang kaninang estudyante na naka pila sa unahan ko ay parang mga sinabog na bigas na ngayon na sobrang nakakalat.

"MIKAAAAA!” matinis at masakit sa tenga na tili ni Selena, Bestfriend ko.

“Bakit? agang aga wala na namang preno ang bibig mo,” natatawang sambit ko. Hinila nito ang kamay ko at inilagay sa gitna. Wala ako sa sarili na nag patianod sa kanya.

Tumunog ang mic na sobrang sakit sa tenga pero nawala din ito agad. Nakita ko na naglalakad na ang mga med students sa unahan ko. Lahat sila nakangiti sa akin, sa likuran ng mga ito ay mga kaklase ko na abot langit rin ang ngisi. Isang malakas na putok na ng mga lobo ang una kong narinig sabay hudyat ng mga med students tumingala ang mga ito mula sa building na nasa harapan ko. Sinundan ko naman ito ng tingin at pinahid ang namamasang mga mata ko.

“FROM THE  AORTA AND TO THE APEX, I LOVE YOU WITH MY WHOLE HEART. HAPPY 2ND ANNIVERSARY MY FUTURE PSYCHOLOGIST.”

Nagsimula maghiyawan ang lahat ng estudyante sa loob ng campus, nandito rin ang mga teacher na s'yang nauuna pa sa kilig. 

“Good morning baby, you give me a premature ventricular contraction.”

Nasapo ko ang bibig ko sa gulat ng bigla itong sumulpot sa likuran ko. He's Acey, my boyfriend since we're in second year college. Halata sa mata nito ang pagod, pero nakakapagtataka dahil nagawa n'ya pa ang mga bagay na ito. Tinangap ko ang dala nitong bulaklak at niyakap ito. But I think, may pahabol pa s'yang ka kornihan. 

“Ms? Are you a second degree heart blocked?” naka ngiting tabong nito.

“why?” agad na tanong ko.

“Because you made my heart skip a beat.”

“Ang corny mo Acey!” sigaw ng mga kaibigan n'ya na med student rin.

“Hoy Mika! hindi pwedeng si Doc lang. Bumanat ka din.” sigaw naman ng mga kaklase ko.

“Doc, you must be aphasia,”

“Ohh, i got it i  know that. By the way, why?” natatawang wika nito.

“Because you left me speechless.” matapang na sambit ko habang diretso na naka tingin sa mga mata nito.

“Damn Baby, you activate my HPA axis. You make my dopamine levels go all silly.”

Muling nag hiyawan ang mga estudyante ang mga professor na nakakakita sa amin. Malakas ang loob ng doctor ko na gumawa ng mga pasabog dahil pamangkin s'ya ng may ari ng school. Pasaway talaga, pero aaminin ko kinilig ako.

“Baby i love everything about you not just the fragmented parts of your personality or your cognitive functioning.” 

That was the best part of my college life, with him. But after that scene, nagbago ang lahat. Nag failed s'ya sa exam, hindi s'ya maayos na nakapag aral dahil sa effort n'ya noong anniversary namin. Hanggang sa kinausap ako ng mommy n'ya na kung pwede itigil nalang muna. Mahirap para sa akin, pero nabigla ako noong walang pag aalinlangan na pumayag ito.

“I love you, hihintayin ulit kita Doc, kahit gaano katagal. Basta sa akin ka ulit uuwi. You fire up all the reward centres in my brain- you’re like a dopamine rush to my head, I always felt that baby.”

Para sa aming dalawa ang desisyon na ito. Para sa magiging future namin.

“Mika, tulala ka na naman?” Bati ni Selena sabay hampas sa akin. Nandito ako sa clinic ko, dumalaw lang s'ya para mag sabay naman kami kumain.

“Nako sis mars huh, minsan ikaw naman ang dumalaw sa clinic ko baka ikaw ang kailangang i-council.” pagbibiro nito.

“Asus, ang suwerte mo naman at may maganda kang client,” bawi ko pa rito.

“By the way, sabi ni Paul. Umuwi na daw si Acey sa pilipinas noong nakaraang buwan pa. May clinic na nga daw, siguro lisensyadong doctor na 'yon,” mahabang lintaya nito habang ngumunguya ng pagkain. Pero kahit ganun, naintindihan ko nf malinaw ang sinasabi nito.

“Saang clinic? pupuntahan ko.” desidido na wika ko. Agad naman itong dinial ang numero ng boyfriend n'ya na kaibigan ni Acey at tinanong kung saan ang clinic nito.

Hindi na ako naka inom ng tubig, mabilis akong sumakay sa kotse ko at pina andar ito. Mabuti nalang at hindi kalayuan. Madaming nakapila na pasyente sa clinic nito, may babae na nag a-assist sa mga pasyente na tingin ko ay secretary nito.

Hanggang alas tres lang ng hapon ang clinic nito, nauubos na din ang mga pasyente. Huling pasyente nalang ang nasa loob, konting oras nalang Mika. Makikita mo na s'ya.

Bumukas ang pinto at lumabas ang huling pasyente, mabilis akong pumasok at nakita itong naka talikod mula sa akin.

“Hello ms. tapos na po kasi. Bumalik nalang po kayo bukas,” nginitian ko lang ang nurse na kumausap sakin. Bumalik ang titig ko kay Acey na ngayon ay gulat na naka tingin sa akin ngayon. Mabilis ko itong niyakap at umiyak sa mga balikat nito. Sobra akong nangulila sa kanya. Niyakap ako nito pabalik ngunit inalis din nito agad.

”Kumusta ka na?” naiilang na tanong nito. Bumaling ako sa nurse na nasa pintuan.

“Can we talk privately?” tanong ko rito.

“Uuwi na rin kasi kami, pwedeng dito nalang? or maybe next time mag usap tayo?” nag aalinlangan na sambit nito.

“Hon, okay lang na mag usap kayo here. Don't mind me.” sabat ng nurse kay Acey. Mabilis akong napa bitaw sa damit nito at tulalang napatingin dito. Nag kamali ata ang pandinig ko.

“Ahh, Mika. She's Althea, my nurse secretary here and also my wife.” Lumabas sa pintuan ang nurse at asawa kuno nito. Aambang hahakbang na ito para sundan ang nurse ay agad na nagsalita ako.

“Ang unfair mo Doc, all of those years have past ikaw parin. Pero ikaw? nag pakasal ka agad. Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko. Ang selfish mo Doc.”

“I'm sorry, hindi ko napigilan ang puso ko na tumibok sa iba.” nakatungo na sabi nito. Mapait naman akong ngumiti  at humakbang para umalis ng clinic n'ya.Tumingin ako sa asawa nito na ngayon ay nakaupo sa labas.

Wala na akong dapat sabihin pa. Oras naman para ang sarili ko naman.

He is a Cardiologist and still breaks my heart.

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now