𝐌𝐀𝐈𝐓𝐀-𝐓𝐀𝐌𝐀 𝐏𝐀 𝐁𝐀?

8 3 0
                                    


“Hon, excited na daw si mama na makita ka,” Kinuha nito ang bag na dala ko at nilagay sa balikat n'ya.

Hindi mawala sa ang ngiti nito sa labi, dalawang taon na rin kaming nag mamahalan. At ang bunga ay ang dala dala ko, pero ngayon palang n'ya ako mapapakilala sa mga magulang n'ya. Una kaming nagkita sa Intramuros, hindi ko inaasahan na nasundan pa ng ilang hindi sinasadyang pagkikita. Nanatili kami sa Manila para mag trabaho, pero ngayon pa lamang kami uuwi ng mindoro sa mga magulang n'ya samantalang ang mga magulang ko ay nasa Batangas.

“Welcome Home!” isang nakaka binging sigawan ang bumungad sa amin pag bukas pa lamang ng pintuan.

“Ito na ba si Selena, 'nak?” Isang magiliw na ngiti ang ibinigay sa akin ni tita Lisa . Nanay ni Ziax, mabilis naman akong inakap nito.

“Ang ganda ng magiging asawa ko ma,” seryosong saad ni Ziax. Hindi mawala sa paningin ko ang mga ngiti n'ya.

“Para maganda din ang mga magiging apo ko,” masayang sambit nito.

Muli kaming nag katinginan  at natawa. Hindi pa nila alam na buntis ako, mamaya pa lamang namin sasabihin.

Nagtungo kami sa hapag kainan, ganun na lamang ang saya nila ng makita kami. Mula sa mga kapatid ni Ziax at mga magulang. Ang suwerte ko, isa ako sa mga babae na pinalad sa mga magiging biyenan.

“Maupo na kayo, mag pray muna bago kumain,” paninimula ng tito Ismael.

Natapos ang maikling panalangin pinangunahan ni Tita Lisa. Maingat ang bawat pag bagsak ng mga kubyertos.

“Ija, ano nga pala ang buong pangalan mo?” tanong ni tita Ismael.

“Selena—

”Maganda ang pangalan n'ya pa, lalo na kung kasama ang epilyido natin,” pilyong banat ni Ziax. Naramdaman ko ang pag pula ng mga pisngi ko. Nakakahiya, lahat sila nakatingin sa akin.

“Selena?” tanong ni tita.

“Selena Alvarez po,” mabilis na sagot ko.

Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa akin, kasabay ang pagsulyap kay tito Ismael.

“Taga Batangas ka ba Selena? ahmm, sa Balayan, Batangas ba?” sunod sunod na tanong nito.

“O-opo, taga doon po ang mama ko.”

“Si Lucy Alvarez ba?” tanong pa nito na s'yang kinabigla ko, may kung anong kumalabog sa dibdib ko na sobrang lakas.

“O-opo.”

“Ma? kilala mo?” biglang tanong ni Ziax.

“Kilalang kilala ko! second cousin ko si Lucy. Ibig sabihin third cousin na kayo,” Mataas ang boses nito, halagang punong puno ng pag kadismaya.

Halos hindi ko malunok ang kanin na nasa bibig ko, napatigil na rin sa pagkain ang mga kapatid ni Ziax. Ang kaninang mahigpit na pag kakahawak ni Ziax sa kamay ko ay tuluyan nang nawala.

“May nangyari na ba sa inyo?” tanong pa nito.

“Analisa! nasa hapag kainan tayo!” buwelta ni tito Ismael.

“Mas maganda na alam na natin Ismael. Kailangan maagapan na agad.” Sinapo nito ang kanyang noo, at napahawak sa gilid ng lamesa.

Tumingin ako kay Ziax na ngayon ay hindi na rin maipinta ang mukha.

“B-buntis po a-ako,” nauutal na wika ko.

“Kailangan ko na makausap ang nanay mo, hindi pwede ito. Maghiwalay na kayo," nakahawak ito sa dibdib n'ya ta agad na uminom ng tubig.

Ang namumuong luha sa aking mga mata ay tuluyan ng bumuhos. Tumingin muli ako kay Ziax pero naiiyak na rin ito. Hinawakan ko ang kamay nito, kaya bumaling ito sa akin.

Ilang araw akong hindi makausap ng maayos, nahihiya na din ako sa kanila. Hindi namin alam ang gagawin namin sa bata, natatakot kami na baka magkaroon ito ng komplikasyon. Nag kausap na sina mama at tita Lisa. Hindi rin nila alam ang gulo na pinasok namin. Kahit sila, nagsisisi kung bakit hindi agad nila inalam.

“Hon, kumain ka na.” Inabot ko kay Ziax ang ulam na niluto ko . Mapait ito na ngumiti sa akin.

“Kumain ka na din, baka magutom na ang bata sa t'yan mo,” wika nito. Naiiyak ako sa sitwasyon namin, para bang magkasama na lamang kami hindi dahil nag mamahalan kami kundi para nalang sa bata na binuo namin.

Hindi rin nagtagal nakunan ako, mahina raw ang kapit ng bata. Masakit dahil para bang nabunutan sila ng tinik kahit alam nilang naghihirap kaming dalawa ni Ziax.

“Itutuloy pa ba natin?” wala sa wisyong tanong ko.

“Itatama na natin Selena, wala nang rason para ituloy pa,”

Tama talaga ang sinasabi ng karamihan, bago n'yo subukan ang gawain ng isang mag asawa. Kailangan n'yo muna kilalanin ang isa't isa.

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now