𝐇𝐄'𝐒 𝐒𝐓𝐈𝐋𝐋 𝐌𝐘 𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄.

7 3 0
                                    


Author's Note: Ang mga tagpo sa istoryang ito, ay bunga lamang ng aking malawak na imahinasyon)

“Rovelyn? nag ayos ka na ba sa sarili mo?”

Isang boses mula sa labas ang nag pagising sa akin mula sa pagkakatulog. February 14 na pala. Ito ang araw na hinihintay ng mga magaganda ang love life, at isang nakakabagot na araw para sa mga single.

“Mag aayos palang po,” mabilis na wika ko, sakto na para marinig ni Mama mula sa pintuan ng kuwarto ko.

Matapos na maglinis ng katawan ay kinuha ko ang face powder sa ibabaw ng tukador tumingin sa salamin. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo kaya pinikit ko aking mga mata at muling simulyap sa kabuuan ng mukha ko, mula sa repleksyon ng salamin.

“Sobrang ganda ko.”  Salitang lumabas na lamang sa bibig ko. Biglang namang sumulpot si Mama mula sa likuran ko at hinawakan ang balikat ko.

“Sasamahan ka mamaya ng Kuya mo, H'wag ka kung saan saan pupunta huh,” pagpapaalala nito. bahagya kong tiningnan ito mula sa salamin at umirap.

Nag tuloy tuloy lang ako sa pag aayos sa sarili at tumayo para suotin ang gown. Nasa loob parin si Mama ng kuwarto at pinapanood ang aking bawat galaw.

Naalala ko si Ivan, sigurado ako na matutuwa s'ya pag nakita na n'ya ang lahat ng mga ito, Mahal na mahal n'ya ako.

Nakahanda na ang tricycle na nirentahan pa ni Mama para lang makapunta ako sa Party. Mabilis akong sumakay, wala na akong pakialam kung magulo ang buhok ko.

“Babantayn ka ni Kuya huh, H'wag kang pupunta kung saan saan.” pag bibilin ni Kuya, pero hindi ko ito inintindi.

Nag simula akong suyudin ang buong lugar, nakatingin lang sa akin ang iba. Walang gustong lumapit. Nasisinagan siguro sila ng kagandahan ko.

Kumuha ako ng susi sa pouch na dala dala ko. Walang tao na nakatingin, isa itong abandonadong lugar na nasa likod ng school.

“I miss you Ivan, na miss mo ba ako? Mahal na mahal kita HAHAHAH.”

Nakatulala lamang ako sa kabuuan nito, “Isayaw mo ako.” utos ko. Pero hindi man lang ito gumalaw mula sa pag kaka upo.

Sinimulan ko alisin ang mga tali sa katawan nito, itinayo ko ito na para bang papel ang mga kamay. Pero kung tutuusin ay mabibigat ang mga buto nito, na humiwalay na ang laman sa katawan.

Umikot ako habang hawak ang kamay nito, pumikit ako at na dinama ang saya na nasa loob ng puso ko. Ang mabahong amoy ng katawan nito ay hindi alintana sapagkat nangingibabaw ang saya ng aking puso.

“Tumigil ka na Rovelyn, pinatay mo s'ya!”

Tumigil ako sa pag ugoy sa aking katawan pero hindi ko parin minumulat ang aking mga mata. Ang boses na 'yon, ang babaeng minamahal ni Ivan. Pero hindi puwede ako lang dapat.

“Grabe, ano 'to?” Isang pulis ang humawak sa mga balikat ko at pinabitaw ang buong buto ng katawan ni Ivan. Walang pasubali ko na inihagis ang kamay nito. Tumingin ako sa pulis at lumuhod.

“Bigyan mo ako ng Kendi, gusto ko ng Kendi.” Umiyak ako hinawakan ko tuhod nito.

“Mamaaa!” sigaw ko pa.

Nilagyan nila ng posas ang nga kamay ko, sa telebisiyon ko lang ito nakikita. Pero hindi ako hinahayaan na papanoorin ni Papa ng ganun.

Inilabas nila ako sa silid na 'yon, mabilis na lumayo ang mga taong nanonood. Nakita ko si Mama na kasama ni Kuya. Umiiyak ito at tila nang hihina ang mga tuhod.

Dito na naging normal ang lahat, hindi ko ginusto ito. Sa dinami-rami ng tao, bakit ito pa ang binigay sa akin.

I'm Rovelyn Esquivel, a 20 years old college student. Suffering, for having a Multiple personality.

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now