𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈𝐅

12 3 0
                                    

𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈𝐅 𝐀 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐎𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀 𝐇𝐔𝐑𝐓 𝐒𝐎𝐌𝐄𝐎𝐍𝐄 𝐖𝐇𝐎 𝐇𝐀𝐕𝐄 𝐀 𝐀𝐆𝐋𝐈𝐎𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀?

“Do you think, they exist?”

“Po?”

“Ms. Esteva. Lutang ka na naman?” bahagya akong napa yuko at umupo sa upuan. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Mula sa pag kakatungo ay nakita ko ang black stilleto nito sa harapan ko. “I asking you ms. Hindi puwede na lagi ka na lamang ganito sa recitation,” maawtoridad na wika nito.

“I don't know ma'am, as far as I know. H-hindi ko pa nararanasan ang ganun na mga bagay.” matapang na sambit ko.

“Are you sure?” pilit na tanong nito.

“Y-yes po,” 

“A liar.” mahina ang pag kakasabi nito sapat na para marinig ko.

-
“𝐾𝐴𝑌𝐶𝐸𝐸!” mabilis ako na lumingon ng makita ko si Vincent sa likod ko.

He's Vincent my best friend, naging mag kaibigan kami apat na buwan na ang nakakaraan. He's always at my side, lalo na pag nag o-overthink ako. I have Philophobia, a fear of falling inlove. Alam n'ya 'yon simula palang noong una, base sa past relationship ko at sa mga naka m.u ko o sa madaling salita, no labeled relationship.

“Nakakain ka na ba? may dala akong pagkain. Samahan mo ako kumain,” malambing na wika nito.

Natatakot ako na baka mahulog ako sa kan'ya. Isa ako sa mga taong madaling ma attach pero mahirap mag move on. Natatakot ako ma baka mawala ang friendship namin.

“Kaycee? I know that you have a Philophobia but can we try?” masuyong pagtatanong n'ya.

“Vinc—”

“Please?” tanong pa ulit nito. Hindi ko ito sinagot, ayaw ko na masaktan s'ya.

Nag tuloy-tuloy ang mga panahon, ginagawa n'ya ang gawain ng isang responsableng manliligaw. Simula noong ginagawa n'ya 'yon, alam ko sa sarili ko na dumistans'ya ako.

“Can you be my girlfriend?” tanong nito. Nandito kami sa labas ng classroom dahil narin sa orientation na magaganap maya-maya lamang.

“I-im sorry, I told you. I have a Philophobia. Ayaw ko na mahulog ulit, dahil hindi ko na gustong maranasan ang kilig at the same time masasaktan,”  histerikal na wika ko.

“B-bakit? hindi mo ba gusto na mawala ang phobia na 'yan?. Kaycee, I have Agliophobia...” naiiyak na sambit nito na nagbigay kurot sa puso ko.

“A fear of being hurt,” dugtong nito.

“A-ano? pero bakit mo pa ginagawa ito?” tanong ko. Nanlulumo ang mga tuhod ko.

“Kahit alam ko na masasaktan ako, itinuloy ko dahil mahal kita. Hindi mo ba kayang labanan ang phobia mo? para mahalin ako?” Lumuhod ito at pinakawalan ang mga mahihinang hagulhol. Hawak nito ang bandang puso n'ya, na para bang hindi makahinga.

I was shocked, doon ako na-alarma. Nag takbuhan ang mga estudyante papunta sa kinaroroonan namin ganun na din si Ms. Lyka ang kapatid ni Vincent. Wala ako sa sariling nakatulala hindi ko namalayan na wala na sila sa harap ko. Hindi ko makaya na puntahan s'ya.

Nag tatanong tanong na lamang ako sa mga kaklase n'ya. Nalaman ko na may sakit din s'ya sa puso. Tumuloy s'ya sa isang severe depression dahil sa problema sa pamilya n'ya at ang hindi n'ya pagkuha ng final exam. Hindi ko maitatangi isa din ako sa nagpapa bigat ng damdamin n'ya. Three months have passed, he passed away too.

-

“I'm sorry ms.” pag hingi ko muli ng tawad sa ate ni Vincent.

“It's too late Kaycee, ma pride at duwag ka.”

“𝐼’𝑚 𝑠𝑜𝑟𝑟𝑦 𝑉𝑖𝑛𝑐𝑒𝑛𝑡.”

Dedicated to: Marian Gail Ludovice and CHICHI MANUNULAT Richii Víntagé and Rhythm Víntagé.

-

Wakas.

ONE SHOT STORIES (RANDOM GENRE)Where stories live. Discover now